Chapter 5: Interaksyon

50 0 0
                                    

Medyo marami rami na ang nagiging kausap ko sa section namin. Pero di ko inaakalang siya ang magiging paboritong kausap noon. Sya si Jules. Bihira ko lang talaga syang makitang mag-ingay. Wala syang inatupag kung hindi ay magbasa ng mga librong baon nya mula sa kanyang bahay. At ako naman yung tipong hindi mahilig magbasa ng mga nobelang pagkahaba-haba. Ako naman yung maingay sa klase at expressive.

Ikukuwento ko sainyo kung pano kami naging super close noon. Baka kasi tanungin nyo pa ako eh.

Practice noon sa Intramurals, kateam ko sya. Pero di ko pa sya close nun. Umalis yung kaibigan ko nun. May bibilhin ata sa canteen. Nagkataon nung tinawag ng team adviser namin yung mga kateam namin na magpaparticipate sa synchronized dancing, kami lang ni Jules ang second year na hindi tumayo. As usual, busy pa rin syang magbasa ng libro nya. At ako naman busy kung sino ang magiging kausap ko habang sila ay nagpapractice sa synchro. At dahil tinatamad akong lumipat sa ibang team headquarters para hanapin ang mga kaibigan kong ayaw ring sumali sa synchro, nilapitan ko na lamang si Jules. Isang magandang smile ang binigay nya sakin. Sa tingin ko, gusto nya rin akong makausap muna dahil you know, she gave me a smile. Tapos yun, kung ano-ano ang pinagusapan namin from academic background to personal life to professional wrestling. Nabigla talaga ako nun nung nalaman kong nanonood pala sya ng WWE. Imagine, sa kanyang inosenteng pagkatao at pagmumukha, di halata na nanonood sya ng mga palabas na kung saan ay present ang sakitan(kahit hindi naman tunay kasi fake ang pro wrestling eh). Tapos yun, sa pagkahaba-haba ng mga pinag-usapan namin, di namin namalayan na malapit na maglunch time. Kaya syempre nagpasalamat ako sa kanya dahil binigyan nya ako ng time para kausapin sya.

To be honest with you, ibang klase syang kausap. Bihira mo lang syang makitang simangot. She's all smiles all throughout the conversation. At habang nag-uusap kami nun, may nabubuo na sa aking loob.

Walang Tagumpay Kung Walang PagkabigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon