One Shot

96 66 19
                                    

Andito ako ngayon sa loob ng sasakyan at pansamantalang tinatahak ang daan papunta sa kinaroroonan ng lalaking aking minahal sa tanang buhay ko. Matagal-tagal na rin simula ng huli naming pagkikita. Matagal akong lumayo sa mga tao para magkaroon ng kalinawan ang aking isipan. Maraming mga bagay ang saki'y nagmulat habang ako'y mag-isa.

Matapos ang mahigit isang oras na pagmamaneho, dali-dali akong bumaba ng sasakyan at lumanghap muna ng sariwang hangin. Nang sa wakas ay nakita ko na s'ya, biglang bumigat ang aking damdamin. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya hanggang sa nasa harapan ko na s'ya.

Agad na nangilid ang luha ko ng makita ko s'ya.

"It's been a while, love." nabanggit ko na lang sa isipan ko habang pinipigilan ang aking emosyon. Dahan-dahan akong umupo sa paanan n'ya at tinitigan s'ya ng matagal.

"Matagal-tagal na pala mahal nang huli tayong nagkita. Marami nang nagbago sa ating dalawa. Maraming mga bagay ang aking napagnilayan habang malayo sa 'yo. Maraming mga pangyayari ang magmulat sa aking isipan habang ika'y naririto. Pasensya na nga pala kung ngayon pang kita nadalaw ha?" pagkakausap ko pa sa kaniya habang unti-unti nang nagsisitulo ang aking mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "M-Maraming mga bagay kasi ang gumugulo sa aking isipan habang malayo ako sa'yo. Hindi ko alam kung paano magsisimula matapos ang nangyari sa ating dalawa pero kakayanin ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang harapin ang panibagong bukas gayong alam kong wala ka na sa tabi ko para samahan at suportahan ako. Pero mabigat man ito sa loob ko, masaya kong sasabihin sa'yo na sa wakas ay kaya na kitang palayain. Na sa wakas ay tanggap ko nang wala ka na sa 'kin. Tanggap ko na, na sa bawat paggising ko sa umaga, hindi na kita masisilayan pang muli. Na 'yong mga bagay na ginagawa mo para sa akin at ikaw lang rin naman ang may kakayahang gawin ang mga bagay na iyon ay hindi ko na muling mararanasan pa. At tanggap ko na rin sa wakas na ang nag-iisang taong naging totoo sa harap ko ay iniwan na ako. At last! Mapapalaya na kita. Dahil ngayong wala ka na sa mundong ito, kailangan ko na ulit bumangon at magsimulang muli. Gusto ko lang sabihin sa'yo na mahal na mahal kita at h'wag ka nang mag-aalala pa sakin" mahabang sabi ko sa kaniya habang masaganang nagsisitulo ang malalaking patak ng aking mga luha.

Muli kong tiningnan ang kaniyang lapida matapos ay matamis na ngumiti. Saglit pa akong nanatili doon nang mapagpasiyahan kong umalis na.

"Huwag kang mag-aalala, Mahal. Hindi ito ang huli nating pagkikita. Babalik ako at magkukuwentuhan pa tayo. Bibisitahin kitang muli."

Nang marating ko ang sasakyan agad akong sumakay roon at muling tumingin sa loob ng sementeryo. Parang may kung anong bagay ang humaplos sa aking puso at para akong nabunutan ng napakalaking tinik sa aking dibdib. Marahil na rin siguro kaya ko nararamdaman ang kapayapaan na ito sa aking puso ay dahil sa wakas napalaya ko na s'ya.

"Huwag kang mag-aalala mahal. Gaya ng sinabi ko sa'yo, muli akong babangon at muli kong ibabalik ang aking mga ngiti. At sa panahong iyon, tanggap ko na nang buo ang nangyari sa iyo at muling titingin sa panibagong naghihintay na pag-asa" sabi ko sa isip ko habang pinapaharurot ang sasakyan.

*After 7 years*

Nangingiti akong nakaupo habang nakatingin sa puntod ng lalaking aking minahal. Andito na naman sa dibdib ko ang samo't saring emosyon na  nararamdaman ko.

Una, pagkalungkot dahil alam kong kailanman ay hindi ko na siya masisilayan pang muli. Sa mga nakalipas na taon, palagi akong balisa at tulala sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa kaniya. Sa aming dalawa. Walang araw na hindi ako umiyak sa tuwing naiisip kong wala na siya. Labis na sakit at panghihinayang ang aking naramdaman noong mga panahon mag-isa lamang ako.

Pangalawa, labis na pagkagalak dahil alam ko sa sarili na natupad ko ang aking sinabi sa kaniya. Sabik akong sabihin sa kaniya na muli ko nang naibalik ang aking mga ngiti. Ngiting hindi plastik kundi ngiti ng isang taong masaya dahil sa wakas ay tanggap na rin niya kung ano man ang nangyari sa buhay niya. Sabik akong sabihin sa kaniya na sa lumipas na mga taon, hindi niya ako pinabayaan at pati na rin ng Diyos. Dahil muli akong nagkaroon ng pag-asa para sumaya. Muli akong nakabangon at habang-buhay kong ipagpapasalamat ang bagay na iyon.

Natigil lamang ang aking pag-iisip nang may kumalabit sa aking balikat. Agad naman akong napangiti nang makilala ko kung sino iyon. Niyakap niya ako ng napakahigpit kaya niyakap ko rin pabalik.

"Mommy, why took you so long?" tanong ng aking anghel sa matinis na boses kaya agad akong napangiti.

"I talked to your Tito, that's why" nakangiti pang sabi ko kaniya habang nakatingin sa lapida kaya napasunod rin siya ng tingin doon.

" Oh!" nagugulat na ekspresyon niya. "Can I talk to him please, Mommy? tanong niya sa akin at agad naman akong lumayo sa kaniya. Pumunta ako sa lilim ng isang puno at doon ay naupo. Habang nakatingin sa aking anak, may naramdaman akong umakbay sa aking balikat kaya agad akong tumingin doon.

"Hi Honey" matamis na ngiti ang bumungad sa akin. Kaya nahawa din ako at agad na ngumiti.

"Hey Honey" pabalik na pagbati ko sa kaniya. Dinampian niya ng mabilis na halik ang aking labi matapos noon ay patakbong pumunta sa aking anak. Naiiling na sinundan ko na lang siya ng tingin. Pumikit muna ako sandali at pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko ang aking mag-ama na naglalakad papunta sa akin. Agad na nag-init ang gilid ng aking mga mata. Hindi ko maipaliwanag ang sayang aking nararamdaman sa tuwing nakikita ko ang dalawang muling nagpaganda at nagpakulay sa aking buhay. Hindi ko akalain na mararanasan ko ito matapos nang nangyari sa akin.

'Well, God has a better plan after all' nasabi ko na lang sa aking isipan habang kuntentong nakatingin sa aking bagong pamilya.

AN: First time ko pong gumawa ng story sa Wattpad. Sana po magustuhan ninyo. Ginawa ko na lang po s'yang one shot story dahil iyon naman po talaga ang plano ko. Bigla lamang kasing pumasok iyan sa aking isipan kaya agad kong isinulat. Kung may gusto kayong sabihin, pakicomment na lang.
Maraming salamat sa mga nagbasa at magbabasa pa lamang! Lovelots! 🖤

To Love Again (One Shot Story)Where stories live. Discover now