PROLOGUE

1.6K 41 5
                                    

   PRESKONG hangin ang sumalubong sa akin pagka-upo ko sa buhanginan sa tabi ng dagat.

"Maya... iwan mo muna ako dito. " ani ko sa batang kaibigan ko dito sa isla.

"Ate Ver, okay lang po ba? Kaya naman kitang hintayin. " malambing na sabi nito pero umiling lamang ako.

"Gusto kong mapag-isa Maya. Balikan mo nalang ako mamaya. " ani ko.

"Sige po ate,  makikipaglaro muna ako kila Joy. "

Tumango lamang ako at narinig ko nalamang ang yapak paalis ni Maya.

Marahan na tumulo ang luha sa mata ko.

Ano kayang itsura nitong isla? Yung pamilya ko kaya, hinahanap kaya nila ako?

Napahinga ako ng malalim at iniyuko ang ulo ko.

Ganito pala ang pakiramdam na walang makita. Madilim at parang wala ng pag-asa pa sa buhay. Pakiramdam ko anytime gugustuhin ko nalang na mamatay kaysa sa mabuhay na puri dilim lamang ang nakikita ko.

Natigilan ako ng may pumunas sa luha ko.

"M-Maya? " tawag pansin ko.

"I-I'm Keith. " pag-papakilala ng nasa harap ko na palagay ko'y isang lalaki base sa baritono nitong boses.

"Base on your expression, I know your depressed over something. What is it? "

Nanatili akong tahimik. Bakit niya ko kinakausap?

"Look,  you can share it to me. Besides,  sabi nila kapag daw sinabi mo sa iba ang problema mo,  somehow gagaan daw ito. "

The guy beside me is too kind to be true. Hmmmn,  kung kind nga ba talaga.

"I can't see. " ani ko. "I felt alone and scared because of this darkness. Ni hindi ko alam kung hinahanap pa ba ako ng mga magulang ko. Mahirap lang kami at nagkawalay kami dahil sa isang aksidente. " napangiti ako ng mapait. "Now, I just want to feel love by someone kahit na alam kong walang magkakagusto sa katulad kong bulag. If ever man, maybe he just want to take advantage on me. You know, wala akong laban. "

"Seriously? Ikaw ang pinakamagandang bulag na nakita ko. Kaya hindi ko maiwasan na lapitan ka. At habang nagkwekwento ka, mas lalo akong nagiging interesado sa'yo."

Natigilan ako sa sinabi nito.  Totoo?

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi kaya niloloko lang ako nito.  Playboy perhaps ? Maybe he just want to get on my pants. Hmp, men.

"Liar. Hindi man kita nakikita pero hindi ako magpapaloko sa'yo. If you just wan---"

"Hep. Mabuti akong tao Miss kaya magtiwala ka lang sa akin.  Parehas pala tayo. Now,  I just want to feel how to be love by someone. "

"B-Bakit naman? "

"Dahil... Nawawalan na rin ako ng pag-asang mabuhay? Parang ganun nga. Pero ngayon,  I just felt alive again. "

Hindi ko alam pero magaan ang loob ko sa lalaking ito.

"I'm Keith by the way. " pagpapakilala nito.

"Vera. " ani ko naman at napangiti.

Maybe someone can give me a light in darkness right?

My Heart Knows [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon