--12--

14 0 0
                                    

“Angel!”

Dugdug. Dugdug.

“JP”  0_0

Ang bilis ng tibok ng puso ko. It’s been two years ng huli ko siyang makita. Sobra kong namiss ang mukha ng lalaking minahal ko ng sobra dati. Parang gusto kong umiyak.

Guys, normal lang naman diba ang reaksyon ko? Ganun naman talaga ang feeling kapag muli mo nakita ang isang taong matagal mo nang inaasam na makita.

Yeah, nagkatext kami dati pero one time lang ‘yun at hindi na naulit. ‘Yung time pa na sinabi ko sa kanya na friends na lang kami.

***

JP’s POV

Sobrang saya ko talaga ngayon. Hindi ko akalain na magkikita kami ni Angel. Susugod na sana siya sa ulan ng tawagin ko siya. Halatang nabigla siya ng makita ako. Medyo natulala siya habang nakatitig lamang sa aking mukha. Pero napansin niya ang pagtitig ko rin sa kanya kaya siya na ang unang umiwas.

Inalok ko siyang sumabay na sa akin since may dala naman akong kotse. Sinabi ko rin sa kanya na gusto ko sana siya makausap at tumango lang siya.

Medyo huminto ang biyahe namin kasi traffic at sinabayan pa ng malakas na ulan. Tiningnan ko si Angel at napansin ko na parang kanina pa lumilipad ang diwa niya. Nakatulala siya na parang nakakita ng multo. Nakakatawa talaga siya.

Magsasalita na sana ako ng biglang…

 [ NOW PLAYING: MAGBALIK BY CALLALILY ]

♪♫♪ Wala nang dating pagtingin

Sawa na ba saking lambing

Wala ka namang dahilan

Bakit bigla na lang nang iwan? 

Di na alam ang gagawin

Upang ika'y magbalik sa'kin

Ginawa ko naman ang lahat 

Bakit bigla na lang naghanap? ♪♫♪ 

‘Yun ang kanta sa katabi naming jeep. Parang nanadya lang e. Nagkatinginan kaming dalawa at nagtawanan. Para lang kaming baliw na dalawa na nagtatawanan kahit malungkot ang kanta. Namiss ko talaga ang tawa niya.

♪♫♪ Di na alam ang gagawin

Upang ika'y magbalik sa'kin

Ginawa ko naman ang lahat 

Bakit bigla na lang naghanap? 

Hindi magbabago

Pagmamahal sa iyo

Sana'y pakinggan mo

Ang awit ng pusong ito

Tulad ng mundong hindi

Tumitigil sa pag-ikot

Pag ibig di mapapagod

Tulad ng ilog na hindi

Tumitigil sa pag agos

Pag ibig di matatapos

Alaala'y bumabalik

Mga panahong nasasabik

Sukdulang mukha mo ay

Laging nasa panaginip ♪♫♪

Her Crazy Heart and His Crazy MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon