Ilang years ko na ba siya crush?
5 years na pala... Limang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi pa ako nakaka-moveon sa paghanga sa kanya. Pag hanga pa ba ang tawag dito? Love na ata to. LOVE.
Maging ang sarili ko hindi ko maintindihan. One sided love lang naman ito. Ako lang ang nagmamahal. Ako lang! Kahit masakit. No choice ako. Wala naman kasi siyang nararamdaman sakin.
"Mae tapos na ba yan? Patingin nga!" si Coco guitarist ng banda namin.
"Hindi pa! Akin na nga!" sabay hablot ko ng composition ko
Oo. Tama kayo. Vocalist ako ng isang banda. At yung umagaw ng composition ko, siya yung tinutukoy ko. Siya yung matagal ko ng crush o Love ba ang mas tamang term, na kahit kelan hindi ko masabi ang aking nararamdaman.
Magkakabanda na kami since first year high school pa lang. Classmates din kami eversince. Sobrang tindi na nga siguro ng bonding namin ee. Hindi ko na mabilang kung ilang gig na ang napuntahan namin. Kanta doon kanta dito.
"Psss. Tulungan na nga kita! Humanap ka kasi ng inspirasyon mo para mapabilis ang pagco-compost mo! Tignan mo ako! Inspirado" Pagmamalaki niya sa sarili niya. Hay nako. Kung alam mo lang! MANHID! Matagal na akong may inspirasyon, Ikaw yun ENGOT! Kung maririnig mo lang ang sigaw ng puso ko. Pangalan mo isinisigaw. LOKO.
Wala naman akong Choice. Mas mahalaga ang Friendship, ang samahan ng banda. Ayoko namang mabuwag ito dahil lang sa pesteng nararamdaman ko. Di bale nang masaktan. </3. Martyr na kung martyr.
"Guys! Lapit na pala Graduation natin! Yipie! Makakagig pa kaya tayo kung may mga trabaho na tayo?" si James ang drummer ng banda. Isang masipag na estudyante yan. Nerdy look, pero gwapo pag nag aayos ng sarili. Ewan ko ba? Mas gwapo nga siya kay Coco pero di siya yung tipo ko.
"Ang tanungin natin ay itong ating magandang Vocalista! Mae.. Ano sa tingin mo" Umakbay pa sa kin ang loko. Siguro sa kanya walang epek, pero sakin.. Every move counts, OMG para akong nag chechess. Touch move. Hay ewan. "De-depende sa inyo." matipid kong sagot
"oh! mamaya na natin pag usapan yan. Mae, yan yung mga request na songs.. Mukang broken hearted mga tao ngayon. Goodluck sa atin guys!" si Adriane yun. Ang tumatayong leader ng banda. Piano ang forte niya. May itsura din ang lokong yun. Kaya lang Chickboy.
"This song is from a boy who loves you, ang weird huh.. name ba yun?" bulong ko kay Adriane. Binigyan niya naman ako ng 'hindi ko alam look'.
(Yung video po nasa gilid---> Suggest lang po: Mas nakakaenjoy pag may background music)
Paano nga ba napasukan ang gusot na ito
'Di naman akalaing magbabago ang pagtingin sa 'yo ohh wooh
Mula nang makilala ka, umikot ang mundo ko
'Di na kayang ilihim at itago ang nararamdamang ito wooh...
Sumulyap ako ng tingin kay Coco. At nakatingin din siya sakin. Saktong sakto yung song.
Paano na kaya, 'di sinasadya
'Di kayang magtapat ang puso ko
Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa
Paano na kaya 'di sinasadya
Ba't nahihiya ang puso ko
Hirap nang umibig sa isang kaibigan
'Di masabi ang nararamdaman
Paano na kaya
[ Lyrics from:
OMG. Patamang patama. Sakto. Tagos tagusan. Hindi ko namalayan. Pumatak na yung luha ko. Di ko napigilan. Masyado akong nadala ng kanta. Wew.
Natapos na yung gig.. Buti na lang, yung ibang kanta hindi gaanong pang heartaches.
"Ang galing mo Mae huh! Grabi ang daming pumalakpak.!" sabi ni Leader
"Thanks po!" sabi ko naman
At ayun. as usual, sabay kami umuwi ni Coco. Magkapit bahay lang kasi kami. Yung tipong yung kwarto niya katapat ng kwarto ko.
"Parang iba ka ngayon huh. May problema ba?" Tanong niya
"Wala. affected lang ako sa mga kinanta ko kanina."
