Inlove With My Bestfriend (One-Shot Story)

91 1 1
                                    

Naranasan mo na bang mainlove sa bestfriend mo?

Naranasan mo na bang mainlove sa taong itinuturing hanggang 'kaibigan' ka lang?

Naranasan mo na bang magselos kahit wala kang karapatan?

At..

Naranasan mo na bang magmahal kahit hindi pwedeng maging kayo kasi baka masira ang FRIENDSHIP ninyo?

Masakit isipin na ma-fall ka sa bestfriend mo..

At mas masakit pa dun, nagtatago ka ng nararamdaman habang siya masaya na sa piling ng ibang tao.

Handa ka bang isuko ang nararamdaman mo?

O

Ipagpatuloy pa kasi umaasa ka na may maramdaman din siya sa'yo?

-

Bestfriend

Hi! Ako nga pala si Kathleen, 16 years old, maganda, mabait, masayahin sa umaga pero iyakin sa gabi. May bestfriend ako, Kevin ang name niya. Since birth yata bestfriend ko na siya? Campus Hearthrob nga siya eh, kaya di malabong magkagusto ako sakanya. Actually, matagal na akong may gusto sakanya. Hindi ko lang pinapahalata dahil ayoko masira ang friendship namin.

"Kathleen! Andiyan ka pala!" pagkalingon ko ay nakita ko si Kevin na may hawak-hawak na cupcake. "Oh bakit?" tanong ko habang papalapit siya ng papalapit sa'kin.

Lub dub.. Lub dub..

Oh, little heart, Kalma. Ayaaaaan naaaa papalapit naaa. "Para sa'yo nga pala oh," sabi niya sabay abot sa'kin ng cupcake. "Thanks," sabi ko. "Kita mo 'yung babaeng 'yun? Mamaya gf ko na yun." sabi niya at tinuro 'yung babaeng nasa gate. "Grabe ka!" nakalimutan ko nga pala isa rin siyang Cassanova.

"Bakit? Selos ka?"

"Aba! Ang kapal!"

"Eto naman nagjo-joke lang!" sabi niya sabay akbay sa'kin. "Mahirap mag-bestfriend ng gwapo no?" sabi niya, Oo. Mahirap talaga pag gwapo, nakakainlove kasi. "Ayan ka nanaman sa kayabangan mo, Mr. Lopez." sabi ko. "Oh, bakit? Totoo naman diba, gwapo ako?"

"Oo na lang!"

Hinawakan niya 'yung kamay ko at hinila papuntang Library, "Teka, bakit tayo nandito?" takang tanong ko sakanya. "Basta, may papakita ako sa'yong libro dito.. May tinago kasi ako dito.." sabi niya. Kaya kumalas ako sa pagkakahwak niya sa'kin at naupo muna.

"Eto na oh!"

May pinakita siyang libro sa'kin, "Unlucky I'm Inlove With My Bestfriend" Bakit sa dinami-daming libro, ganyan pa?

"Bakit yan?"

"Wala lang, it sounds interesting.." saad niya.

Sinimulan naming basahin 'yung story.. Medyo nakakarelate ako kasi ganun 'yung nararamdaman ko.. Sana, balang araw magustuhan niya rin ako. Masakit kasing umasa. Ang tanga ko kasi, ang tanga tanga. Na-fall ako sa bestfriend ko. Oo, alam kong hindi pwede 'yun. Sinusubukan kong pigilan pero sa araw-araw ko siyang nakikita, mas lalo akong naiinlove. Sana, yung mga libro kong nababasa na 'yung girl nainlove siya sa bestfriend niya tapos marami siyang napagdaanan tapos nung huli, nainlove din sakanya yung boy. Yung iba naman, hindi sila nagkatuluyan. I wish na sana sa'kin mapunta 'yung happy ending. Noong una, takot ako mafall kasi baka walang sumalo sa'kin, pero dahil sa mga 'sweet words' niya ayun, nafall na ako.

"Hey, kanina ka pa tulala jan.. Ikaw na." bumalik ako sa diwa ng marinig ko ang boses ni Kevin, "A-Ay s-sorry.." sinabi ko at tinuloy na 'yung binabasa namin.

Inlove With My Bestfriend (One-Shot Story) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon