Nasaktan ba talaga kita?
Naiparamdam ko bang wala kang halaga?
Naiparamdam ko ba na hindi kita kailangan at wala kang kwenta?Mga tanong na hindi ko masagot kase ikaw lang ang may kakayahang sumagot sa mga katanungan na gumugulo sa isipan ko ngayon
May kumirot, parang may kumukurot
Hindi sakit, hindi panghihinayang kundi pag sisisiHindi mo dapat naramdaman yun
Hindi mo dapat naramdaman lahat ng yun kase wala ka namang ibang ginawa noon kundi mahalin ako,wala kang ibang ginawa noon kundi pasayahin at intindihin ako kahit na di na ako maintindihan, kahit na pinagtatabuyan na kita, ayaw ko na sayo pilit mong sinisiksik ang sarili mo at patuloy mokong minamahal
Matatawag ba akong bobo? Tanga? Hindi ko alamNakaramdam ako ng sawa, ng takot at pangamba
Nakakita ng bago at mas maganda nakalimutan ko ang pangako kong di kita iiwan at mamahalin ka ng walang hangganPasensya na, alam kong masaya ka na nga at masaya narin ako para sayo, ngunit meron akong buhat sa aking loob na gusto kong masabi sayo pero nahihirapan akong sabihin pagkat wala ng pagkakataon
sana balang araw makuha mong patawarin ako sa mga pagkakamali ko, at masaya ako na nahanap mo na ang taong kukumpleto sayo at nakalimutan mo na ang taong binuo mo at winsak ka sa dulo