Chapter 3

28 2 0
                                    

Chapter 3: Nightmare

Sophia's point of view

"I pronounce you, husband and wife."

Wala ng mas sasaya pa sa akin. Kahit sa huwes lang  kami ikinasal, masaya na 'ko, lalo na't napalitan na niya ang apelido ko.

Hanggang dito sa kotse ay nakangiti parin ako, 'di mawala-wala sa aking labi. Nawala agad 'yung mga sakit na tinamo ko kagabi.

"Sana nandito pa sila Tito't Tita.."

Napatingin ako kay Van na nagdri-drive. Hindi ko alam kung saan kami tutungo, suprised daw.

Malungkot ang boses niya sa pagkakasabi n'on at may malungkit na ngiti rin.

"Ano ka ba. . .paniguradong alam nila Mama at Papa na kinasal tayo kanina lang."

"Kahit na Masop. . .alam ko namang nalulungkot ka rin."

"Ayos lang ako. . .at staka maayos na sila sa langit Van, at masaya ako."nakangiting sambit ko.

Hinawakan naman niya ang kamay ko gamit ang isang kamay niya at pinisil iyon.

Wala na sila Mama at Papa. Nung nakaraang taon lang sila nawala sa'kin. Masakit syempre, naulila ako. Wala akong kapatid—meron pala, kaso namatay kasama ni Mama. Nagdadalang tao si Mama nung ma-car accident sila ni Papa, kaya pati 'yung magiging kapatid ko, nawala.

I was so sad that time, parang lahat ng taong mahal ko sa buhay ay kinuha sa'kin maliban nalang kay Ivan. Siya ang lagi kong karamay sa oras na nangungulila ako sa mga magulang ko. Siya ang laging punupunas ng mga luhang dumadaloy galing sa'king mga mata. Siya ang laging nagpapasaya sa akin.

Kaya laking pasalamat ko ng dumating siya sa buhay ko.

Kahit halos maguho na ang buhay ko, inayos niya.

"Saan ba kasi tayo pupunta Mister?"ngiting tanong ko sa kanya.

Naoangiti rin naman siya."Secret nga diba? 'Wag kang makulit Misis ah."

"Sige na nga,"

"Tulog ka muna Misis, matagal pa biyahe natin."

"Okay po Mister."

Natawa nalang kaming dalawa dahil sa tawagan namin. Aaminin ko kinikilig ako, tinatago ko lang. Hindi parin kasi ako makapaniwalang asawa ko na siya at Mrs. Dette na ako.

Tulad ng sinabi niya ay natulog ako.

"You're heart heart is getting weak, we need a heart donor as soon as possible. Because you have weeks left to live."

Our Hearts [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon