I

21 0 0
                                    

Pat's POV

Kahit kailan di ko naisip na totoo yung mga nangyayari sa Wattpad at Disney... Asa naman daw na may ganun kaperfect na true-to-life love story dito sa REAL WORLD noh!

Paasa kasing Wattpad na yan oh! Sabihin nyo nga, nakakita na ba kayo ng babaeng pangit na nga mahirap pa tapos nagkaron ng boyfriend na mayaman at gwapo?! Sige nga! Magbigay kayo ng example!

Tapos yang Disney na yan! Happy endings? 'And they live happily ever after... The End' Utot nila! Forever na masaya ganun?! Eh kahit nga yung mga kasal na nagkakaproblema pa rin eh! Pag minsan naghihiwalay pa!

Oo na bitter na kung bitter! Eh sa di ako naniniwala dun eh! Para kasi sakin... To see is to believe. Eh wala pa naman akong nakikitang living proof so, sarreh!

Love love love pa silang nalalaman... Mag-aral na lang sila! Mas madami pang matutuwa sa kanila noh!

*plok*

"ARAY!!! Anong--- Uy! Andyan ka na pala..."

"Ay! Mga 30 minutes na ata akong nakaupo dito at dumadaldal te! Wala naman palang nakikinig saken..."

"Hehehe sorry pooooo... May iniisip lang..."

"Kasing lalim naman ata ng Marianas Trench yan eh! Hello?! Talagang di mo alam na kanina pa ko andito?!"

"Sorry na nga diba? Di lang talaga kita napansin..."

"Alam mo! Malala na yang pagkamanhid mo eh! Akala ko sa mga lalaki lang, pero sa lahat pala... Pacheck-up ka na girl!"

"Hindi ako manhid! Sadyang---"

"Sadyang ano???"

"Ah... Eh, basta! Hindi ako manhid!"

"Ay! Bahala ka te! Tara na at male-late na tayo for the orientation..."

***

"Alam mo bes, ang gwapo ng adviser natin... Buti na lang nag resign na yung dati noh?"

"Gwapo? Bes! Yung ituturo nya ang importante hindi yung mukha nya!"

"Grabe bes, wala atang lalaking gwapo para sayo eh!"

Walang lalaking gwapo para sakin? Hindi naman sa ganun, sadyang wala pa lang nakakapasa sa standards ko. Oh well, ganun talaga! Masyado atang mataas standards ko ehXD

"Hoy Patricia! Nakatunganga ka na naman!"

"Ha? Ano ulit yung sinabi mo?"

"Ang sabi ko po eh baka naman po gusto nyong sagutin kung sinuman yang tumatawag sa phone mo, kanina pa vibrate ng vibrate yung bag mo eh! Di mo ramdam?"

"Eh? Nag vibrate ba?" sabi ko na lang habang kinakalkal ko yung bag ko... Nag vibrate ba? Bakit di ko ramdam?

"Wow ha! Ako ngang katabi mo naramdaman yang pag vibrate eh, ikaw hinde? Level up ka na te!" inirapan ko na lang sya at tinignan kung sino yung tumatawag...

Mr. Reynolds Calling...

"Sana bes hindi mo na lang naramdamang may tumatawag..."

"OMG! Diba yan yung... Edi ibig sabihin..."

"Ano pa nga ba? Eh ayun lang naman lagi ang dahilan ng pagtawag neto eh..."

"Sagutin mo na bes, kasi kahit naman di mo yan sagutin tatawag lang ulit yan eh!"

"Sige na bes, mauna ka nang umuwi. Ako na ang bahala dito..."

"Sigurado ka bes? First day of school bukas ha! Baka naman pumasok ka bukas ng mukhang papatay ng tao..."

"Grabe naman to! Kailan naman nangyari yun?"

"Everytime na may tawagang ganyan..."

"Eh?!"

"Hahaha bye bes! See you tomorrow!!!"

Totoo kaya yun?! Ano bang itsura ng mukhang papatay ng tao???

Mr. Reynolds Calling...

Ay! May tumatawag nga pala... Nakalimutan koXD

"What do you want?!"

"Don't be so rude Princess..."

"Oh! You're back..."

***

"Patricia! Hindi mo ba alam na ang 1:00 AM ay madaling araw na?!"

"Alam ko..."

"Alam mo naman pala bes eh... Tulog pa dapat ang mga tao sa ganitong oras! Tulog pa dapat ako!"

"Sorry bes ha... Hindi kasi ako makatulog kaya tinawagan kita eh! Knowing that, that scumbag is in the same house with me!"

"Bes... That scumbag is your father!"

"I don't have a father!"

"Oh talaga bes? Pano ka nagawa at nabuhay kung wala kang ama?"

"Bes naman eh! Umayos ka nga..."

"Bes naman eh! Umayos ka din! Di ka pa ba nasanay sa ganyan?"

"Hinding-hindi ako masasanay bes..."

"Pwes! Dapat masanay ka na... Dahil yung tatay mo na mismo ang nagsabi sa media na hindi sya aalis ng bansang to hanggang sa matapos ang business deal nya dito, which is next year pa... Sige na bes, matutulog pa ko, bye!" tignan mo tong babaeng to, binabaan pa ko...

Business deals... Dyan umiikot ang buhay ng tatay ko... Isa syang sikat na negosyante kaya pati tuloy ako damay! Kaya nga sa isang exclusive school for elites ako pumapasok eh, para daw safe ako... Tss safe nya mukha nya! Rude ko ba? Kung alam nyo lang kasi eh...

Well sanay na rin naman ako... Siguro akala nung iba buhay prinsesa talaga ako dito sa bahay kasi nag-iisa lang naman ako. I won't blame them. Ako nga naman si Patricia Nexhine Buenaventura Suarez, mayaman, matalino, nag-iisang anak ng multi-millionaire na mayari ng Suarez' Group of Companies. Ano pa nga bang kulang? Malay ko! Tanong nyo sa nanay ko...

Oh! Wala na nga pala akong nanay...

--------------------------------------------------------

A/N: Hello sa nagbabasa neto! Kung meron man hahaha, thank you!

Vote and Comment! :D

-mariajulie

07/03/2014

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon