Prologue

36 7 1
                                    


Annika


"Faye...Hoy!"

"Teka lang kasi."

"Bilisan mo na, nagugutom na ako eh."

"Oo na."

Pinanuod ko si Faye na ayusin ang mga gamit niya at ilagay sa bag. At napansin ko na naman ang ilang guhit banda sa kanyang pulso sa kanyang kaliwang kamay.

'Ginagawa pa rin niya pala iyon'

"Halika na." Umayos na siya ng tayo at nauna nang maglakad palabas ng pinto.

"Oy!oy! Saglit lang." Nang naabutan ko siya napahawak pa ako sa kaliwang kamay niya at di ko naiwasang maramdaman doon ang magaspang na parte ng kanya pulsuhan dahil sa ilang hiwa.

"Sabi ko naman sa'yo wag mong ginagawa 'yan sa sarili mo."

"Hanggang diyan lang naman, di ko naman tinutuluyan." at nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Sumunod ako sa kanya at nang makasabay ko na siya, napapatingin pa rin ako sa kamay niya.

"Dapat nga pinagpapasalamat mo na binibigyan ka ng mahabang buhay eh. Tingnan mo ako, malapit ng mamatay." nakita ko naman ang pag-iwas niya ng tingin matapos kong sabihin iyon.

"Di ka pa malapit mamatay, may taning lang pero malayo pa. At saka diba gagawa pa tayo ng maraming alaala bago mangyari 'yun?" liningon niya na ako pagkatapos.

"Oo naman, para di niyo 'ko makalimutan pag nawala na ako."

Napangiti na lang ako bigla.

Kapag pinag-uusapan namin ang mangyayari sa akin dahil sa sakit ko, hindi ko naman masasabing madali lang sa amin pero kahit papaano ay komportable na sa aming pag-usapan ito. Alam din naman namin ang kahihitnan ko kaya tanggap na namin.

'Pero di pa rin talaga maiwasan na malungkot dahil 'dun.'

"Huwag kang mag-alala. Magkikita din naman tayo doon balang araw, mauuna ka nga lang." biglang aniya at nasilayan ko pa ang pagngisi niya, ngunit may halong lungkot.

"Ay, ano ba? Akala ko ba gutom ka na? Bilisan mo na nga maglakad." pagmamadali niya sa akin.

ExtendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon