Dear Charo Terra,
Isa lamang akong hamak na mahirap, pangit, may sakit, inaapi, sikat, mayaman, may pera o wala, nagbagong buhay, sumali sa kakaibang grupo, gumawa ng kakaibang bagay, lumunok ng bato, sumigaw ng nabulunan ako, pengeng tubig, mamatay na ko, paalam!.......................................... at kung anu-anu pang mga uri ng taong sumusulat saiyo. Bumubati ng Magandang Gabi, Bayan! Ehem! Excuse po!
nais ko sanang ibahagi ang kwento ng buhay ko (syempre, alangang Kapitbahay ko?!) at gusto ko na ding imbitahan ka sa birthday ng anak ko na si Chie Charo N. Malou-tong. Talagang masugid mo siyang tagahanga ultimo mga tshirts mo, mga poster, noterbook, at iba pang mga collectibles galing sa promo mo ay talagang meron siya. Kaya sana naman ay pumayag ka ng dumalo sa kanyang kaarawan.
Lubos ng gumagalang,
Nanay ni Chie Charo
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
*anu yon?! napulot kong papel galing sa ilalim ng lamesa ko. sorry ah, pero ikinalulungkot kong sabihin na hindi pa iyon ang kwentong gusto ko ng ikwento sainyo...haha! sensya, tao lang. xD
going on, eto na talaga yung ORIGINAL at DAPAT kong ikwento sainyo matagal na panahon na....
simulan natin sa.... "Noong unang panahon, once upon a time. Sa mundo ng mga iniisip ng mga bata (at mga isip bata) ay may isang pamilyang namumuhay sa isang masukal na kagubatan... ang pamilya Barbero. Mahirap lang sila at ang tanging paraan nila upang makakain at mabuhay sa pang araw-araw ay ang paggugupit ng mga buhok ng hayop sa paligid ng bahay nila. Bagama't sila ay mahirap lamang ay masaya at kuntento silang namumuhay. Si David S. , ang kanilang padre de pamilya. Si Rhea M. , ang kanilang ilaw ng tahanan.(May liwanag ang buhay) at ang dalawang magkapatid na si BENny at RICKy ; pati na rin ang katulong nilang si Becky. Panganay si Benny sa magkapatid kaya siya ang laging inuutusang gumupit ng iba pang mga costumer nila,ngunit sa katamarang palad, ay ipinapasa naman ni Benny ang gawaing iyon kay Ricky. Hindi makatanggi ang kawawang bunso sa kanyang nakatatandang kapatid na si Benny dahil naniniwala siya sa "Ang nakatatandang kapatid mo ang laging tama."--- (SANA, bunsong kapatid ko na lang si Ricky xD) kaya ganun na lang kagaling maggupit ng buhok si Rick kesa sa kanyang kapatid.
Isang araw at tatlong bituin (3 stars and a sun) ay maalinsangan ang panahon at napakaraming nagpapagupit dahil mainit... Halos tumulo na parang talon ang pawis ng pamilya, ang kanilang mga damit ay nagmistulang "wet wipes" (sa mukha... cge, try mo!) sa sobrang pawis na inilalabas ng kanilang katawan. Halos uhaw na uhaw na sila at hindi na nila napigilang nguyain ang kanilang mga tshirt at pigain ang kanilang mga damit upang lumabas ang katas (pawis) at sarap na sarap nila itong ininom upang mapawi lang ang kanilang pagkauhaw. ( x__x)
Sa HINDI inaasahang pangyayari ay bigla na lang nahimatay ang kanilang ama...
Becky: "Sir! Sir! Anung nangyari sayo?! Sagutin mo ko!!! ................ okay ka pa bA?!" tanong ni Becky kay David.
David: "na-u...na-u......na-uuuuuuu!!!!" mahinang sagot ni David kay Becky.
Becky: "Anung na-u? Hindi kita maintindihan Sir! Sabihin mo ng maayos Sir!!!"
#Narrator: "Biglang dumilim ang paligid at bigla na lang may lumabas na liwanag galing sa itaas... bigla itong nagsalita ng hindi inaasahan."
** "Kita mo ng hindi makapagsalita tapos pipilitin mong magsalita ng maayos!? Shunga ka teh?!" tugon ng liwanag kay Becky.
Becky: "Sino ka ba?! Makapang-husga kala mo... PER-PEKT!" bati naman ni Becky sa liwanag na hindi pa nating lubusang kilala.
** "Makikilala mo din ako teh! Just wait until I spread my wings and fly!" (Butterfly?!)... sabi ng liwanag kay Becky.
#Narrator: "Biglang dumating ang magkapatid pati ang kanilang ina, at nakita nilang nakaratay ang kanilang ama sa sahig katabi ni Becky... Nagtalas agad ang mata ni Rhea sa nakita niya sabay sampal sa mukha ni Becky...(Nakisampal din si Benny... for what?! tsskkk.!---- maaga pa teh para bumigay ang iyong backbone! :D)"
Rhea: "Sinabi kong alagan mo siya, pakainin, patulugin, palitan mo ang diapers niya pag-puno na, isayaw siya pag-inaantok, maski paliguan siya pag hindi niya kaya! Pero hindi ko sinabing.... hindi ko ....... hindi.... ko ...... sinabing ..... hindi sinabing.... HINDI! KO! SINABING! ....... I DON'T ASK YOU.... I DIDN'T TELL YOU TOO!!!..... HINDI KO SINABING, KUHAAN SIYA NG UBAN HABANG NAKAPATONG SA MGA HITA MO!!!! ... Dahil!.... Dahil... dahil .. hindi UNAN ang mga hita mo!.... dahil sa, ako... ako... AKO!!! Ang DA-PAT! na gumagawa sa kanya!..... (Tumulo ang luha...) Dahil.... ayun na nga lang ang magagawa ko para sa kanya... inagaw mo pa! pinatos mo pa!...... WALANG HIYA KA! " nagdadramang tila umiiyak at halos mapunit ang damit sa kakalupasay sa sahig...
** "Loko ka teh! Pang famas?! Achievement mo ah?! Hindi pa nga tayo nag-tetrending, gumaganyan ka na?! Nakapatong lang ang ulo sa hita? May ibang ibig sabihin na kagad?! PBB TEENS?! PII-BEE-BIE TEENS?! Ka-Echosang Kalurkey kang Eklavarvah ah!" gulantang reaksyon ng liwanag kay Rhea....
......tutulo din ang luha ni Becky habang siya'y papatayo at tumitig ng malalim sa malayo na akala mo'y wala siya sa sarili (TULIRO)... at muli, bumalik ang kanyang ulirat at biglang nagsalita...
Becky: "Ma'am, all this time of my existence here on your side... I've always done everything! Everything! Everything Ma'am! I've always done it with my very best! Ang then, This thing@!!! (Sabay turo sa pisnging namumula at nagpapantal..) Only I will get?! I will achieve from all these years of my service?! (**BAAM! Slamming the door) DAMN life! Angat DAM! ... La Mesa DAM! ... AMSTERDAM!.... A-DAM! And Eve <3 ... sitting on a tree.... K-I-S-S-I-N-G!!! MAM...!
**Wooh! Taray! Achieve na achieve mo teh ang best supporting Echoserang Palakatitong! Hahabol ka din sa nominations?! Pero bakit ganun? Si Adam and Eve, Sitting on a tree, KISSING??!!! Kakakilala lang,.. Galing lang sa bamboo tapos KISSING kagad?! Anu yan?! PEE-BEE-BEE TEENS?!
#Narrator: "sasabat si Ricky sa usapan..."
Ricky: Nakakairita kayo! Ang niyong arte. Kita niyo ng nakaratay na si ama tapos mag-aaway away pa kayo?! Mahiya nga kayo! Imbes na tulungan nyo si ama ay kung anu-anu pang mga pagdadrama ang ginagawa niyo..... Hindi ko kayo mapapatawad kapag may nangyari kay ama. Hinding-hindi talaga... Tss.. nakkooooo!!!! WAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!
**"hah! Anung emote yan teh?! Pang most promising promise na lang yang arte mo, low in quality eh. Enroll ka muna sa star magic para madevelope ng bonggang bongga yang emoticonz mo."
#Narrator: "sa hindi inaasahang pangyayari ay tinatawag na ng nanay ang writer kaya't pansamantalang maaantala ang kanyang pagsusulat....
...........oh, pano? nabitin ba kayo? Anu kaya ang mangyayari sa pamilya at sa kanilang Padre de Pamilya? Mapapahamak ba ng tuluyan? oh maisasalba pa ang kanyang buhay?? Sanay abangan niyo ulit ang susunod na kabanata! hanggang san kaya ang pasensya nyo para maghintay nanaman ng panibagong eksena ng walang kakwenta kwentang kwentong ito! :D byiiiieeetotz.
(**"Closing lights.... and the camera ...)