Una

157 8 0
                                    

End.
Written By RIP
Chapter 1
~~~

3rd Person POV

"Venus anak mag bihis ka na nasa kama mo na ang damit mo anak tandaan mo wag na wag kang tatapak sa lupa"wika ng kanyang inang si Martha

"Opo"walang ganang sagot ni Venus nag bihis na siya ng damit na nasa kama niya naka upo siya sa wheelchair... Hindi dahil sa lumpo siya kundi dahil sa bawal siyang tumapak sa lupa

Hindi alam ni Venus kung bakit pero hindi nag sawa ang kanyang ina at ama na paalalahanan ang anak nila na wag na wag tatapak sa lupa

Naka bihis na si Venus napa buntong hininga siya at napa tingin sa kawalan

'Ano ba ang pakiramdam na nakakalakad? May mga paa naman ako wala itong kapansanan o ano man pero mahigpit na pinag babawal ni mama at papa ang pag tapak ko sa lapag o lupa naiingit na ako sa mga taong nakakalakad ng malaya anong silbe ng paa ko kung hindi ko naman ito nagagamit?'tanong ng dalaga sa sarili

"Anak tapos ka na ba?"wika ng ina nito na kakapasok lang sa silid ni Venus

"Opo"wika ni Venus

Umupo ang kanyang ina sa harap niya at hinawi ang buhok nito

"Anak napaka ganda mo"wika ng ina niya

Tumitig lamang si Venus sa ina

"Ma bakit bawal akong umapak sa lapag o kahit na sa lupa?"tanong nito natigilan naman ang ina at huminga ng malalim

"Hinihintay na tayo ng iyong ama"pag iiba ng nanay nito

Napa tungo nalang ang dalaga at hindi na kinausap ang ina

S A M A N T A L A N G

"Piter anak ano na? Tapos ka na ba?"tanong ng nanay ni Jupiter

"Opo ma nanjan na"agad na lumabas si Jupiter sa kanyang silid at tumakbo pababa ng hagdan

"I'm done let's go"wika ni Jupiter

"Nako anak ko ang gwapo gwapo mo oh siya tara na "sabi ng nanay ni Jupiter nag simula nang pumasok sa sasakyan si Jupiter ng matanaw niya ang kapit bahay niyang babae na naka upo sa wheelchair na tinutulak ng nanay nito

'Mukhang aalis din sila Ms Beautiful saan kaya lakad nila? Sayang may kapansaman siya' wika nito sa sarili nag patuloy siya sa pag sakay ng maka sakay na siya dumungaw uli siya sa bintana at tinignan ang mukha ng babae

'Ang lungkot lungkot niya bakit kaya?'tanong nito sa sarili

"Okay guys be ready aalis na tayo hihintayin lang natin si mommy niya may kinuha pa siya sa loob"wika ng tatay ni Jupiter nanatiling naka titig ang mga mata ni Jupiter sa babae

Nanlaki ang mga mata ni Jupiter ng mag tama ang paningin nila ng babae kumunot ang nuo ng babae samantalang mabilis na umiwas ng tingin si Jupiter napa lunok ito at napa mura ng ilang beses

"Tara na"wika ng papasok na nanay ni Jupiter agad na inistart ng tatay ni Jupiter ang sasakyan saka ito nag salita

"Who's excited?"wika nito

"Me"sabay na sagot ng dalawamg kapatid ni Jupiter nanatiling tahimik si Jupiter

"How about you son?"tanong ng mama ni Jupiter sa kanya

"Excited"maikli nitong wika

Nag simula nang umandar ang sasakyan muling sumilip si Jupiter sa bintana muling nag tama ang mga mata nilang dalawa at sa pag kakataong ito ngumiti ang babae sa kanya nagulat naman si Jupiter kaya ngumiti din siya

~~~~
Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon