ONE

15 2 1
                                    

SELENA

"Selena! Yung sinaing mo nasusunog na!" Aux shouted from downstairs.

"Ikaw na mag patay!" I shouted back

I was staring blankly at my room. Today is the day when my father left us. Di ako galit pero masyado akong naguguluhan sa nangyayari hanggang ngayon.

Ginagamit namin ang savings ni papa na malapit na ring maubos buti na lang at pareho kaming nakakuha ng scholarship sa isang university dito. Aux is good in playing soccer and I'm good in studying.

"Hey couz! Nag eemote ka na naman ba?" Sigaw nya galing sa baba.

Ginawa naming cover up ang pagiging pinsan para di kami pag hinalaan ng mga kaibigan namin. At yung lolo nyo naman kinareer.

"I'm studying! Ang ingay ingay mo!" Sigaw ko pabalik sakanya.

—————
Nagising ako kinaumagahan at nakitang may breakfast na sa lamesa. Malamang nauna na si Aux dahil may practice pa sya sa umaga.

Pagkatapos kong kumain ng pancake na gawa nya na di ko alam kung pancake ba matatawag doon. Yung iba sunog yung iba naman di pa ganun kaluto kaya tinabi ko na lang para makain nya mamaya tutal sya lang naman nasasarapan sa luto nya.

I did my morning routine. Aalis na sana ako ng bahay nang biglang mag ring ang phone ko.

Aux Panget calling...

"Hoy papasok na ako. May nakalimutan ka ba?" Iritado kong sagot sakanya

"Wala dalian mo na at may masamang balita ako para sayo!" Hinihingal nyang sabi sa kabilang linya.

"Masama naman pala eh bakit ko dadalian?" Saka ko binaba ang telepono.

Tulad nga ng sabi ko di na ako sumakay ng jeep at naglakad na lang dahil gusto kong asarin si Aux. Nakita ko naman sya sa may harapan ng gate at naka sports attire pa.

"Hoy!" Napalingon naman sya saakin at kumunot ang noo nya. Sige lang ikunot mo pa ng magka wrinkles ka HAHAHA!

"Ang tagal mo! Anong akala mo? Nagbibiro ako? Well for your information masama talaga ang balita na to!" Inis nyang salubong saakin

"Ang tagal mo nye nye" pang gagaya ko sakanya "Andito na nga oh! Ano ba kasi yang sasabihin mo?"

"Alam mo ba—"

"Di pa sasabihin mo pa lang eh" pang putol ko sakanya tapos ay iniripan nya ako. Aba't nangiirap pa! Bakla ba to?

"Gusto ka daw kausapin ng dean kasi di daw nameet ng grade mo sa science yung expected target grade"

Nawala naman yung ngisi sa labi ko. ANO!? Ako nga yung pinakamataas sa klase, di ko pa nareach yung target grade aba!

"Yung baklang teacher na yun ang kuripot talaga!" Singhal ko.

Ang rami na nga nyang pinapagawa. Sunod sunod tapos iisang deadline lang! Nagawa ko naman lahat tapos 89 lang?

"Pero nakausap naman daw ni dean yung nagpapa scholar sayo. Ayun pumayag na sya ang magbabayad ng kalahati ng tuition mo yung kalahati ikaw na daw ang bahala."

"ANO?! E saan ako magnanakaw ng 30,000? Anong gusto nila ibenta ko katawan ko? O baka naman mangidnap ako for ransom!" Sigaw ko kaya nabatukan nya ako.

"Edi maghanap ka ng part time job! O di kaya maghanap ka ng sport—"

"Maghanap ka ng sport nye nye! Alam mo na ngang di ako sporty! At isa pa part time job? Sa isang buwan na ang bayaran ng tuition! Anong trabaho ang nagoofer ng 30,000 huh?" Nainis naman sya sa pagputol ko sakanya kaya binatukan ulit ako.

"Bahala ka nga dyan. Problema mo na yan" sabi nya sabay walk out.

Akala mo naman may natulong! Huhuhu HELP ME!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Saudade Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon