Reaksyon sa Re-Solusyon

37 0 0
                                    

I. Tuklas-Dunong

Ang artikulong nailathala ni Delos Reyes ay tungkol sa mga isinusulat na resolusyon sa tuwing sasapit at dumaraan ang Bagong Taon maging mga kinalaman nito sa mga karaniwang gawi ng isa't isa magdulot man ito ng negatibo o positibong dulot.


II. Reaksyon

Naipakita ng pamagat ang tunay na katangian ng isang resolusyon na nagbibigay dapat ng mga paraan upang ayusin ang gusot o di-akmang gawaing nagbibigay-alanganin at harapin ang matayog na pagbabago. Maayos ring nailahad ng manunulat ang mga karaniwang nangyayari tuwing naglilista ng isang resolusyon higit doon ang parte na may mga taong niloloko lang ang pinaplano nila sa buhay.


III. Rekomendasyon/Suhestiyon

Mairerekomenda ko kay Delos Reyes sa artikulong ito na bigyan diin din ng kaunti ang paggawa ng 'Goal' imbes na 'New Year's Resolution' sapagka't mas madali lamang sundin at intindihin dahil isang bagay lang ang kailangang makamit na maaring gawin at matagumpay nang tapusin sa loob lamang ng isang buong taon.

Pinal na Gawain sa Pagbasa at PagsulatWhere stories live. Discover now