Her Pov
*Messageee*
tunog ng aking telepono.
"Beb? tapos ka na sa requirements?" - Chat ni Angel sa akin.
Sa kasalukuyan ay nasa mismong Shaw Mall ako upang tapusin ang aking requirements para sa aking papasukang trabaho. Madami dami din ang requirement na kailangan kaya naman ang aking mama ay galit na sa akin. Pano ba naman daw ay halos araw araw akong wala sa bahay at kailangan pa lagi ng pera. Idagdag mo pa ang pagod ko sa tuwing lalakarin ang bawat requiremnts na kailangan.
To: Gel-a-babe
Oo beb, kakatapos lang. Ipapasa ko na to ngayong araw. Ikaw ba?Pagkasend ko ng aking mensahe ay nagtungo na ko agad sa SM Mega. Nagtungo sa Foodcourt at hinanap ang HR ng isang sikat na store doon.
"Hello po, anjan po ba si Ate marie?"- Tanong ko sa isa sa mga crew doon.
"Oo, andito nga. Pero on duty pa eh, baka pwedeng antayin mo na lang"- At pagkatapos nun ay umupo na muna ako sa isa sa mga bakanteng upuan.
Makalipas ang ilang minuto nga ay lumapit sa akin si ate Marie.
"Hello, tapos mo na lahat?" - ate Marie
" Opo, tapos na."
" Ano nga ulit yung pangalan mo?"- tanong nyang muli."Ah, Ako nga po pala si Hannah Sarah Santos, 18 years old taga Cainta lang po." - sagot ko rito na may ngiti. Mabait si Ate Marie, nakilala ko lang sya dahil na din sa nakasama ko yung isang empleyado dito sa pag training sa call center. Si Ate Aiza, hindi kasi ko pinalad sa pagaapply sa mga BPO companies kaya naman nireto nya ako sa store na ito, at para na din part time ko habang nag aaral.
" Sige, tutal tapos ka naman na sa lahat. Bukas pumunta ka sa Gen Star. Sa Alabang to, jan ka sa Starmall sasakay magpababa ka sa blablablablablablabla" - to make it short. Pupunta ako sa Orientation bukas. Para tapos na lahat. Bali dalawang Orientation ang magaganap. Isa sa store at isa sa agency.
"Sige, agahan mo na lang bukas sa Gen Star ha? para makadating ka agad dito." -dagdag pa nito. Nagpaalam na ako't umuwi.
Mukang magiging sobrang busy ng araw ko bukas. Sana lang kayanin ko to bukas. Haaaaaays. Saan naman kaya ako nito makakakuha ng pang papamasahe ko. Wala na kong pera at wala pa din pala kong kain. Haaaaaays. Ang hirap maging mahirap. Pano to? Kailangan ko pa ng 200 na pamasahe bukas. San ako makakahanap nito.
From: Gel-a-babe
Baka Wed. ko pa matapos, wala pa din kasi kong pera e.
Same feels bading! Si Angel ay isa sa mga classmate ko since Grade 9, and she's one of my close friend. Karamay sa katangahan maging sa kagandahan. Pero sa kanya kasi may halong katalinuhan. Hays. Di kaya ng kagandahan ko yung ganito. Wala na me datuuuuuuuung.
Tapos ...
Kumukulo na ang aking tyan .....
Umiikot na ang aking paningin .....
Nagblublurred ang paligid ....
Hanggang sa .......
*black out*
To be continued ...
YOU ARE READING
Love Never Gives Up
Teen Fiction"Once your partner gives up on you easily,it will never be called love". Can Isha overcome the breakup she have? Or Is she able to love again if her minds tell her not to love again? . This Story would tell us what love really mean.