Prologue

120 2 1
                                    

"Hoy Junior! Gising na at malelate ka na! First day of school dapat hindi late!" sabi ni Mama sa akin. Ang lamig pa naman ng aircon! Namamagnet katawan ko sa kama!

Ang sarap pa naman ng tulog ko, ginising pa ako! Well,  second year na ako eh. Dapat magsipag sipag na ako. Ano dapat una kong gawin? Maghanda para sa first day! Sarap pa naman ng almusal ko, tapa! Me kasama pang tuyo saka kamatis! 

In a short period of time, naubos ko almusal ko. Nagmamadali na ako. Nagtoothbrush na ako, naligo na agad ako. Nagbihis ng aking bagong tahi na uniform saka tinadtad ko sarili ko ng pabango. 

Hingi naman ako ng baon kay Mama. Pagkatapos umalis na papuntang school.

Pagdating sa school, nainis ako sa sarili ko. Ako pa lang ang second year sa campus! Linabas ko cellphone ko kunwari nagtetext, yun pala kung anu-ano na pinipindot sa cellphone. Kawawang sophomore!

Tinignan ko agad section ko, sabi ko sa sarili ko. 

"Ano ba naman yan! Ang konti ng ka close ko dito! Buti pa dun sa isang section, andun mga kabarkada ko!" Nalaman ko kasi na Maho ang section ko. Pero mas gusto ko yung Lave kasi mostly andun yung mga ka section ko nung first year.

As usual, nagkita kita na naman kami ng dati kong mga kaklase nung first year. Puro kwentuhan na naman! Puro yabangan! Kung anu-ano ang kinukwento! Kung saan nagbakasyon, kung ano ang pinaggagagawa sa Facebook, kung ano ang section nila ngayon. Ay ewan! Masanay na kayo.

Nag bell na naman! Flag ceremony na naman. Magbibilad na naman sa tindi ng smile ng araw! Labas ngipin pa nga ata sa sobrang tindi ng sinag eh. Linya naman kami. Maingay sa pila. Natural na yun!

"Ohhhh kayo na lang ang hinihintay second yeeeeeaar! Ang tatagal nyo!"

Boses na naman ni Sir Benita na nambubulabog sa sound system ng school. Umagang umaga, first day na first day galit agad?! 

And after how many years, natapos din ang kantahan, speeches, prayer. At ang pinakahihintay namin lahat, "You may go back to your classroom now." Salamat naman at makakabalik na kami sa classroom sabay kuha ng panyo sa bulsa upang punasan ang tumutulong pawis sa mukha.

Walang Tagumpay Kung Walang PagkabigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon