Typical student? Yan ako. Isa akong babaeng simple. Hindi ako mayaman, di rin naman mahirap. Nagiisang anak, pero di ako spoiled, sa katunayan ang mga magulang ko ay parehong nagtatrabaho sa ibang bansa.
Independent? Check!
Loner? Check!
Madaming Friends sa school? Check!
NBSB? Check na Check na Check!
Bakit NBSB? ewan ko din. Haha, Nerd ba kamo? Uh-oh. Hindi. Isa akong katamtamang babae, di Katangkaran, di kaputian, may pagka kulot, brown yung mga mata ko, hindi naman ako mataba o mapayat, sakto lang kumbaga, pero madaming nagsasabing Chubby daw ako. Masisisi ko ba sila ee yun yung tingin nila sa akin hindi ba?
May apat akong Totoong mga kaibigan. Kasama ko sila sa kalokohan, kaingayan, kabaliwan, kabugokan, kagandahan, kaseksihan, omooo! sobra ng description! Hahaha! Kung inaakala nyong 4 silang mga Babae, nagkakamali kayo. Dalawa ang Lalaki sa mga kabarkada ko. Tinuturing ko silang mga kaibigan, kapatid, bestfriend, nanay, tatay, lolo, lola, pinsan, at lahat lahat na! Ganyan kami kasolid, pero sa isang totoong kwento hindi naiiwasan ang tampuhan at awayan, pero eto oh, antatag pa din namin. Sila lang yung mga taong alam kong mahal na mahal ako, at mahal na mahal ko din naman sila. Binubuo nila yung araw ko, yun bang tipo na Sila lang masaya na yung buhay ko, yung wala na akong hahanapin pa...
Pero bilang isang tipikal na babae at sa edad na katorse, wala pa at di ko pa iniisip yung salitang pagbo-Boyfriend. "Sakit lang yan sa ulo! Mas masarap pang magaral at kumain kesa lumandi at maghanap ng lovelife! Isa pa, bata pa naman ako ee!" Yan ang lagi kong sinasabi, bakit nga kasi? E sa tingin ko parang pinapatay mo na din yung sarili mo pag pumasok ka sa relasyon. Pano kung maghiwalay kayo? Edi ang sakit sakit diba? Pano kung ipagpalit ka nya? Nakupo! pustahan tayo, iisipin mong magpakamatay!
Di biro pumasok sa isang relasyon, dahil ito ay isang sugal... sugal kung saan itataya mo ang lahat lahat ng walang kasiguraduhan kung sa larong ito ay mananalo ka... Hindi lahat ng mga taong sumusubok pumasok at bumuo ng relasyon ay nagtatagumpay o nagtatapos sa mga happy endings o hindi nila nalalagyan ang dulo ng kwento nila ng "They lived happily ever after."
Bitter? Haha, kala nyo lang, pero ang totoo natatakot akong pumasok sa isang relasyon. Oo, naniniwala ako sa forever, sa destiny at fate, pero natatakot akong masaktan. Ayokong maramdaman yung salitang Iniwanan. Ayokong umiyak. Ayokong malaman yung salitang Broken Hearted. Dahil sa bokabularyo ko...
"May tamang lalaki na dadating sa tamang panahon, dahil lahat ng minamadali ay madali ding natatapos. May tamang lalaking deserving sa pagmamahal ko at di ako sasaktan... Sa tamang panahon..."
Tama naman diba? Sinong babae ba ang gustong maiwan? Tanga ka na lang kung gusto mo. Hahaha.
Ako nga pala si Friancia Nicole Catañarez, Ice for short. 14 years old, 2nd year highschool sa Royals Montessori College. Not so Nerdy but a girl who's happy-go-lucky. Ang babaeng naniwala sa labing siyam na pangako... labing siyam na kasinungalingan. Maibalik ko pa kaya sa dati ang lahat? o Huli na.. Happy ending? makakamtan ko kaya?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Let my story Begins. :)
-----------------------------------------------------------------
Posted. July 2014. :)
Vote.Read.Enjoy :)
-Berry♡♡♡
BINABASA MO ANG
Nineteen Lies
Short StoryAng lahat ng mga karakter at lugar na ginamit sa kwento ay PAWANG IMAHINASYON lamang, WALANG KATOTOHANAN at di sinasadya. Bawal kopyahin ng walang pahintulot ng author. :)