"Sa Bawat Emosyon ..."

13 0 0
                                    

"Sa Bawat Emosyon"

Hindi dahil nakangiti ang isang tao,
Ay maligaya na.
Hindi dahil tahimik ang isang tao,
Ay wala ng problemang pinagdaraanan.
Hindi dahil umiiyak ang isang tao,
Ay mahina na.
Hindi dahil hindi umiiyak ang isang tao,
Ay malakas na.

Dahil sa bawat ngiti, ay maaaring mayroong hapdi.
Dahil sa bawat salitang hindi nabibigkas, ay mayroong pusong sumisigaw sa hinagpis.
Dahil sa bawat patak ng luha ay nagsasabing, matagal na kong naging malakas, kailangan ko namang magpahinga.
Dahil sa bawat tagong luha ay nagsasabing,  napagdaanan ko na 'to, kaya kakayanin ko muli.

Hindi biro ang pinagdaraanan ng bawat isa, may kanya-kanya tayong mga problema.
May mga problemang madaling ibigkas.
At mayroong mga problemang mananatiling mga tagong salita na lamang.
Kaya intindihin na 'tin ang bawat isa.
Dahil hindi na 'tin alam ang pinagdaraanan ng iba, sa kabila ng ipinapakita nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Salitang Hindi MaibigkasWhere stories live. Discover now