I

397 30 18
                                    



REYES
 
 
The downside of being a student-athlete is that after they won the championship, they're not allowed to dwell longer in the moment because of the loads of work waiting for them which they apparently had set aside to focus on their previous games.
 
Ramdam na ramdam yun ni Mika ngayon.
 
Katatapos lang ng game nila nung isang araw which, by the way, was a rubber match that extended to a fifth set pero ito siya ngayon, nagmamdaling makarating sa isang malapit na coffee shop upang kitain ang mga kasamahan sa thesis niya. Actually, tapos na rin naman sila sa defense but they had a lot of revisions to deal with not to mention na they only had a day from now before ng deadline.
 
"Guys, sorry late ako." paumanhin niya sa mga kaibigan nang makarating. She was supppose to wake up at eight in the morning pero sa himbing ng tulog niya, dahil na rin siguro sa naipong pagod at puyat nang mga nakaraang araw,  ay himalang hindi niya man lang narinig ang alarm ng phone niya, so she ended up waking up at quarter to nine. Just fifteen minutes away from the time that she and her groupmates had agreed to meet at a nearby café.
 
"It's okay, Miks." Lara, their group mate smiled. Halata sa mga na mata nito ang ilang araw na puyat. Ito at ang isa nilang kagrupo na si Clarisse kasi ang nag-umpisa ng mga revsions habang may games pa sila. She's really thankful for her understanding groupmates talaga na inintindi sila ni Cienne at hindi man lang nagalit na minsan ay hindi nila agarang natatapos ang ibang gawain dahil sa training nila na mas humaba dahil sa papalapit na finals ng UAAP noon.
 
And speaking of Cienne, nakayuko ito sa harap ng laptop nito at tila nakaidlip na kaya siniko niya ito ng mahina dahilan upang mapaupo ito ng diretso.
 
"Lars, kami na muna ni Cienne dito." aniya sa dalawang kasamahan. "Pahinga muna kayo."
 
Tinignan lang siya ng dalawa na tila ba hindi narinig na nagsalita siya.
 
"Huh?" Clarisse looked at her, puzzled.
 
Naku po. Sobrang lutang na ng mga kasamahan nila.
 
"Baka kako gusto niyo munang magpahinga? Kami na bahala ni Cienne dito."
 
"Are you sure? Okay lang ba na matulog muna kami sa dorm?" Lara asked. Magkasama kasi ang mga ito sa dorm.
 
Tumango-tango naman sila ni Cienne. Malaki ang utang na loob nila sa mga kasamahan at tama lang na pagpahingain na muna nila ang mga ito.
 
They agreed to meet in the afternoon before the two left. Naiwan sila ni Cienne dalawa sa café. Um-order na rin sila ng makakain dahil pareho silang hindi pa nakakapag-meryenda.
 
"Ye, have you checked your twitter last night?" tanong ni Cienne habang abala sila sa pagtipa sa laptop nila.
 
Kunot-noo niya  itong nilingon. "Wala. Bakit?"
 
"Naku, alam mo na naman na inuulan ka ng bash palagi di ba?"
 
Tumango-tango naman siya. Her friend was right. Lahat yata ng galaw niya sa loob at maging sa labas ng court ay hinahanapan ng mali ng ibang tao. She learned to ignore them eventually, though. Wala na naman siyang magagawa, isa pa hindi naman siya talaga kilala ng mga ito so there's no point in valuing their opinions. There are people also who appreciate and support her kaya sa kanila na lang niya binabaling ang atensyon upang magpasalamat.
 
"Then last game you just accidentally hit a facial to Ara Galang, right?"
 
"Yeah?" naguguluhang sagot niya rito. Of course, she perfectly remembered. Di pa man siya nakakabukas ng social media accounts niya ay alam na niyang maliban sa championship ay yun ang magiging usap-usapan ng mag tao. Di na rin siya magtataka kung binabash na siya ng mga fans ni Galang mula pa kahapon.
 
"Well, look who has decided to join the bashing party." iniharap ni Cienne sa kanya ang cellphone nito. The screen displayed a certain person's twitter account. Isinuot niya ang salamin upang mas makita ng maayos ang mga nakasulat.
 
She recognized it was Sheila Pineda's account. A volleyball player from Adamson University.
 
@Bangnita huh! Good hit?! Tama ba yung tamaan mo yung mukha ng kalaban mo? Di man lang nagsorry!
 
The tweet was dated saturday, just an hour after their game. Wala man itong tinutukoy sa tweet nito, Mika had a strong feeling that the Adamsonian was referring to her. Nakita nya rin itong nanuod sa game nila kahapon.
 
Mika usually ignores these kind of tweets kahit kanino pa yan galing. But there's this one particular tweet that caught her eye that was tweeted right after the first one.
 
@Bangnita Hope you're alright @VSGalang. Nice game!
 
Napataas ang kilay niya. Kaya naman pala nainis sa kanya.
 
"Hayaan mo na." kibit balikat niya na lang kay Cienne. "I don't know her anyway."
 
"Pa-issue si Ate Girl." bulong naman nito na pinatay na rin ang phone saka nagpatuloy sa ginagawa nila.
 
Maya- maya pa ay nakatanggap siya ng text message galing sa team manager nila.
 
Ye, yung photoshoot for UAAP Magazine was moved tomorrow. 2pm at their studio. Available ka ba?
 
Napasapo siya ng noo. Kailan kaya matatapos mga commitments niya?
 
Sure. Noted po.
 
Wala naman siyang magagawa kahit may tatapusin pa siyang thesis. Naka-commit na siya sa Magazine as a representative of their team.
 
"Oh? Ba't nakasimangot ka diyan?" baling sa kanya ni Cienne. Napansin sigurong nakasimangot siya.
 
"Eh bukas na pala yung photoshoot para sa magazine" sagot niya dito.
 
"Talaga? Don't worry. Matatapos na natin tong revisions by tomorrow morning."
 
She appreciates Cienne optimism. Pero talaga naman kasing dapat matapos na nila iyon sa umaga para mapapirmahan na nila yung revised copy sa Profs nila at maipa-bind na so they can turn it over to their College  by Tuesday afternoon. So alam na, puyatan na naman sila mamayang gabi.
 
"Oy twelve o'clock na pala." bulalas ni Cienne. "Kailangan ko pa kitain yung logistics committee."
 
Cienne's the head of the logistics committee ng club ng course nila. She remembered they have a tribute for the seniors, which includes the two of them, at the end of each year kaya malamang ito ang mag-aasikaso ng event. Actually, magtuturn over lang yata ito ng mga gawain sa susunod ng head ng committee.
 
"Ye, do you want to come? My lunch tayo dun." aya sa kanya ng kaibigan.
 
"Nah. May pupuntahan rin ako mamaya eh." tanggi niya dito.
 
"Sure ka ha?" kumunot ang noo nito at nagtatakang tinignan siya. Wala naman kasi siyang nabanggit na pupuntahan rito kanina.
 
Tumango-tango siya saka ngumiti. "Oo nga. You go ahead na. Baka ma late ka pa."
 
"Sige. Sige. Ingat ka." Cienne gave her a hug bago lumabas ng shop. "See you mamayang 4pm."
 
Paglabas ng kaibigan ay iniligpit na rin ni Mika ang mga gamit, inubos ang coffee niya saka lumabas ng shop. Tumingin-tingin muna siya sa paligid bago sumakay sa nakaparadang kotse.





















GALANG

 
@Bangnita Hope you're alright @VSGalang. Nice game!
 
Napakamot na lang si Vic ng ulo nang makita ang dahilan ng panunukso sa kanya sa training nila. Kianna showed her a tweet from a volleyball player. Kilala niya ito, siyempre.
 
"Ano yan Ate Ara?" tukso ni Kianna. "Yieeeeee!"
 
Napailing na lang siya sa mga teammates niya. Kapag nag-react pa kasi siya ay mas tutuksohin lang siya ng mga ito.
 
"Gaano nga ba kaasakit yung bola ni Reyes, wafs?" natatawang siko sa kanya ni Kim. "Malakas ba yung tama?"
 
