CHAPTER 6

292 16 1
                                    

Vera.

GAYA ng inaasahan ay nakalabas na rin si Levon ng ospital. Sa katunayan, dalawang linggo na simula ng makalabas ito. Masyado itong seryoso sa panliligaw sa akin dahil kahit kakalabas niya lang ng ospital ay dito na siya ulit sa isla naglalagi.

"Vera, paano kung magpatayo na kaya ako ng bahay ko dito sa isla?" biglang tanong niya.

"Hmmn? Pwede din. Para mas malapit ka na dito." pag-sang ayon ko.

"Sige bukas na bukas ay tatawag na ako sa mga taong pwedeng umasikaso sa ipapagawa kong bahay." Napaangat naman bahagya ang kilay ko. Ang bilis niyang mag-desisyon.

"Nga pala si Maya malapit na ang kaarawan niya di ba?" tanong niya na nagpa-isip sa akin.

Oo nga pala birthday niya na. Hindi ko alam kung anong ibibigay ko kay Maya na magugustuhan niya. Wala naman akong kahit ano.

Bigla ay nabahala ako. Paano kung magtampo sa akin si Maya?

"Hey, you look so bothered over something." puna ni Levon.

"Birthday na ni Maya pero wala akong maibibigay sa kaniya."

"Then let's buy our gift for her together."

Nagliwanag ang paligid ko sa suhestiyon niya.

"Oo nga. Ayos lang ba iyon sa iyo? Baka mapagod ka ulit." nag-aalalang sabi ko.

"No. I'm healthy." aniya.

Sa huli ay napagpasiyahan namin na bumalik sa Mall na pinuntahan namin mga ilang linggo na nang nakakakaraan.

Mga ilang oras din kami na naglibot-libot sa Mall para maghanap ng pwedeng iregalo kay Maya. Parang kapatid na rin kasi ang turing ko kay Maya gayundin si Levon sa kaniya.

"How about buying a cake for her?" tanong ni Levon.

"Hmmmn sasaya si Maya kung meron nga."

"Okay, bibili na lang ako ng cake bago ako pumunta sa bahay niyo sa Miyerkules." aniya at marahang pagtango lamang ang isinagot ko.

Matapos naming mamili ng regalo ay agad din kaming umuwi. Hapon na nang makarating kami sa Isla. Hapong-hapo ang katawan kong umupo sa sala.

Nakakapagod palang maglibot-libot sa Mall.

"Tubig oh." ani ni Levon at naramdaman ko na ipinahawak niya sa akin ng tubig sa kamay ko.

"Salamat." nakangiting sabi ko.
"Nga pala, anong oras ka uuwi ngayon?"

"Mamaya sigurong bandang alasais."

Napabuntong-hininga ako sa sagot niya. Lagi na lang ganiyan ang uwi niya at minsan ay di ko maiwasang mag-alala. Baka naman 'yon ng naging dahilan ng pagka-over fatigue niya. Mahaba kasi ang biyahe papuntang bayan kung saan nakatira si Levon.

"Mabuti pa at madaliin mo na lang ang pagpapatayo ng bahay dito sa isla. Tutal parang dito ka naman na talaga nakatira." natatawang sabi ko. Narinig ko rin ang mahina niyang pagtawa sa sinabi ko bago ko narinig ang kalansingan ng pinggan. Magluluto na naman ata siya.

"Levon 'wag ka na lang kayang magluto? Baka mapagod ka na. Samahan mo na lang ako dito na mag-pahinga." nag-aalalang sambit ko sa kaniya.

"Nagugutom na rin ako. Tamang-tama may hapunan na kayo mamaya." aniya.

Pansamantalang natigilan ako sa sinabi niya.

"Pasensiya ka na. Kung hindi lang sana ganito ang sitwasyon ko ay baka nag-aral din akong magluto. Natatakot kasi akong mahiwa ko ang ka--"

My Heart Knows [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon