Chapter 4.

1.1K 29 9
                                    


Pumasok ako sa cafeteria diary sinalubong ako ng isang crew nila. Ang pogi diary! Omg. Akin lang siya diary ah wag mo agawin tse.

"Anong kailangan niyo?" Tanong ng pogi sa'kin.

"Ikaw.. Ikaw ang kailangan ko." Sagot ko na bigla siyang napaatras. Anong Mali sa sinabi ko diary?

"Sorry may girlfriend ako. Hindi rin ako pumapatol sa mukhang aspalto." Ani niya diary na ikina-hurt ng pussy ko este puso ko.

"Charoooooot! Hindi ka mabiro kuya. Trabaho ang hanap ko hindi ikaw, kung mukha akong aspalto. Ikaw mukha kang bulateng inasinan na inilagay sa garapon." Sagot ko na mukhang ikinagalit niya. Akala niya diary ah palaban kaya ako! Kaming mga probinsyano... Este probinsyana hindi nagpapatalo sa mga laking maynila. Hindi nila kami pwedeng apihin kasi iba kami kung kalabanin.  nangangain ako ng itlog diary kahit hilaw pa kaya dapat lang silang matakot.

Tinalikuran ako ng lalaki diary nainis yata sa'kin. Kaya 'yong babaeng kasama nalang niya ang tinawag ko.

"Miss." Tawag ko.

"Yes po Sir?"

"Ano bang requirements ang kailangam para makapasok ako?" Tanong ko.

"Ahh-ehh. Hindi ko alam tanong mo nalang sa manager namin mamaya dadating na 'yon. Gusto mo pumasok ka muna sa opisina niya at 'dun mo nalang hintayin." Pailing-iling niyang sagot.

"Salamat. Teka.. Kailangan kaya 'yong BSO?" Habol ko pa.

"BSO? Anong BSO?" Pagtataka niya.

" 'Dun nakalagay kung saan ka nakatira. kailan ang birthday mo at kung saan ka iniri ng magulang mo. BSO siya." Paliwanag ko diary.

"Baka ho NSO ang tinutukoy mo?" Aniya.

"NSO ba 'yon? Oo nga, baka ayon nga ang pinopoint ko miss. Wala kasi ako nun tsaka marriage contract wala 'din."

"Ehh, sir. Hindi naman po kailangan ng marriage contract, Bakit ho may asawa na kayo?" Taas kilay niyang tanong.

"Wala."

"Sir. Mauna na po muna ako, maghanap ka nalang po ng makakausap mo pwede na 'din po kayong pumasok." Aniya na bigla akong tinalikuran.

Hindi ko alam kung abnormal 'tong kausap ko diary. Tinawag na NSO 'yong BSO wth! Tapos hindi pa kailangan ng marriage contract. Sayang lang kasi daladalako ang marriage contract ng magulang ko kasi baka kailanganin diary.

Pumasok nalang ako sa opisina at sumunod sa isang nag guide sa aking lalaki. Ang pogi naman ng mga nagtratrabaho dito diary tapos ang lamig pa.

Umupo ako sa isang upuan diary 'yong umiikot hindi ko alam kung ano ang tawag 'dito. Pinaikot-ikot ko siya hanggang sa mahilo ako, kaya ang ending pinagtitinginan nanaman ako ng mga Tao. Pero wala akong pake kasi nageenjoy ako.

*KRINGGGGGGGGGGG*
*KRINGGGGGGGGGGG*

Nagulat ako ng biglang may tumunog sa harap ko diary. Telepono kaya agad ko siyang kinuha at sinagot.

"Hello...?"

"Hello po? How many help you? I'm churvana fenis guentes from cebu and you? What are you?" Tanong ko pero walang sumasagot. Sayang lang 'yong English skills ko diary.

"Hello.. are you there?"

*Yes, who are you?* Sagot ng kabilang linya.

Mukhang mapapasabak ako sa English grammar diary ah.

"I'm watt. And you are you?" Full confident kung sagot. Tama ba ang grammar ko diary? Feeling ko ang pogi ng kausap ko kasi ang husky ng boses niya diary.

*What's your name?*

"Watt's my name." Pagbibiro ko.

*Yes, what's your name?*

Bobo ba 'tong kausap ko? Sabing watt nga ang name ko! Hindi niya ba gets!?

"My name is John watt."

*John what?* sagot niya.

"Yes. Are you Jones?" Tanong ko.

*No. I'm Knott."

"Will you tell me your name then?"

*Will Knott*

"Why not?" Gulong gulo na ako sa kausap ko diary. Mababaliw na yata ako.

*My name is Knott*

"Not what?"

*Not what. Knott*

"What!? Wag mo ako maenglish-english diyan! Bwesit ka maghanap ka ng kakausapin mo ah!" Binaba ko ang telepono diary dahil sa inis ko. Saktong paparating na 'yong manager nila kaya umupo na ako ng maayos.

                                   Nagmamahal..
                                            Churva.

Diary ni churva. •ON-GOING•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon