Chapter 4: Amigos' Talk

44 1 0
                                    

Alejo's POV

Hi, people. I am Alejo Marshal Glencoe. Pupuntahan ko lang 'yong tropa ko, may ipapabigay daw kasi kay Alexia. At sa bahay nila nalang daw kami magkikita. Hmm, ano na naman kayang pautot nitong Jay na 'to? Pwede naman kasing ipadala nalang eh, kailangan pa talagang ako ang kukuha. Hay nako! At sumakay na nga ako sa kotse ko. Ano kaya magandang kanta? Ano nga ulit 'yong kinanta ni babe kanina? Something New? o Something Else? Jokeee. Something I Need 'yon e. At plinay ko na nga ang favorite 'kong kanta ni Moira, my lovessss. Pero mas love ko pa rin si Alexia, syempre. At tumawag sa isang resto na mag-deliver ng fries sa hospital. Malapit na daw lumabas si babe e, 'di ko pa alam kung kailan. Basta malapit na daw sabi ng doktor niya. I'm hoping that she'll recover fast. Kasi naman e, matagal-tagal na rin ng 'di kami nakakapag-mall. Nakakamiss kaya kumain sa labas kasama siya. It feels good when I'm with her. Although, nakakasama ko siya palagi, iba pa rin pag talagang alam mo na magaling na siya. Hays, I love her so much. At talagang gagawin ko ang lahat para sa kanya. Nakarating na ako sa tapat ng bahay ni Jay at naroon na nga siya, kasama ang isa pa namin na tropa, si Keilh.

"Oy, pre!" usal ko.

"Oy, Alejo. Ba't naman ang tagal mo? Kanina pa kami ni Keilh dito." si Jay.

"Pasensya na, pre. Haha. Traffic kasi e. Nga pala, anong ipapabigay mo sa girlfriend ko?" hindi ako nagseselos ha? Buo kaming tropa na 'to at kilalang-kilala na namin ang isa't-isa. 'Di ko lang talaga alam kung anong naisip nitong lalaking 'to at may pabigay-bigay pa. Sabagay, kailan ba 'to hindi namigay? Haha.

"Ah, 'yon? Mga fruits lang naman na binili ni Mama, napadami 'ata eh. Kaya ayon, sabi niya, ibibigay nalang kay Alexia. At may mga pagkain din silang niluto ni Yayang. At sigurado akong magugustuhan 'yon ni Lexie. Hehe." sambit ni Jay. Mahilig talaga sila Tita Joynee magluto, halos araw-araw kami nakikikain sa kanila dahil sobrang sarap ng mga niluluto niya. Matagal-tagal na din 'ata 'nong natikman ko 'yong luto niya. Salamat naman at ngayon mauulit.

"Ay ganoon ba? Sige, gusto ko 'yan. Ipalagay mo nalang sa kotse ko, heto ang susi." nakangiti ko na sabi. Kung gan'to lang naman ang ipapabigay niya, ba't ako pa ang pinapunta niya? P'wede naman na sila ang magdala para mabisita din nila si babe.

"Ay pre, ba't pala pinapunta mo pa ako dito? Pupwede naman na kayo ang pumunta diba? Alam niyo naman ang Room ni Alexia." nagtataka ko na usal.

"Alejo, natatandaan mo pa 'yong pangako natin na 'yon?" si Kielh.

"Alin do'n?"

"'Yong pupunta tayo sa tambayan na tayong lima lang? Tapos mag-uusap ng mga bagay bagay?" sabi ko.

"Teka, pre!" singit ni Jay.

"Oo, tapos dadalhin natin sabay-sabay lahat ng girlfriends natin?" nakangiting usal niya. Kahit kailan talaga 'tong Kielh.

"Oh, that's a good idea. Lalabas na yata si Alexia by next week. Set na kayo ng date!" hindi naman ako masyadong excited no? Paminsan lang kasi kami magbonding. Busy rin kasi lahat sa school e, syempre college students na. Kaya, oks lang din naman sa akin. I missed these jerks.

"Ayuuuun! So, Jay? Are you goin'? 'Yong nililigawan mo? Sinagot ka na ba?" si Kielh.

"That's the problem here, pre. Her parents' won't allow me to court her. Sobrang strict nila. Kahit paglapit ay ayaw nila. Kaya hanggang, text, chat at call nalang kami. Minsan nga ay kinukuha 'yong phone ni Zrea." malumanay na sambit ni Jay. I feel you, bro. Kahit ako ay ganyang-ganyan kay Lexie. Tsk. Pero okay na kami ngayon ng parents niya. And I'm happy with it.

"Gusto mo ba na tulungan ka namin? Kami ang kakausap sa mga magulang ni Zrea mo." sagot ko naman.

"Kung pupwede nga lang, Lejo e. Kaso wala din dito 'yong parents niya, kakaalis lang noong isang araw."

"Hala, e anong estado ninyo ni Zrea ngayon? Kayo na ba?" si Kielh naman ang nagtanong.

"Oo nga, pare? Ano kayo?" pagsasang-ayon ko naman sa sinabi ni Kielh. Mahirap na kasi ang mag-assume sa panahon ngayon. Hindi mo alam kung may lebel ba kayo o wala. Hindi mo alam kung saan ka lulugar o dapat lumugar. Nako. People these days are used with the "char char relationship". Just like, landian, gano'n.

"Basta mahal ko siya. At sabi naman niya, mahal din niya ako kaya may karapatan naman siguro ako sa kanya diba? Hindi naman siya sasagot ng 'I love you too' sa mga 'I love yous' ko e. Tsaka, nararamdaman ko naman 'yong sinseridad niya. So mahal talaga niya ako. Parents lang naman niya 'yong problema e." may halong lungkot na paliwanag ni Jay. Gustong-gusto kasi talaga ni Jay si Zrea, sobrang ganda ba naman tapos honor student pa.

"Sabagay, e si Cymii, Kielh? Kumusta na kayo?" pag-iiba ko ng usapan.

"We're perfectly fine, may mga alitan minsan pero nagkakabati rin naman. Kilala niyo naman ako, hindi ko matitiis ang isang 'yon. At legal na kami both sides. That's why, I'm so happy." nakangiting sabi niya. Mabuti pa ang isang 'to samantalang si Jay ay malaki ang problema. Hays.

"I envy you, pare. Kung p'wede lang na sabihin ko sa parents ni Zrea right after makarating sila dito, sasabihin ko e. Kaso si Zrea naman ang maaagrabyado pagnagkataon. Kaya tiis-tiis nalang muna kami sa ngayon. May tiwala naman ako sa Diyos na maaayos lahat ng 'to. Ang alalahanin muna natin sa ngayon ay 'yong dalawang baliw na 'yon. At p'wede ko naman sigurong dalhin 'yong mahal ko pagnagsama-sama tayo diba? Hahahaha." dire-diretso niyang sambit. Oo nga pala, 'yong dalawa pa.

"Bakit hindi mo kasi tinawagan 'yong dalawa? Edi sana ngayon na tayo nakapag-usap, diba?" tanong ko naman sa kanilang dalawa. Kung pwede naman ngayon no? Kahit kailan talaga 'tong mga kumag na 'to.

"Lymsel's busy and Gyno's working on their thesis. Kaya 'di ko sila inabala na pumunta pa dito. Sa susunod nalang tayo mag-uusap kapag hindi na busy ang iba, okay?" si Jay. Sabagay, may mga tatapusin pa akong paper works. At si Alexia pa, babantayan ko. Kumusta na kaya si babe ngayon? I hope she's fine. Namimiss ko na siya.

"Sige na, mga pare. Hinihintay na ako ni Alexia. Mauna na ako sa inyo. Sa susunod nalang. Sige." pagpapaalam ko sa dalawa.

"Sige, Lejo. Ingat!"

At pumasok na sa kotse at nagpatugtog ng mga kanta ni Moira mylabs. Ang sarap talaga sa tenga ng boses niya. Parang anghel. Parang si Alexia din. At nakarating na nga ako sa hospital at dumiretso sa room ni Alexia.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just Let Me SleepWhere stories live. Discover now