Binato niya ito ng hawak na bola. "Humanda ka mamaya, wafs."
 
Nagsitigil na rin ang mga kasamahan niya sa panunukso nang bumalik ang Coach Ramil nila. Iniwan lang kasi isla saglit para mag-cooldown. Although natalo sila sa championship, they had to continue training for  their team sa commercial league. Medyo nag-slow down lang muna para maipahinga ang katawan nila pagkatapos ng ilang buwang rigorous training but for a few of them who are in the line up of the commercial team, they'll be joining their seniors soon sa training since mahigit isang buwan na lang ay magsisimula na rin ang liga.
 
Light na lang ang training nila kaya naman pagkatapos nito ay may lakas ang lahat sa biruan. Malas lang niya at siya ang nakita ng  mga teammates niya. Coach Ramil gave out a few more instructions before they were dismissed.
 
She attended her first period class afterwards. Ito na last week nila at talagang humabol pa ng homework ang Prof nila. Kakaupo niya pa lang sa kanyang upuan nang lapitan siya ng isa nilang kaklase.
 
"Ara, pwede bang magpatulong?" Iyah approached her. "Hindi kasi ako sigurado sa sagot ko eh."
 
"Ha? Ah eh.. Sige." napakamot na lang siya ng ulo. Kahit kasi siya ay hindi rin sigurado sa sagot niya sa homework nila pero wala na siyang magawa dahil naupo na ito sa bakanteng silya sa tabi niya. Inilabas na lang nya ang takdang-aralin saka ipinakita iyon sa kaklase saka ipinaliwanag ang sagot niya.
 
Napansin naman niya sina Jeron at Thomas na nakaupo sa likuran niya na panay ang sulyap sa direksyon niya.
 
"What?" she mouthed to them. The two only gave her a thumbs up and high fived each other. Nagtaka naman siya sa kilos ng mga ito.
 
"Thank you, Ara." nakuha ang pansin niya nang magpasalamat si Iyah. Agad rin itong bumalik sa upuan nito.
 
Sinita naman niya ang dalawang bulate sa likuran niya. "Ano? Ba't ganyan kayo makatingin?"
 
"We just can’t believe na kanina pa kami dito ni Thomas pero wala man lang lumapit samin para magturo." iling ni Jeron.
 
"Oo nga." sang-ayun ni Thomas. "Kanina pa yan si Iyah dito, akalain mo ikaw pala hinihintay. Lakas mo talaga, bro!"
 
"Luh. Baka wala lang tiwala yung tao sa sagot niyo?" asar niya sa mga ito.
 
Para namang napaisip yung dalawang ugok.
 
Jeron shrugged. "Sabagay. I failed the last quiz nga pala."
 
"Me too." Thomas mumbled.
 
Hindi niya alam kung matatawa dahil parang kenkoy ang dalawa o maaawa dahil first and last quiz nila yung na fail ng mga ito. How did she even become friends with these two? Thomas and Jeron are members of the men's basketball team. She had been in the same class with the two since they were in highschool, but she can't remember when did she started hanging out with the them. Naalala niya lang na nakikipaglaro siya sa mga ito ng basketball tuwing dismissal nila noon.
 
Ara was unusually tired the entire period. Siguro dahil sa paspasan nilang training noong nakaraang mga araw. But the weariness immediately disappeared when she received a text message. Usually, nilalakad niya lang papuntang condo unit niya mula campus dahil walking distance lang naman ito. But today's different. She brought her car with her that morning. May susunduin kasi siya.
 
She parked her car just in front of a coffee shop where they were supposed to meet. Hindi siya lumabas ng kotse at naghintay na lamang sa loob nito. Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto ng passenger seat.
 
"Miss, nagkamali ka yata ng sasakyan?"
 
Mika Reyes slid inside her car and stared at her blankly.
 
"Wag mong sabihin nagka-amnesia ka nung tumama sayo yung bola?"
 
Hindi na niya naitago ang kanina pang pinipigilang ngiti. She gave her girlfriend a cheeky grin.
 
"Hi mahal."


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rivals (KaRa fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon