I'M SORRY

64 5 3
                                    

ANGEL'S POV

Haist! ang tagal ni Mariel dumating, kanina pa ako dito sa garden ng university namin pero ni-anino niya wala pa rin. Lagi kaming nagkikita dito bago pumunta sa room namin."Denniseeeeeeeeeeee!" mabilis akong napalingon sa walanghiyang tumawag sa akin gamit ang second name ko +__+

Tsk! kaya naman pala, si Song Mino lang naman ang tumawag sa akin. Siya ang mortal kong kaaway! simula nang pumasok kami dito ni Yhel sa university na pinapasukan niya, ako na lagi ang pinagtitripan niya.

Ewan ko ba kung anung nangyari dahil close naman kami dati dahil kaibigan siya ni kuya Zico at halos araw-araw siyang nasa bahay namin kaso isang araw bigla na lang niya akong inasar hanggang sa araw-araw niya na yung ginagawa, yung tipong hindi matatapos yung araw ko na hindi niya ako napagtitripan =__=

"Ano?!" pagalit kong tanong sa kanya saka ko siya tinaasan ng kilay. "Ang aga-aga high blood ka na kaagad? Try mo naman ngumiti, hindi yun nakakamatay" mapang-asar niyang sagot sa akin. Iniripan ko lang siya saka ko siya iniwan, pupunta na nga lang ako sa room kaysa naman mapagtripan lang ako ng isang yun.

Tahimik lang akong naka-upo dito sa room, wala naman kasi akong ka-close sa mga block mates namin dahil hindi naman kami nagkaka-usap-usap, minsan lang kung may mga group activities or projects.

"Nakasimangot ka na lang palagi~" napatingin ako sa gilid ko dahil may biglang kumanta, si Yhel lang pala. "Bakit ngayon ka lang?! Alam mo bang naasar na naman ako nung asungot na Mino na yun dahil sa tagal mo" masungit kong sabi sa kanya na ikinatawa niya lang.

"Aysus! kinikilig ka lang 'e" what the?! halos mabatukan ko siya dahil sa sinabi niya. "Bakit naman ako kikiligin aber?" umupo siya nang maayos saka siya humarap sa akin.

"Kasi inasar ka ni Mino, meaning nagpapansin siya sayo dahil gusto ka niya" napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. Siguro kung dati ko pa narinig ang mga katagang yun, kikiligin pa ako dahil si Mino yung first love ko. Kaso nga lang dati pa yun, hindi na ngayon. "Tsk! as if naman magkakagusto sa akin yun. Hindi mo ba matandaan na little sister lang ang tingin niya sa akin gaya ni kuya Zico" naalala ko na naman tuloy yung katangahan ko dati. I almost confess my love for him pero hindi natuloy dahil narinig ko ang sinabi niya kay kuya Zico habang nag-uusap sila sa bahay namin.

"Seriously bro? Ako magkakagusto sa kapatid mo? 'E parang kapatid ko lang din naman yun. I'm not a threat so chill, okay?" kung hindi ko lang narinig yung mga sinabi niya baka umamin na ako sa kanya noong araw na iyon at magmukhang tanga sa harapan niya.

"Oh easy ka lang bhe! wag masyadong bitter hahahahha" inirapan ko na lang si Yhel dahil hindi na ako nakasagot sa kanya nang pumasok na yung professor namin.

I'M  SORRYWhere stories live. Discover now