"May nanloko ba sayo? Sino? Susuntukin ko!"
"ahaha. hindi naman nanloko. Ang totoo niyan may gusto kasi akong lalaki, matagal na kaso di naman niya alam. Manhid kasi siya." At ayun ang mga traydor kong luha, bigla na lang pumatak. GHAD!
"Kilala ko ba? sabihin mo kung sino"
"Oo kilala mo"mahina kong tugon
"Sino?"
Grabe. hindi ko alam kung ito na ba ang tamang pagkakataon. Sasabihin ko na ba sa kanya? Matagl ko na din naman itong tinatago. hmmp!
"Mae" Hinarap niya ako sa kanya "Sabihin mo kung sino nagpapahirap sayo.. Ayoko kasing nakikita kang nalulungkot" sabay punas niya pa sa luha ko.
"Gusto mo ba talagang malaman?, ang totoo kasi niyan... IKAW YUN! MANHID KA! MAHAL KITA DATI PA!" di ko na inantay ang isasagot niya. Tumakbo na ako papasok sa bahay namin. Bahala na ang banda. Tutal gagraduate na kami. Bihira na siguro magkakaron ng gig.
---
COCO'S POV
Ilang linggo ng walang paramdam si Mae. Sa text o kahit sa personal. Wala ring gigs kasi busy na Graduation practice. After the night na inamin niya yun.. Natorpe ako bigla. Nasaktan ko siguro siya. Namimiss ko na yung lokong yun. Pag dumudungaw ako sa bintana ko, umaasa ako na sisilip siya. Nakakamiss. Ang bobo ko kasi! Bakit di ko nasabi nung gabing yon ang nararamdaman ko!
"Pare! puntahan mo naman si Mae. Out of Coverage yung CP niya, tas di nagrereply sa Fb and sa text.. ano kayang nangyari dun! Sabi nung dean, kakanta daw tayo sa graduation, di pa tayo nakakapagpractice, favor tol! Puntahan mo naman" Si Adriane yan, Grabe, close sila nung dean. Pero kelangan ko na talaga makausap si Mae.
"Tita andyan po ba si Mae? Pwede ko po ba siya makausap? Di po kasi namin siya ma-contact" Oo. Pumunta na ako sa kanila. Wala ng hiya hiya. Bahala na si Batman.
"Nasa taas anak. Puntahan mo na lang. Hindi ko nga alam kung bakit nagkakaganyan. May BF na ba yan? Dapat kasi ikaw na lang. Kaya nga anak, ikaw ang gusto ko para kay Mae. Bukod sa Mabait ka! Gwapo pa!" nakakataba ng puso. Botong boto sa akin ang nanay ni Mae, maging ang mga magulang ko nga rin ay ganun din sa kanya
Umakyat na ako sa itaas. Dahan dahan. Baka kasi tulog siya, magising ko pa. "Mae" mahinhin kong sabi
"Anong ginagawa mo dito?" pambungad niyang tanong mula sa pintuan ng kwarto niya
"Pinapunta kasi ako nila Adriane dito, pinapakanta kasi tayo ng pri--"
"Sabihin mo, ayoko ng kumanta" tas pumasok na siya sa kwarto niya. Sinundan ko naman.
"Mae"Hinawakan ko ang braso niya. Mahigpit.
"Let go of Me! Pwede ba?!"
"Kausapin mo muna kasi ako!" Medyo malakas na yung boses namin. Buti nalang at nakasara yung pinto
"ee pano kung ayoko!"
"Hahalikan kita!" I mean it!
"Pss. Kaya mo? Wag mo na ako paasah--"
I locked my lips with her. Ghad. Her lips is so soft. Matagal ko nang gustong gawin yon.
Tinulak niya ako. "Bakit mo ginawa yon?" There were tears in her eyes. "Ayoko ng kumanta kasi ayaw na kitang makita.. Gusto na kitang makalimutan.. Gusto ko ng mag move on! Pero ikaw lapit ka pa din ng lapit. 5 years na akong umaasa. 5 years na kitang mahal! G*GO! Manhid! Tas ngayon hahalikan mo ako! Pano kita makakalimutan?!"
Shet lang. Matagal niya na pala akong mahal. Bakit ngayon ko lang narealize na mahal ko din siya.
"Hindi mo ako pwedeng kalimutan" Bigla bigla na lang lumabas yan sa bibig ko.
"at bakit?!" Naiirita niyang tanong
"Kasi mahal na kita! MAHAL NA MAHAL!" tas linapitan at inakap ko siya