A/N: Tsss. Wala ng Prolouge. Hindi naman ako marunong nun eh. xD Joke lang. Baka sabihin nyu KJ ko naman noh. GAME NA!!!
(para saan yun?)
xD
* * *
P.R.O.L.O.G.U.E
*someone p.o.v.*
Sa isang madilim na kwarto pretendeng naka-upo sa isang swivel chair ang isang dalaga na may hawak hawak na baril. Nakasuot siya ng isang fitted na black leather jacket at black leather pants. Sinasakop ng damit niya ang hubog ng katawan niya.
Inangat ng dalaga ang ulo nito at ikinasa na ang baril niyang hawak sa ulo ng lalake na nakaluhod na sa sahig at hawak ng dalawang lalake na nakaitim sa magkabilang braso. Siya ay punong puno ng sugat, pasa, saksak at tama mula sa mga pakikipaglaban niya.
"Hindi ka pa ba susuko?" sabi ng dalaga. Umubo ng dugo ang lalake at sumagot.
"Hindi. Dahil kayo lang ang pag-asa ko."
Nakatutok na ang pulang laser ng baril sa noo ng lalake.... Nakatingin lang ang lalake sa abong mata ng dalaga. Kung titingnan, napaganda ng dalaga. Mala-anghel na itsura nito pero napakalamig at parang impyerno ang mga mata niya at bawat salita niya na binibitawan ay napakalutong at masakit dahil lahat at laging totoo.
Pinikit ng lalake ang kanyang namamagang mata at yumuko habang inaantay ang katapusan niya. Ang imahe ng kanyang pamilya ang kanyang nakita. Mula sa kompleto at masaya hanggang napunta sa isang trahedya. Ang ina ng anak niya na nakalatay sa kama at nasa bingit ng kamatayan. Ang anak niyang babae na kailangan operahan sa puso. Ang sanggol niyang nawawala. Ang anak niyang lalaki na na-trauma dahil sa nakita niya ang lahat ng pangyayari sa pamilya niya. Mula sa mama niya at mga kapatid niya. Ang natatanging tao na lang na nasa kanya ay ang papa niya, na ngayon ay nasa bingit na rin ng kamatayan.
Malakipas ang ilang sandali ang dalaga nagsimula na maglakad papunta sa lalake habang nakatutok parin ang baril niya. Mariin na pinakinggan ng lalake bawat tama ng kanyang sapatos sa sahig.
"Tumayo ka." malumanay na sabi ng dalaga. Binitawan na ng dalawang lalake ang magkabilaang braso niya. Inangat ng lalake ang kanyang ulo at nakita ang dalaga na nakatingin sa kanya na puno ng pagka-awa. Ang mala-anghel kanina ay naging totoong anghel na.
"Sabihin mo. Bakit kaya mo isakripisyo ang buhay mo para sa tulong namin?" tanong ng dalaga sa lalake.
"Dahil sa pag nawala ang pamilya ko. Wala narin kwenta kung mabuhay ako." diretsong sagot nito. Binigay ng dalaga ang kanyang baril sa isa sa mga lalake na nakaitim nasa gilid niya.
At pinalitan ito ng isang telepono.
Dinial niya ang isang numero. Dali dali naman ito sinagot ng nasa kabilang linya.
"Gawin niyo ang lahat para maligtas ang pamilya ng lalakeng ito. Hanapin niyo rin ang nawawalang sanggol at patayin niyo ang lahat ng gang member na gumawa sa kanila nito. . ."
sabi ng dalaga. Nakatitig lang ang lalake sa kanya hanggang sa huminto ito sa pagsasalita.
"Wag." tumingin ang dalaga sa lalake at pinagpatuloy ang pagsasalita.
"Itira niyo ang leader. . . may gaawin tayo diyan."
nakangiting sabi ng dalaga. Maitim na ngiti.
Kumunot ang noo at nagsalubong ang kilay nito sa pagtataka.
"Gamutin niyo sa at simulan ang pamamarka pagkatapos ng isang linggo." sabi niya sa dalawang lalake ng hindi lumilingon sa dalawa.
"Ikaw." nakatitig na sabi niya. Lumuhod ang dalaga at hinawakan ang baba ng lalake nito para tumingin ito sa kanya.
"Pinili mo ito kaya magdusa ka muna ng isang linggo para magpahinga. Wag kang mag alala. Babantayan ng mga tauhan ko ang pamilya mo. Dahil parte ka narin ng pamilya namin. Gagawin ng pamilya natin ang lahat ng dapat gawin para sayo kapatid. Gagaling ang asawa at dalawang anak mo at mahahanap ang pinakamamahal mong angel."
nakangiting sabi ng dalaga.
"Sa-salamat."
Pagkatapos nun. Kadiliman na ang sumunod na sumakop sa paningin ng lalake at ito'y natumba sa sahig.
A/N: Masyado bang mahaba? Sareeeeeeh. xD
Pabitin ba? Ganun talaga. xD
YOU ARE READING
The Bad Girl meets The Gangster
RomanceBad girl meets the gangster. Magkaroon kaya Chemistry ang boss ng mafia sa isang gangster? Or it will be an infatuation and lead to another love theme?