paalam mahal

27 2 2
                                    

Pagsapit ng umaga
Pagmulat ng mata
Ganun padin ang nakikita
Mundong walang buhay at kulay
Nung una diba tayo namay masaya?nagkukulitan di maubos na kwentuhan
Nung una diba nangako ka?
Na di ako iiwan at habang buhay ako lang at ikaw.
Nung una ang ako at ikaw ay pinagtagpo ni tadhana
Ibinigay ka sakin ni bathala naging makulay ang mundo at nawasak ang pader na nakapalibot dito
Ikaw ang naging sentro ng buhay ko,ngunit sa una lang pala masaya,sa una lang maligaya
Naging mas malamig kapa sa yelo,mas masungit ka pa kaysa sa buntis na aso
Bakit mahal?sawa ka naba sa piling ko?sabihin mo at ng maayos ko
Lilisan ka naba sa aking mundo?na ikaw ang nagbigay kulay at aliw nito,sabihin mo sakin mahal
"Ayoko na"Isang sagot  ang natanggap ko mula sa labi mong mapupula,gusto kitang halikan ngunit akoy tinaboy mo nat iniwan na
At tuluyan ng bumagsak ang luha habang pinapanood kang humahakbang palayo,palayo ng palayo hanggang sa di ko na nasilayan ni anino mo,paalam mahal

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon