A/N: just started this yesterday while i was thinking of *someone*. time period: post-board exams.
************************************************************************************************************
magkasama kami ni nathan. naglalakad kami sa isang mall, maghawak-kamay, nanonood at tumatawa sa mga tao sa daan. masaya kami dahil noon lang kami muling nagkita sa loob ng apat na buwang pagkakahiwalay. si kim ay isa sa mga nakilala ko sa review para sa board exam ng veterinary medicine. oo, magdodoktor kami. doktor ng hayop. kakatapos lang ng board exam at sinasamantala namin ang panahon kung kelan hindi pa siya umuuwi sa cagayan. hindi ko nga alam kung kelan ko siya ulit makikita.
hinigit ko siya palapit sa akin at hinalkan, walang pakialam sa mga makakakita. gumanti siya ng halik at napayakap ako sa kanya nang bahagya. nang matapos ang halik, pinisil niya ang ilong ko.
"ikaw ah, na-miss mo 'ko 'no?" sabi niya.
"kung sabihin ko bang 'oo', may magagawa ka ba?" sagot ko, sabay sundot sa tagiliran niyang walang kataba-taba.
"wala. natuwa lang ako. napaka-spontaneous mo." at pisngi ko naman ang pinisil niya.
naramdaman kong pinapanood na kami ng mga tao. "tara na, dear. masyado nang natutuwa ang audience natin, hindi naman sila nagbayad." pinagpatuloy namin ang paglalakad, magkahawak-kamay pa rin.
nakarating kami sa isang kapihan. "want coffee, cute? chillax muna tayo." yaya niya sa akin. mahilig ako sa kape, pero hindi sa pagtambay sa mga sosyal na kapihan.
"you sure, dear? 'di ko alam na socialite ka pala. haha." biro ko sa kanya.
"well, ganun talaga kaming mga anak-mayaman. hahaha. joke lang. tara, libre ko. may sasabihin lang ako sa'yo." kumindat siya at ngumiti nang nakakatunaw. at natunaw na naman ako.
"mmm. sige na nga. alam mo namang hindi kita kayang tanggihan." pinisil ko ang kamay niyang hawak ko, at sabay kaming pumasok sa kapihan.
blueberry cheesecake at black coffee ang inorder ko. kanya ay black coffee lang. naupo kami sa isang table na medyo malayo sa karamihan ng mga tao. magkatabi kami sa halip na magkatapat. nag-check muna ng mga cellphone kung may mga naghahanap na sa amin. hinahanap na pala 'ko ng mga kaklase ko. nagyayaya mag-dinner. hindi kasi ako nagpaalam kung saan ako pupunta. sabi ko na lang, umuna na sila dahil matagal pa bago ako makauwi. nilingon ko si kim. medyo nakakunot ang noo nya at tutok sa screen ang mga mata. nagbasa ng messages, pero hindi ko napansin kung nag-reply siya. itinago niya agad ang telepono niya matapos magbasa.
"something wrong, dear?" untag ko sa kanya.
"wala naman. text kasi nang text 'yung ex ko."
"ex? akala ko may girlfriend ka sa cagayan? o iba pang girl 'yang ex mo na yan? matinik ka talaga, dear. haha." biniro ko siya, pero ang totoo ay nalungkot ako. ganito kasi yan: hindi kami mag-syota ni nathan.
nang makilala ko siya sa review classes namin, di nya inaamin na may girlfriend siya kahit ilang beses ko siyang tanungin. gusto ko na siya noon pa man. una ko siyang nakausap noong minsang isinama siya ng kaibigan naming si clyde sa jogging namin tuwing hapon. natuwa ako sa kanya kasi tahimik lang siya pero may sense of humor. maginoo pero medyo bastos. kulang sa height pero maganda ang katawan. in short, interesting. he was mr.what-i-need-right-now. kami ang magkasama pag may gimik o dinner. I kissed him once or twice in front of our colleagues. kulang na lang talaga ay maging kami. pero nang matapos ang review, sinubukan kong kalimutan siya. nagpaalam na ako sa aming mga alaala noong review. binura ko pati cellphone number niya 'wag lang makita ang pangalan nya. I was almost successful in forgetting him. until he added me as friend sa social network ng review center namin. nagsimula ako ulit mahulog sa kanya, hanggang magkita nga kami sa board exam dito sa maynila. hindi ko naman inakalang magkikita kami ulit.
"haha. ikaw talaga, ano ba akala mo sa akin? babaero? haha. oo, meron akong girlfriend noon sa bohol. but not anymore. mamaya ko pa sana sasabihin sa'yo, pero para wala nang suspense, sasabihin ko na. nag-break na kami. two days ago. sabi ko kasi sa sarili ko, 'pag nakita kita ulit, iiwan ko na ang girlfriend ko."
"agad-agad? wala man lang warning sa kanya?" naawa naman ako sa ex nya. pero konti lang. konting-konti lang.
"yun na rin naman kasi ang pupuntahan ng relationship namin. matagal na kaming on-off. but this time, we're off for good."
"oh." yun lamang ang nasabi ko. dumating na kasi ang mga kape at cheesecake. tahimik lang akong kumain ng cheesecake ko. siya naman, tahimik na hinahalo at hinihigop ang kape niya. walang umimik sa amin sa loob ng dalawang minuto. magulo ang isip ko, ngunit may nabubuhay na pag-asa sa puso ko. siyempre hindi ko pinahalata pero natuwa ako.
naramdaman kong may humawak sa kaliwang kamay ko na nakapatong lang sa mesa habang kumakain ako. tiningnan ko siya. nakatingin pala siya sa'kin kanina pa.
"what is it, dear? gusto mo cheesecake?" nginitian ko siya at sinubuan ng kinakain ko.
"mmm. pinapanood kita kumain. ang cute mo kasi." sagot niya, sabay ngiti din.
"haha. matagal mo nang sinabi yun. mas cheesy ka pa sa cheesecake, dude. na-miss kita, sobra." at hinaplos ko ang mukha niya. hinalkan naman nya ang palad na nakadampi sa mukha niya.
pinaglaruan ng mga kamay nya ang kaliwang kamay ko na hawak nya. parang may gustong sabihin.
************************************************************************************************************
TBC. :3