4

4 0 0
                                    

Saranghae Grey

Lexia's Pov

Mga 6:00 pa lang nang makarating ako sa school, kaya kokonti pa lang ang tao.

Nang makarating ako sa room, ako pa lang mag-isa ang tao. Hayst, di na naman 'to bago sakin eh, lagi kasi akong maagang pumasok, minsan nga lang pagnapuyat ako sa kaka-isip ng mga bagay-bagay ay talagang nalelate ako.

At dahil mabait ako na mag-aaral, naglinis na lang ako ng room. Inaayos ko ang mga upuan nang may madampot akong isang papel na nakatupi, at sa may pinakang front nito ay may nakasulat na hanggul.

"Sa.rang.hae. grey?" yan ang nakasulat, medyo mabagal pa akong magbasa ng hanggul eh. May nagturo lang sakin kung pano bumasa at sumulat, pero wala akong alam kahit isa sa salita nila. Hindi naman ako mahilig sa kpop eh. "Saranghae Grey." Muli kong basa sa mas mabilis na paraan.

Pero halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Mworago?" Ah, si Mr.Ticold lang naman pala eh.

Mr.Ticold tawag ko kasi cold na nga, ang tipid pa magsalita. Kaya ayun...Mr.Ticold, haha.

"Huh?" Ano bang pinagsasasabi nito?

"Mworago?"

"Huh?"

"Mworago?"

"Huh?" Tsk, paulit-ulit?

"Mworago?!" Aba't siya pang may ganang manigaw ah.

Hindi ko na maiwasang makagat ang pang-ibabang labi ko dahil sa pagkafrustrate sa kanya. "Ano bang malago?" Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasasabi nito eh. Bulol ba 'to, dahil hindi man lang kayang sabihin ng maayos ang malago? Tsk!

"Mworago?!" Tsk! Sinasagad talaga nito pasensya ko ah. Paulit-ulit?!

"Ano bang malago?! Kanina ka pa malago ng malago! Malago ba yang ano mo?" Iritang tanong ko sa kanya sabay nguso sa may ano niya. Nanginginig na ako pero di ko pinapahalata. Naku, may kabastusan din pala tong isang to eh, akala mo naman kung sinong matino. Tsk!

Nang tingnan ko siya, nakita kong sobrang pula na niya. Sobrang pula siguroo dahil sa galit.

"Micheosseo?!"

"Ha?" Aish, hindi ko talaga maintindihan sinasabi nito. Nabulol na ata, di kasi laging nagsasalita. Nakalimutan na tuloy kung pano sabihin ang tamang words.

"Micheosseo?" Aba't inulit pa talaga eh, kanina pa 'to. Kung inaayos niya kaya ang pagsasalita.

"Ha, anong may cheese to? Ahh!" Napigil ko ang hininga ko at kusang napatakip ang dalawa kong kamay sa aking bibig habang umiiling pa. Hindi ko na kaya 'to. "Ma...may che-cheese yan?" Na-uutal na tanong ko sabay turo dun sa hindi ko sigurado kung yun nga ang tinutukoy niyang malago, habang nakatakip pa rin ang isa kong kamay sa aking bibig.

Kita ko naman kung panong biglang namula ang tainga niya. "Aish! Bingi ka ba?" Inis na tanong niya.

"Hindi." Mabilis na sagot ko sa kanya.

"Eh bakit tanong ka pa nang tanong?"

"Eh, ikaw, bulol ka ba? Kanina ka pa malago ng malago, tapos sasabihin mo pang may cheese! Baliw ka ba? Kala mo kung sino kang matino, bastos din naman pala!" Tuluy-tuloy na sabi ko sa kanya. Kaya ngayon, hinihingal tuloy ako.

"Aish, paboya!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, at agad na lumapit sa kanya.

Tumingkayad ako para maabot ko yung may tenga niya at bumulong.
"May pabuya? Bakit? Para saan yung pabuya? Magkano yung pabuya?" Bulong ko sa kanya.

The Ice Princess And The Mafia PrinceWhere stories live. Discover now