Qm's Note: 120 votes / 200 comments. Hindi nyo ba namimiss ang daily updates? Haha.
Wayo's POV
Lulunok-lunok na lang ako habang dine-demo ni P'Rambo yung routine na sasayawin ko.
Literal kasing nakakatuyo ng lalamunan yung mga ginagawa nya.
Kung gilingan nya yung kandungan ng partner ko ay akala mong wala ng bukas!
Yung totoo? Sa Pattaya ba ang address ni P'Rambo?
Mahihiya kasi ang mga dancer ng cabaret sa kanya!
"Simple lang mga steps 'di ba? Nakuha mo ba?" tanong sakin ni P'Rambo.
"Bali pre-chorus at chorus na ang sakop ng mga routine na yun." dagdag pa nya.
"Nakuha ko po P'Rambo." confident na sagot ko.
Familiar kasi talaga sakin yung mga steps na pinakita nya.
It feels like... dance craze ng taong 2011 ang sasayawin ko.
Ang pagkakaiba lang ay na-convert sa lap dance ang mga routine.
"Ma Boy ng SISTAR po ba ang inspiration ng mga routine na pinakita nyo sakin?" I asked.
Napangiti si P'Rambo dahil sa tanong ko.
"Actually, Ma Boy talaga ng SISTAR ang sasayawin nyo Wayo. Ginawa ko lang more on lap dance yung part nyo nung isa mo pang kaklase." tinuro nya si Pop.
Oh... Now I see.
Napatango-tango na lang ako.
So Hyolyn and Bora pala ang peg naming dalawa ni Pop dito.
"Gets ko na po P'." ngumiti ako ng tipid.
"Okay. Now let me see kung nakuha mo na nga yung mga routine."
Nag-gesture na si P'Rambo na umupo na ako sa kandungan ng partner ko para makapag-umpisa na.
Napalunok na lang ako dahil don.
Tumingin ako kay Oat bago ako 'sumampa' sa partner ko.
Nakita kong hindi maipinta yung mukha nya ngayon.
Para bang sinasabi nya sakin na wag akong kakandong sa partner ko.
But I did.
Mamatay ka ngayon sa inis, payatot!
Nag-umpisa na akong sumayaw.
Kung gaano ka-sensual yung pagsayaw ni P'Rambo kanina ay ganun din ang ginawa ko.
Walang arte-arte.
Narinig ko ngang sinisipulan na ako nung mga IT boys mula sa audience seat everytime ginigilingan ko yung lap ng partner ko.
I'm so good at this!
Tumingin ako ulit sa pwesto ni Oat.
Napangisi ako nung makita ko ang facial expression nya.
Halos maging unibrow na kasi ang mga kilay nya dahil sa tindi pagkakasalubong nito ngayon.
You deserve this torment, my love.
••~••~••~••
"Ano sa tingin mo yung ginagawa mo kanina?" galit na tanong sakin ni Oat nung kinuha ko yung bag ko sa tabi nya.
Uwian na.
"Sumasayaw?" walang ganang sagot ko.
"Sayaw? Sayaw ang tawag mo sa kalaswaan na yun?"