Ang Mutya ng San Isidro

906 6 0
                                    

Crush ni Dindin yung tricycle driver na naghatid sa kanila ni Ruth.

“Kadiri ka, bakla,” sabi ni Ruth sa kaibigang bading. “Sixteen lang siguro yun, no.”

 “Eh di mas bongga. Disi-sais, probinsyano, mas maliit pangangailangan nun. Mas madali kong matutustusan!” sagot ni Dindin. “Kakaloka tumingin, girl. Parang hinahalay ang pagkababae ko.”

 “Pakyu. Mahalay talaga pagkababae mo, bakla.” Sinipa ni Ruth papailalim ng kama ang baon nyang sports bag na puno ng damit.

 “Whatever. Kung totoo yan, eh bakit ako kinuha mo mag-coach sa’yo sa beaucon nyo?”

 “Kaloka naman ‘to magtanong, ang expository! Haller, bading, opening scene ba to ng horror movie mo?”

 “Hahahaha. Gagu!” Tumayo mula sa pagkakaupo sa kama si Dindin. Lumapit sa bintana ang bakla at dumungaw. Nilinga niya ang kahabaan ng kalsada sa harap ng bahay ng kaibigang si Ruth. Huminga ng malalim. “Ang fresh talaga ng air dito sa province!”

Napukaw ang tingin ni Dindin ng isang babaeng naglalakad ng mabilis at obviously heading towards the house. Naka-jogging pants, baby t-shirt, at tsinelas ang babae. “O ha, brisk walking ang drama.”

Ruth joined her friend sa may bintana. She sighed.

 “Ang audible naman ng sigh mo, girl, napaka-foreboding. May gusto ka bang i-foreshadow?” sabi ni Dindin. “Siney ba iteching mujer?”

 Sinalubong ng nanay ni Ruth ang babaeng nagbri-brisk-walk.  Sabay tumingala ang nanay ni Ruth at ang bisita sa bintana.

 “Ruth!” pagtawag ni Aling Jo. “Si Chesca o!”

 “Chesca! Sandali lang, bababa na kami!” nakangiting sagot ni Ruth.

Instantly nawala ang ngiti pagkatalikod ni Ruth. “Kababata ko, si Chesca. Siya ang Lavinia Arguelles sa aking Dorina Pineda.”

 “Ay, love ko yan! Ang campy ng reference mo, girl!” hirit ng bading. Dindin started singing a couple of bars from the theme of ‘Bituing Walang Ningning’. “Balutin mo ako sa liwanag ng iyong pagmamahal… tricycle boy.”

 Pagkababa nila sa salas ay nakapaghanda na si Aling Jo ng mga Coca-cola sa baso.

“Ruth! Kumusta ka na?” pagbati ni Chesca. Tinabihan ni Ruth ang kababata sa sofa. “Tumataba ka.”

 Inabangan ni Dindin ang kaibigang si Ruth kung (a) sasampalin niya ng bonggang-bongga ang walanghiyang si Chesca, (b) Ruth will exchange glances with him knowingly, or (c) duduraan niya sa mata ang kababata.

 “Thanks,” sagot ni Ruth ng may grace at poise, exceeding her friend’s expectations. “Ang hirap kasi sa Manila, when you have a disposable income, you can’t help but appreciate the culinary delights of the city eh! Fine dining dito, hotel luncheon duon.” Pinisil-pisil ni Ruth ang mga braso ng kababatang si Chesca. “Buti ka pa nga, di ka pa rin nagbabago!”

 “Nakakaloka ang subtext,” pagsali ni Dindin sa usapan. Pinandilatan ni Ruth ang kaibigan, pigil ang pagtawa. “I mean, etong cross-stitch ng nanay mo, Ruth. Nakakaloka ang subtext. ‘Home Sweet Home’, tapos mga kerubin at bulaklak. May subtext eh, ang intense!”

 “Hello,” pagbati ni Chesca. “Ang gwapo naman ng boyfriend mo, Ruth.”

 “Gwapo rin boyfriend ko, Chesca,” mabilis na sagot ni Dindin.

 “Chesca, friend ko and ka-officemate tong si Dino. Dino,” halos lumuwa ang mata ni Ruth sa pandidilat kay Dindin. “Kababata kong si Chesca.”

 “Bestfriends kami since elem,” pag-wasto ni Chesca.

 “May space po in between ang best at friend,” sabi ni Dino, extending a hand to shake Chesca’s. Sadyang binilisan ni Dino ang pagsasalita upang hindi masyadong maintindihan ng probinsyana ang sinabi niya. “I love your shirt, by the way.”

“Salamat,” sabi ni Chesca, flattered with the attention. Self-consciously, she fidgeted with the hem of her shirt. “Sa palengke ko lang nabili to.” Manipis ang tela ng cotton shirt na suot ni Chesca, at nakasulat ang pangalang ‘Gucci’ sa font na comic sans, italicized pa.

“Ta, la, gaaaaaah?” hindi makapaniwalang tanong ni Dindin. Halos pumutok ang ugat sa noo ni Ruth sa pagpipigil. Kating-kati na siyang salaksakin ng bote ng Coca-cola ang kaibigan sa sobrang kakulitan. “Ang ganda kasi ng pagkakadala mo eh. Parang kahit simpleng damit lang sa palenke eh nagiging classy.”

“Classy?” tanong ni Chesca.

  “Sosi,” pagpapaliwanag ni Ruth.

 “Ahh…”

  “Mag-mu-Mutya ka rin siguro,” sabi ni Dindin.

 Napatingin si Chesca kay Ruth. Dumampot si Ruth ng baso ng Coca-cola bilang pag-iwas sa mga tingin ng kababata.

  “Sasali ka ba ngayong taon, Ruth?” tanong ni Chesca.

 Napangiti si Ruth. “Ikaw ba?”

Isinoli sa mesa ni Chesca ang basong iniinuman. “Pinapasali ng nanay si Evelyn. Sabi ko, masyado pang bata si bunso para mag-mutya.”

“Kaya ikaw na lang ang…”

“Kaya ako na lang ang sasali.” Nginitian ni Chesca si Ruth at si Dindin. Hindi mawari ni Dindin kung bakit base sa tono ng paglalahad ng kababata ni Ruth ay para bang napipilitan lang siya sa pagsali, gayong tatlong buwan nang naghahanda si Ruth para sa patimpalak ng pagiging Mutya ng San Isidro.

###########################

[To read more, grab a copy of WAKASANG WASAK--a collection of nakakalurking urban fantasy kembular and kung anik-anikston na mga stories from Siege Malvar. Available in bookstores nationwide, kaya bongga, girl! Getchingin nyo na, now na. WAKASANG WASAK, PAK NA PAK!]

Wakasang Wasak - ExcerptsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon