Elena 1

5 0 0
                                    

ELENA 1

Simula nung bata pa lamang si Rose ay nakagawian na niyang mangolekta ng mga manika. Noong una ay pampalipas oras lamang niya ito ngunit sa pagdaan ng mga araw ay tila hindi na niya kayang itigil ang pangongolekta, sa katunayan ay maari na siyang magpatayo sariling niyang museo ng mga manika.

Ngayon ang ika-labing walong kaarawan niya. Isa isa ng nagsidatingan ang mga panauhin niya. Ang pamilya niya ay isa sa pinaka-mayaman sa pilipinas kaya hindi na nakakapagtakang maraming dumalo.

Nang matapos ang kasiyahan ay saka naman lumapit ang kaniyang mga kaibigan upang ibigay ang mga regalong dala nila.

"Rose. Ito oh! Galing pa yang France." nakangiting wika ni Maria na isa sa mga kaibigan niya habang iniaabot ang isang pabangong halatang mamahalin.

"Ito naman ang regalo ko sayo Rose." mahinhing sambit ni Kaye. Napaka-konserbatibo nito. Iniabot naman niya ang isang kahon na naglalaman ng isang napaka-gandang kwintas. "Happy Birthday ulit Rose." nagpasalamat si Rose kay Kaye.

"At siyempre mawawala ba ang pinaka-maganda sa grupong ito?" sabay halakhak na parang isang mangkukulam. Si Chris, ayon sa kaniya nagkamali raw ng katawan ang napasukan niya dati. Ayaw niya na tinatawag siyang Chris kaya ang tawag nila dito ay Chrisy.

Magaling itong magdisenyo ng mga damit sa katunayan pa nga ay ito ang nagbibihis sa mga manika ni Rose. At dahil nga sa kinahiligan nito ay hindi na nakakapagtakang isang napakagandang damit ng manika ang kaniyang regalo. Napangiti si Rose dahil sa mga kaibigan niya, matagal na simula nang maging magkaibigan silang apat at hanggang ngayon ay hindi parin sila naghiwa-hiwalay.

Habang sila'y nagkukwentuhan ay may lumapit sa kanila, si Amanda ang ina ni Rose. "Pwede ko bang mahiram muna si Rose?" tanong niya sa mga kaibigan niya. Isa-isang tumango sina Chrisy, Kaye, at Maria.

***

Dinala siya ng ina niya sa silid na kung saan nakatago ang lahat ng pag-aari ng kaniyang Lola Anita. Ang kaniyang lola ang dahilan kung bakit nahilig siya sa mga manika, napaka-lapit nila sa isa't isa nung nabubuhay pa ito, kaya nung namatay ang kaniyang Lola Anita ay labis siyang nalungkot.

"Alam kong mahal na mahal mo si mama kaya naman napagdesisiyonan ko na ang magiging regalo ko sa ika-18 mong kaarawan ay ang pagba-bakasyon sa dating tirahan niya, pwede mong isama ang iyong mga kaibigan kung gusto mo." sa sobrang tuwa ni Rose sa sinabi ng kaniyang ina ay hindi niya napigilan na yakapin ito.

"Salamat ma." nakangiti nitong saad habang nakayakap parin sa kaniyang ina.

"At may regalo rin pala sa'yo si mama..." naglakad ito papunta sa isang sulok at may kinuha ito pagkatapos ay bumalik ito sa dati niyang pwesto--sa harap ni Rose. "...sabi niya ibigay ko raw ito sa pagsapit ng iyong ika-18 na kaarawan." iniabot niya ito sa kaniya. Isa itong kulay pulang kahon.

"Anong laman nito?" tanong niya.

"Hindi ko alam, sabi niya sa'kin wag ko raw bubuksan kundi mumultuhin raw niya ako." natawa silang dalawa sa tinuran ni Amanda.

"Si Lola talaga." umiiling na sambit niya habang tumatawa.

***

Pagkatapos nilang mag-usap ng kaniyang ina ay bumalik siya sa kinaroroonan ng kaniyang mga kaibigan.

"Anong pinag-usapan niyo?" curious na tanong ni Chrisy sa kaniya.

Ngumiti siya. " Pwede raw akong magbakasyon sa bahay ni Lola ko." tuwang-tuwa naman sila Kaye sa kaniyang balita, naging malapit rin kasi ang mga ito kay Lola Anita.

"Pwede bang sumama?" tanong ni Maria.

"Oo naman, kailan niyi gustong pumunta?" ngumiti siya.

"Pwede ba bukas? Nabalitaan ko kasing dalawang araw mula ngayon ang magaganap ang pag-pula ng buwan. At sakto namang sa probinsiyang kinaroroonan ng bahay ni Lola Anita ang may pinaka-malinaw na view!" sabi ni Kaye habang nakatingin sa kaniyang telepono. Ipinakita niya sa kaniyang mga kaibigan ang balitang nabasa niya sa facebook.

"Bukas. Gusto niyo ba?" paninigurado niya.

"Oo naman." sabi ni Chrisy. "Aalis na ako para magpahinga para bukas." pagpapaalam niya kay Rose.

Nagpaalam na rin sila Kaye at Maria kay Rose dahil sa parehong rason.

....

Pagkatapos niyang maglinis ng katawan ay dumiretso na siya sa kaniyang kama upang magpahinga.

___

Isang batang naglalaro ng manika.

"Ang ganda mo Elena." sabi niya sa manikang hawak niya.

Nagulat ang bata nang biglang may pumasok na estranghero sa kaniyang silid.

"Sino po kayo?" kinakabahang tanong niya.

Hindi sumagot ang estranghero.

Hinila niya ang bata papasok sa isang silid na hindi pamilyar sa kaniya.

Nagbago ang lugar at napunta ito sa isang lugar na maraming dugong nakaka-kalat sa sahig at isang nakakabinging sigaw ng bata ang nangingibabaw.

"TAMA NA PO!!! MAAWA PO KAYO SAAKIN!!!" ngunit tila bingi ang taong nagpapahirap sa kaniya.

At akmang hahambalusin na ng taong iyon ang bata gamit ang isang napaka-kapal na ay biglang dumilim ang paligid.

Isa lang ang nakikita niya ang manika ng bata kanina.

___

Hinihingal na napaupo si Rose sa kama niya.

Pinipilit niyang kumbinsihin ang kaniyang sarili na wall lamang ang kaniyang panaginip--masamang panaginip.

Makalipas ang ilang minuto ay kumalma na siya at nakumbinsi na niya ang kaniyang sarili na isa lang iyong masamang panaginip. Natulog na lang muli siya habang hinihiling na sana hindi na siya muling managinip ng ganon.

^°^°^°^°^°

#magulo

Killer DollsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon