Destiny. Big Word. Hindi mo inaasahan pero bigla na lang darating. Kahit na di ka umaasa o naghihintay, kusa na lang darating kasi destined.
Pero paano kung matagal mo ng kasama pero di mo alam na sya pala ang destined para sa'yo?
At what if kung sino pa yung pinakasusuklaman mo, sya pa pala ang nakalaan para sa'yo?
Imagine. Yung taong hatest mo ngayon, sya pa pala ang makakatuluyan mo. Masisikmura mo kaya?
Ako, wait lang ha. Papaconfine lang ako saglit sa mental.
Ako si Lin.
Ang pinakamalas sa larangan ng pag-ibig. Oh well, papel.
Paano ko ba to sisimulan? Hmm, sige. Ikwekwento ko na lang kung sino pinakasusuklaman ko.
Si Pin.
Sya ang impyerno sa buhay ko at syempre ako ang anghel. Magkasabay kaming lumaki, unfortunately dahil magkatabi lang ang bahay namin.
Lagi nya akong binubully nung bata kami. Lagi nya akong inaaway. Hindi ko alam kung bakit.
PRESENT
Nagba-bike sya habang naglalakad ako paalis ng bahay. May usapan kami ni Neth na magkikita kami para sa project.
"oy, saan ka pupunta? makikipagkita ka na naman siguro sa ex mong si sungo no?" ang epal!
"Excuse me? ako ba kausap mo?" akala mo kung sinong gwapo! Pero sad to say, gwapo nga sya.
"may iba pa ba dito?" aniya.
"ay, oo nga. Ako lang naman ang tao dito"
"Bakit, may sinabi ba akong tao eh linta ka naman?"
"Aba't" hinabol ko sya. Ang walang hiyang to. "hoy!"
"Lin-ta! Aray! Tabi!"
Too late. nalaglag na ako sa kanal.
"Okay ka lang?"
"Okay?! Ikaw kaya ilaglag ko dito sa kanal, tignan ko kung magiging okay ka!" Ang baho! "ouch! You beast! May gasgas na ang legs ko!"
"Sandali! Isosoli ko lang tong bike sa bahay."
Huh? "Bwisit ka! Uunahin mo pa yang bike mo kesa sakin? Umaagos na yung dugo! Ayokong maputulan ng paa! tsaka what if there are worms here? Pin!!!"
"Meron talaga, ikaw. Linta. OA nito, gasgaslang naman. Teka, sandali" inabot nya sakin ang kamay nya. Ang lambot! nag-downy!
"Pano ba to. Lin, Kaya mo bang maglakad? akayin na lang kita"
Sinubukan kong ihakbang pero kumikirot ang ankle ko. "No, masakit masyado"
Bigla na lang nya akong binuhat. Bridal style.