In the City

6 1 0
                                    

Sa mundo ng AMEAZONA, ay may namumuong diskriminasyon sa gitna ng mga Umahsgew (a-mìaś-ďəw) at mga Wallers, ang mga Umahsgew ay tawag sa mga Scientists  na nakatira sa bundok ng Allopy Spikes kung saan mga malalakas, matitibay at may alam lang sa siyensya na tao lang ang kayang mabuhay dahil sa mapapanganib na hayop, halimaw at mga mythological creatures ang makakasama mong tumira sa bundok na nasabi. Ang mga wallers naman ay mga taong laki sa City, sila ang mga taong nabubuhay sa pamamagitan ng teknolohiya. Yung tipong mahihirapan silang mabuhay kung walang teknolohiya na nakaagapay sa kanila. Isa rin nga pala ako sa mga Umahsgew. At ako si Ghiv Breshou.

Kahit na nakatira kami sa bundok at pinararamdam sa amin ng mga Wallers na wala kaming alam, pakiramdam ko na may dapat akong patunayan at yun ang aalamin ko.

Isa lang ang kontinente dito sa AMEAZONA, at nahihirapan kaming makisama sa mga Wallers. Sakabila non, sunod sunod parin ang patayan, kaguluhan at mga maling pagtrato ng bawat isa.

Ako ang anak ni Hardrik Breshou, ang namumuno sa buong Allopy Spikes, at kahit isa akong anak ng pinuno na gusto lang ng payapang pamumuhay, hindi parin ito maibigay ng aking ama.

Habang naglalakad lakad ako sa tabi ng River of Tinus, sinabayan naman ako ng aking kababata na si Ishnad Wellington.
"May problema ba?" tanong nya sakin. Pero di ko sinagot ang tanong nya wala kasi ako sa mood makipag usap, "Laro nalang tayo, paunaha--" natigilan sya ng sabayan ko sya ng, "Bro, sawa ka na ba sa ganitong buhay? Yung lagi nalang tayong nagtatago sa mga Wallers? Diba dapat nga ehh sila ang nagtatago sa atin kasi mas matalino at malalakas tayo sa kanila?"

Natigilan si Ishnad ng sandali at sumagot din, "Oo, pagod na rin naman ako eh, kaso bata lang tayo na umaasa sa mga imbensyon ng mga magulang natin". "So, sa tingin mo hanggang doon lang ang kaya mo?" Sagot sa kanya. "Eh anong gusto mong gawin?" / Ishnad, "Magpanggap tayo bilang mga Wallers at pumunta tayo sa City, tignan natin yung lugar nila, yung pamumuhay nila at yung mga kaya nilang gawin" plano ko.

"Sa tingin mo ba kakayanin natin yun?"... baliktl na tanong nya.

Tinignan ko nalang sya at tumakbo ako ng mabilis pauwi para maimpake.

"Kung gusto mong sumama, sumama ka pero kung ayaw mo, di kita pipilitin" salita ko para kay Ishnad. "Sige sasama ako pero bumalik din tayo agad" pag sang ayon nya.

Pumunta kami sa City gamit ang teleportation pod ko, sa unang tingin ay maayos naman sa City hanggang sa makarinig kami ng sigaw mula sa isang tindahan ng mga alahas. Lumapit kami sa tinadahan at nakita namin na may nagaganap na Hostage taking sa loob, bawal naman kaming maki eksena ni Ishnad, kaya tumawag nalang kami sa WallerxPol, nireport namin ang hostage taking na nagaganap sa tindahan. Pagpunta ng mga pulis sa crime scene ay nagkaroon ng  mga sunod sunod na putok ng mga laser beam sa loob at pinatay ng hostage taker ang mga tao don, at nagsimula narin syang mag paputok sa labas ng tindahan. Tinamaan ang tatlong pulis sa unahan ko, at dun na ako nagsimulang tumakbo habang hawak hawak ang kamay ni Ishnad.

Nang nakalayo na kami ay may sumusunod sa amin na isang estranghero na naka black coat with a mask, hinawakan ko ang knife ko bilang pang self defense, kung sakaling may gawin syang kakaiba.

Habang naglalakad kami ay biglang nawala nalang ang estranghero sa likuran namin, at biglang sinabihan ako ni Ishnad na may tama ng laser sa tagiliran ko, di ko na namalayan dahil sa pagmamadali namin at walang ano ano ay nawalan ako ng malay.

Nang magising ako ay nakakulong na kami ni Ishnad, tinanong ko si Ishnad kung anong nangyari at sabi nya ay.." Bigla nalang dumugo yung tagiliran mo tapos bigla bigla ka nalang nawalan ng malay, sa sobrang bilis ng mga pangyayare di ko alam ang gagawin ko kaya nilabas ko nalang yung teleportation pod mo, pero bigla nalang din akong nahuli ng sundalong nagbabantay sa City. Kaya andito tayo" sabi nya na may pagkatakot.

"Ghiv, anong gagawin nila sa atin?" Takot na takot syang nagtanong, "Di ko alam pero tatakas tayo dito, nasaan na yung mga gamit ko?" Bigkas ko sa kanya. "Kinuha nila lahat ng gamit natin" sabi nya na parang nawawalan ng pag-asa.

"Wag kang mag-alala, tatakas tayo dito, makaka alis din tayo dito" sabi ko sa kanya na may buong tapang at pag-asa.

Habang natutulog ang bantay ay tinawag ko ang aking alagang higanteng ibon na si Killa. Sumipol ako ng sobrang lakas, sa sobrang lakas ay nagising ang bantay at kasabay non ang pag wasak ng ibon ko sa kulungan namin, sumakay kami kay Killa at umalis na kami, kahit na hindi namin dala ang mga gamit namin.

Pag-uwi namin sa Allopy Spikes, ay tumambad sa amin ang mga bangkay ng aming mga magulang at kaibigan, tinambangan sila ng mga Wallers ng biglaan, di namin alam kung anong gagawin namin kaya, pumunta kami sa Avaloer CrestView Ville para tumuloy muna sa aming mga dating kasamahang umalis sa Allopy Spikes dahil gusto nilang hindi masangkot sa gulo na nagaganap sa lugar namin.

Kinuwento ko ang lahat lahat ng pangyayari sa aking tiyuhin na si Drigge Wakgar, sya ang namumuno sa Avaloer.

Kahit sa kagustuhang hindi masangkot sa nangyayaring gulo sa Allopy Spikes minabuti ni Drigge ang pagpaplano sa gagawing pag-atake sa City, tinipon nya ang kanyang mga tauhan para gumawa ng isang malaking hukbo, gumawa kami ni Ishnad ng isang Machine na nagbubuga ng apoy, at marang nano war machine.

Pagkalipas ng mahigit isang linggo sa pagpaplano ng pag-atake, inihanda na namin ni Ishnad at ng aking tiyuhin na si Drigge ang aming naihandang hukbo.

Nagpadala kami ng isang tao sa City para magbalita kung anong nangyayari doon at kung may ginagawa silang pagpaplano para maharangan ang aming pag-atake.

Sa kabutihang palad wala naman.

A M E A Z O N A || WAR OF WOLRDS ||Where stories live. Discover now