A. Akalain mong sa loob ng labing-walong taon, buhay pa rin ako.
Ba. Bahay lang at paaralan ang madalas kong tahanan o uwian.
Ka. Kadalasan man ay sabihin nilang walang buhay ang paraan ko ng pamumuhay.
Da. Dadaanan ko na lamang sila ng isang ngiti at sasabihing, "Masaya ako dito at ito na ang nakasanayan ko."
E. Ewan ko ba kung bakit sa kabila ng mga sinasabi ko, di pa rin nila ako maintindihan.
Ga. Gaga man kung kanilang tignan, masaya pa rin ako sa king nakasanayan.
Ha. Hanggang sa huli, at makatapos ako ng pag-aaral, malamang don pa lamang ako lalabas at mamumuhay kasama ang karamihan.
YOU ARE READING
Mga Salitang Hindi Maibigkas
PoetryMga salitang hindi mabigkas, Mga salitang mananatiling lihim na lamang. Mga salitang kahit kailan hindi maibibigkas. Mga salitang hanggang sa isip na lamang.