1

150 5 0
                                    

                      Akoclheaane_2nd

" Yna Salvador I have a proposal to you" sabi nya sakin kaya napalingon ako rito .

"Anong proposal?" Kinakabahan Kong saad , Ewan ko ba pero iba ang nararamdaman ko ngayon, Hindi ako mapakali at kinakabahan , napakalaki ng impact ng lalaking ito sa akin.

"Gaya ng sinabi sayo ng Abogado ko, ako na ang bahala sa lahat ng gastusin ng nanay mo, pati na rin sa tatay mo" simpleng saad nito sa kanya na matiim pa ring nakatitig sa kanya .

"Wait lang Sir , tama po ba ang narinig ko, alam nyo kung nasaan ang tata ko? Nasaan po sya? " ang maluha-luha Kong saad , nawala sa isip ko kaninang hanapin din ang tata ko dahil sa nakita kong itsura nina, pero ang sabi sakin kanina si Nana at tata ang naaksidente pero si Nana lang ang nakita ko kanina, kinabahan tuloy ako ng husto .

" I'm sorry to tell you that your dad is gone , I'm sorry dead on arrival sya noong isinugod sa hospital"

"No! Hindi totoo yan ...nagkakamali ka lang , Hindi pa patay ang tata ko" wika ko sabay suntok sa kanyang malapad na dibdib ang alam ko ay ginagalit lang nya ako .

" Stop it Miss, Stop It , I'm not lying OK? Wika nito sa galit na tinig at bigla nyang hinawakan ang dalawa Kong bisig at isinalya ako sa upuan .

" Don't do that again or else I sue you, We will talk later " bigla na lamang itong umalis .

Hagulhol lamang ako ng hagulhol habang nakaupo, andami nilang sakripisyo para sa akin pero Hindi ko pa ito nasusubalian pero kinuha na si tata at isa lang ngayon ang desisyon na nabuo sa isip ko , gagawin ko ang lahat maisalba lang ang Nana ko . Babangon ako at hahanapin ko ang mga taong may dahilan ng aksidenteng sinapit nila .Hindi ako titigil hanggat Hindi napagbabayad ang taong may kasalanan ng lahat .Agad kong tinuyo ang luha ko at tumayo , lumapit ako sa isang katulong at itinuro sa akin kung nasaan ang Zake na yun .

"Sir Zake" sigaw ko mula sa labas ng silid nito. Sobrang naiinis na ako sapagkat limang minuto na akong kumakatok pero Hindi pa bumubukas ..Aalis na sana ako ng biglang bumukas ang pinto , matutumba na sana ako buti nalang naalalayan nya ako .

" Why?" Tinatamad nitong saad , Hindi ako makatingin sa kanya dahil nakahubad siya kitang -kita ko ang abs nya na napakasarap hawakan , ng mahuli nya akong nakatingin dito ay ngumisi ito ng nakaloloko.

"Enjoying the view huh" saad nito kaya naman namula ako , pinapasok naman nya ako sa kanyang kwarto .Napakaganda nito at napakalinis pero makikita mo roon ang imahe ng isang napakagandang babae , parang kilala ko ito at nakita ko na , bigla sumakit ang ulo ko kaya hininto ko ang pag-iisip kung Saan ko sya nakita .

Matapos magpalit ng damit ni Sir Zake ay pinaupo nya ako sa harap ng kanyang study table .

" Sir Zake papayag na po ako sa alok nyo" buong pusp kong wika kahit Hindi ko pa alam kung ano ito.

" Hindi mo pa nga alam papayag kana" nakangisi nitong wika .

"Dahil alam ko naman pi Sir na Hindi kayo gagawa ng masama , dahil nakikita ko na mabuti kayong tao".

" By the way this is the contract basahin mo nalang yan ng ilang minuto at sasabihin mo sa akin kung papayag ka".

Unti-unti Kong binasa ang kontrata at nakasaad dito na kailangan naming magpakasal at maghihiwalay din kami pagkatapos ng isang taon , kailangan daw kasi ng mommy ng kanyang anak, nakasaad din dito na lahat ng gastusin ng aking Nana ay sasagutin nya, ganun din ang paghahanap sa taong bumundol sa kanila, nakasaad din dito na pagkatapos ng pagpapanggap na ito ay pagkakalooban ako ng tatlong milyon. Hindi ko na itinuloy pang basahin ang lahat dahil naiiyak tuloy ako sa sinapit ng aming pamilya matapos ko itong pirmahan ay iniabot ko na ito sa kanya .Kinabukasan naman ay pumunta kami sa kaibigang Abogado ni Zake at ikinasal na kami ang tanging saksi sa aming kasal ay ang mga kaibigan nito. Sinabi nya rin sa akin na dahil kasal na kami aralin ko ng tawagin syang Zake o  kaya naman ay Hon.

Katatapos lang ng libing ni Tata at pagod na pagod ang pakiramdam ko, hanggang ngayon Hindi ko pa rin matanggap ang lahat , Napakarami ng nangyari sa buhay ko, Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito kakayanin .Inalalayan ako ng driver at pinasakay sa kotse.Wala kasi si Zake dahil may dadaluhan syang business conference sa Europe .Pagkarating namin sa mansyon ay agad akong pumasok sa aming silid ni Zake , natulog ako dahil talagang pagod na pagod ako .Gabi na ng ako ay magising naabutan ko si Manang Dina na naghahanda ng pagkain .

" Mam Yna , kumain daw po kayo ng marami sabi ni Sir Zake , nag long distance call sya kanina para kausapin ka sana kaso sinabi kong nagpapahinga kayo".

"Thank you Manang, nasaan po pala si  Kylie?".

" Ayan na sya Mam" sabay turo Kay Kylie na kalalabas lang sa elevator. Tama ang iniisip nyo may elevator dito sa mansyon.

"Mommy miss u" wika ni Kylie at hinalik-halikan pa ang pisngi ko. Sya muna ang pinakain ko dahil naglalambing ito sa akin .

"More mommy, I want shrimp" saad pa nito

" OK  baby, you should also eat vegetables "

" I don't want that mommy "

" Do you love mommy? " tanong ko Kay Kylie.

"Yes mommy" nakangiti nitong saad sa akin

" OK then eat this, ". Sabay subo ko sa kanya ng broccoli, kinain naman nito at sabay promise nito na always na daw sya kakain ng vegetables para Hindi ako magalit.

Lingid sa aming kaalaman ay kinukuhanan pala kami ng video ni Mang Tonyo na syang ipinadala Kay Zake .

Tatlong araw na ang matuling lumipas at wala pa rin si Zake Hindi ko.nga alam kung bakit namimiss ko sya gayong alam ko naman na wala pa rin talaga akong karapatan sa kanya dahil ang lahat ng ito ay may katapusan.Inamin ko na rin sa sarili ko na mahal ko na si Zake kahit ilang linggo palang buhat ng kami ay magkakilala , Tama nga ang sabi nila na ang pag-ibig biglang dumarating yan at Hindi muna ito maiiwasan. Noon ay Hindi ko lang yan pinaniniwalaan ngunit ngayon paniwalang paniwala na ako , itinatak ko na lamang sa isip ko na habang may panahon pa ipakita o iparamdam ko na lamang sa kanya ang pag-mamahal ko kahit mukhang malabo na dahil Hindi pa rin nya nakakalimutan ang mommy ni Kyline.Nag-seselos ako tuwing sasabihin ni Zake na Hindi ito mapapalitan sa puso nya at matapos ang kasal namin mahigpit nyang ipinagbawal na wag akong iibig sa kanya . Mahirap talagang mag-mahal lalo na sa taong may ibang minamahal at ngayon palang nalulungkot na rin ako dahil darating din ang araw na iiwan ko si Kylie , ang aking anak na kahit Hindi mula sa akin ay itinuring kong akin.

Hanggang ngayon ay comatose pa rin si Nana madalas ko syang bisitahin at kausapin .Lahat ng nang-yayari sa akin ay sinasabi ko sa kanya lahat . Gulat na gulat nga ako dahil lahat ng empleyado kilala ako, huli na ng malaman kong pag-aari pala ito ng asawa ko ....

Pls. Vote po sa mga lihim kong taga-subaybay ...

Salamat

Akoclheanne_2nd

THE CEO's WIFEWhere stories live. Discover now