Chapter 1: Promise's P.O.V

20 0 0
                                    

"Paulit ulit nalang akong pinapatawag sa school nyo na yan! And come to think of it iisa lang ang rason. Yang pag babasag ulo mo! Hindi ko alam kung saang kamay ng dyos ko kukuhain ang ipag pupukol ko dyan sa ulo mo mag tino ka lang bata ka!"

I started to plug my earphones in my ears, I'd rather listen to a rock music than listening to her voice. Araw araw nalang ganyan, wala na bang bago? paulit ulit nalang, cmon! i want something new.

Tinanggal nya yung earphones ko at pilit nyang inaangat yung ulo ko para makita yung muka ko
" Promise Ara Mela! Baka nakaka limutan mo pang apat na skwelahan na yang nalilipatan mo sa loob ng kalahating school year! Ilan paba gusto mo? Wala na akong ibang alam na tatangap pa sayo, Dyan sa ugali mo! "

Im starting to get pissed off, naiirita na ako!

Tinapik ko yung kamay nya na naka hawak sa chin ko, at umiwas ng tingin. Ayokong mag kasalubong yung mga mata namin, ayoko.

"Wag ka mag alala, huling school na to. Wala ka ng maririnig sakin" sinabe ko ng hindi tumitingin sakanya

Puro nalang ba mga pasa ko sa katawan ang makikita nya? Ang tanda tanda kona para pagalitan pako sa mga sugat ko, at besides hindi ako lampa. Kaya ko ang sarili ko pwede ba!

Huminga sya ng malalim at napa hawak yung right hand nya sa batok nya at yung left naman sa bewang nya "Magaling ka naman anak diba, naalala mo ba non? Lagi akong pinapatawag sa school mo kasi ikaw ang laging nakaka kuha ng perfect score sa Exams nyo. Hindi na ba pwede maulit yon?" Bumaba yung boses nya na parang kalmado na

Tinignan ko lang sya tapos tumingin ulit sa malayo "Simula nung nawala yung Dad mo ang laki na ng pinag bago mo anak, hindi ka naman ganyan. At hindi ko inisip na magiging ganyan ka." Hinawakan nya yung gilid ng labi ko at hinaplos gamit ng thumb nya ng dahan dahan

"Tignan mo, yang mga sugat sa labi mo. Sa tingin mo bilang Mommy mo masayang tignan na may ganyan ka? Na nag kakaganyan ka? Hindi anak. " then she hugs me. Ang drama nakaka bwiset! Its sucks!!!!

I pushed her away from me "Bakit hindi mo itanong sa sarili mo? na kung bakit nasira ang pamilyang to? Na kung bakit mo hinayaang umalis si Dad at bakit nya mas pinili ang Babae nya kaysa sayong asawa nya! Wala kang kwentang I—"

*slap*

she slaped me on my face causes my tears to fell down. Wala na akong ibang ginawa kundi tumakbo paakyat ng kwarto ko bago pa sya mag salita, ayaw kona syang makita. Lagi nalang kami ganito, lagi nalang kami nag sisigawan. Ayoko na ng ganito, gusto ko ng umalis sa bwiset na bahay nato!

*knock knock*

"Anak buksan mo to, hindi sinasadya ni Mommy na saktan ka. Anak Promise please, open the door now." naririnig ko yung mga katok nya sa pinto, palakas ng palakas

Tumayo ako sa kama ko at pumasok sa CR,binuksan ko yung gripo para hindi marinig yung boses nya.

I started to burst in tears, Pinaalala nanaman nya sakin yung lalaking yun. I hate her, i really really swear to hate her forever.

Bakit ba nya ako kailangan sabihan sa kung anong dapat at hindi ko dapat gawin! Sino ba sya!

"Anak, Promise. What happened here? Oh my god anong nangyare sa kamay mo?! Greg??!! Come here!!" Hindi ko namalayang nag dudugo na pala yung fist ko kaka suntok sa wall. Nag papanic na si Mom, hindi ko lang sya pinapansin at pinunasan ko nalang yung mga pisngi kong basang basa ng mga luha ko

Bakit ba andito yan? Ano bang paki alam nya sakin? Sana pati sya umalis nalang din. Pare parehas lang naman sila eh. Tyaka sino bang nagmamahal sa kagaya ko.

Trouble MakerWhere stories live. Discover now