Chapter 1

47 4 3
                                    

Carla's POV

"Ano ka ba naman Beeesh! Bakit ka nag pakulay! At ang mas malala pa ay bakit kulay pink?!" Parang torotot na sigaw sa akin ni Joyce.

Tiningnan ko lang siya ng masama at binigyan siya ng 'shut up' look.

"Can you shut the big mouth of yours?!" Iritang sigaw ko sa kanya.

Oh well, nakalimutan ko palang mag pakilala sa inyo. My name is Carla Jane Reyes. At ang mala torotot na ngusong sumisigaw sa akin ay ang best friend ko na si Katelyn Joyce Villegas.

Nandito kami sa bahay namin ni Joyce. And yes, mag kasama kami sa iisang bahay.

At ang pinag uusapan namin ay ang tungkol sa pag papakulay ng buhok ko.

"Ay ang taray mo naman! Porket nag pakulay ka lang ng buhok!" Nakangusong sabi niya.

Napairap na lang ako saka nag salita. "Ang totoo niya ay hindi naman pink ang dapat kulay nito. Sabi ko don sa nag kukulay ay RED ang kulay! And besides, It's not my fault kung bingi siya at ang pag kakarinig niya ay PINK! So, gets mo na?!"
May diing sabi ko.

"Ayyy, ganon?"

"Oo, masyado ka kasing OA makapag reak at hindi mo man lang akong pinag paliwanag! Kulang na lang ay maging torotot na yung nguso mo!" Natatawang sigaw ko sa kanya.

"Ito naman, nag lalambing lang yung best friend mo eh"

Agad naman nangunot yung noo ko. "Ang nag lalambing, ha? Lambing ba yung tawag don? Sa pag sigaw mo sa harapan ko?" Singhal ko.

"Ang taray mo ngayon, ah. May mens ka noh?" Pataas taas kilay na sabi niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na lang ako sa kwarto ko at nahiga sa malambot kong kama. Sandali pa akong nakipag titigan sa kisameng puti.

First day of high school na bukas. Actually, graduating na ako kaya mas pag bubutihin ko ang pag aaral ko. Wala rin naman akong balak mag boyfriend para makapag focus ako sa pag aaral ko. Basta.....bahala na si tadhana kung pag tatagpuin kami nang future boyfriend ko, hahaha.

*****

"Krrriiing! Krrriiing! Krrriiing!"

Napabalingkwas ako nang bangon nang mag alarm yung alarm clock ko. Agad naman akong bumagon at pinatay yung alarm clock ko.

Nag stretch muna ako nang katawan bago nag tungo sa banyo nang kwarto ko.

Masaya naman akong naligo. Masaya din ako nag bihis, nag ayos nang sarili at kumain. Wala lang, trip ko lang hahaha.

"Naks, mukhang masaya ang bestfriend ko ah. Ano, may boyfriend ka na ba?" Masayang sabi ni Joyce.

Akmang yayakapin niya ako nang lumayo ako palayo sa kanya. Kung alam niyo lang, sobrang higpit yumakap niyang babaeng yan.

"Anong boyfriend?! Tsk...in you dream!" Sigaw ko sa kanya. Sabay sakay sa motor ko.

Yeah, MOTOR. Ayaw kasi namin mag kotse, gusto namin nang motor, hahahaha.

Nakita ko naman sa side mirror ko na kasunod ko na si Joyce kaya mas binilisan ko. At mabilis din akong nakapunta sa campus.

Matapos kong iparada ang motor ko sa parking lot ay hinubad ko na ang helmet ko sabay tingin kay Joyce na ngayon ay kakahubad din nang helmet niya.

"Sana magka klase pa rin tayo" wika niya.

Tumango na lang ako sa kanya at nag pauna sa pag lalakad. Welcome to L.U. Laguna University. Tulad nang dati ay madaming tumitingin sa amin. Sabihin na nating medyo sikat kami dito sa loob ng campus na to.

Pagka tingin ko sa bulletin board ay tama ang hinala ko. Magka klase pa rin kami ni Joyce. Nakaramdam naman ako nang kapiranggot na saya.

"Yeeii, magka klase ulit tayo Carla. Alam ko naman na sa loob mo na masaya ka kaya didibdibin ko na lang, hahaha" hyper na sabi ni Joyce.

Tumingin naman ako sa kanya. "Wag mong dibdibin kasi wala ka non" mataray kong sabi sabay talikod sa kanya.

"Porket malusog yung iyo ay pinag mamalaki mo nah? Hambog ka din kahit kailan" pagma maktol niya.

Napailing na lang ako dahil sa kaingayan niya. Naging mala torotot na naman ang bibig niya.

Agad naman akong pumasok sa classroom namin at namili nang upuan. Syempre, katabi ko si Joyce. Halos hindi nag bago ang mga itsura nang mga kaklase ko. Wala man lang bago. Well, maswerte na kung sino ang malipat dito sa classroom namin. Kami kasi ang pilot section at mula first year of high school ay hindi pa kami nadadagdagan nang bagong mukha.

Kinuha ko ang headset ko sa bag ko at nilagay ko sa tenga ko. Makapag soundtrip muna. Habang nagsa soundtrip ako ay umupo si Joyce sa tabi ko pero hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang ako sa kawalan.

Lumipas ang minuto at dumating na ang lecture namin kaya inalis ko na rin ang headset ko. Walang masyadong gagawin ngayon firstday of class kaya sigurado akong halfday ngayon.

Habang nag papakilala kami isa isa at may hindi inaasahang pang yayari. Isang malaking himala.

Isang lalaki ang pumasok sa classroom namin! Batid kong dito siya sa classroom namin! Hindi siya naka school uniform hindi katulad namin. Naka pantalon lang siyang itim at naka jacket na itim na may hood at naka shades siya na itim. Nakalagay ang mga kamay niya sa bulsa nang jacket niya at diretsong nakatingin sa lecture namin.

Weird

"Who are you, young man?" Tanong sa kanya nung lecture namin.

"Morning Sir, my name is Won Montero. Nice to meet you" sabi ni Won sabay upo sa isang bakanteng upuan. At ang nakakairita pa ay sa tabi ko pa!

Ano bang nakaka irita don?

Lahat nang nasa classroom ay nasa kanya ang atensyon pati rin ang lecture namin ay nakatingin sa kanya. Ang iba kong kaklase ay nakatingin sa kanya habang nakanganga. Siya.....siya ang kauna unahang napalipat sa section namin.

Mula sa pananamit niya ay napaka angas nang dating kahit puro itim ang suot niya. Amoy na Amoy ko din ang mabango niyang pabango na mukhang mamahalin. Hindi ko din makita nang maayos ang mukha niya dahil sa hood ng jacket niya.

Sino ba siya?


Itutuloy.......

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Love HimWhere stories live. Discover now