AUTHOR'S NOTE:
pasensya na sa walang kwentang storya ko.. sana magustuhan niyo parin kahit hindi maganda!! ^_^
VOTE AND COMMENT AS YOU GO!! chos!
-Tsweezy♥-
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[~Zherine's Pov~]
"Hoy..kunin daw nten sa bodega yung mga pangdecorate sa graduation.." sabi ni Allen habang nakapamewang sa gilid ng pintuan. Pinuntahan niya talaga ako sa room ko para sabihin lang yun? tsk..
"Bakit hindi nalang ikaw?"
"ayoko ngang pumunta dun ng walang katulong! maaalikabokan lng ako ee.. isasama kita kasi ayokong magbuhat ng mga maduduming bagay." sus.. kunwari pa tong mokong nato. takot lang to ee. kung hindi ko pa nasasabi, siya si Allen. ang pinakakinamumuhian kong tao sa buong mundo. and yet, ang lihim kong minamahal. ewan ko ba kung bakit siya pa.. eh ang sama sama ng ugali niyan.. biruin mo lagi nalang akong pinagiinitang asarin since grade 1..
"ang arte mo!..tska aminin mo na kasi takot ka.."
"ako?! takot?! huh! No Way!! pag hindi mo ako sinamahan ipapahiya tlga kita sa buong campus bukas pag graduation.." panakot pa niya.
"Alam mo Allen, hindi ka ba nagsasawa sa kakaasar mo sakin?" kasi ako nagsasawa na.. gusto ko tignan mo ako bilang isang babae. kasi ang gusto ko makita mo na mahal kita.. at ituring na importante.. hindi isang laruan na palaging pinaglalaruan. chos! ang landee!!
"At bakit naman? for? never akong titigil sa kakaasar sayo.. kasi gusto ko.." napahinto siya sa sinasabi niya at nakatingin lng sakin.
"halika na nga.!! andami mo pang tinatanong jan ee.." hinila niya ako at pinilit isama sa bodega na sinasabi niya para kunin ang graduation decorations.. ang bilis ng araw.. Graduation na pala bukas..
bukas na din ang last day na pinakahihintay ng mga magaaral.. syempre hindi na sila papasok kailanman.. pero papasok naman sila hindi sa school, kundi sa trabaho.. ako, Flight Attendant ang kinuha ko.. at bukas din ang alis ko pagtapos ng Graduation Ceremony para pumunta sa Canada at dun magtrabaho sa airlines nila kasama ang tita ko.. pero pinagiisipan ko pa kung itutuloy ko.. kasi ayokong umalis baka hindi ko na makita si Allen.. hanggang ngayon hindi ko pa nasasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya.. natatakot ako kasi baka hindi naman niya paniwalaan ee.. baka masaktan lang ako.. pero don't lose hope nga daw..
maya maya andito na kami sa loob ng bodega. nakakatakot nga kasi super laki ng room tsaka andilim pa.. 7:00 na rin naman kasi ng gabi.. hindi pa kami tapos mag decorate.. tapos isang flourecent light lang ang gumagana.
"ano bang hahanapin natin dito?" tanong ko. nananahimik kasi dun sa likuran ko..
"ano pa edi yung mga pandecorate.. kahit kelan talaga hindi ka nagiisip.." i rolled my eyes at kinuha nlng sa kanya yung list.
"akin na ung list!. para matapos na.." iniwan ko muna siya dun sa may tabi ng mga booksheleves as in dun din sa mismong pinakamaliwanag na place.. hay nako.. duwag talaga.
15 minutes later binalikan ko na siya. "oh, lima lang pla itong kailangan ee. tapos andun lang sila at magkakasama sa may bandang dulo..takot ka lang talaga sigurong pumunta dito kaya ka nagpasama.."
"hindi noh! akin na nga yan!" hinablot niya na ung isang plastic ng decorative balls at mga flowers.. as we reach the door, binubuksan niya ang doorknob pero ayaw mabuksan.
"oh sh*t !! ayaw mabuksan ng pinto!!" pinagsisipa niya yung pinto at patuloy sa kakasigaw ng 'sh*t'..
ako medyo nainis at nairita.. nakakarindi kasi ang sigaw ee.. wala naman akong magawa kundi umupo dun sa may sofa. wrong timing naman oh! kung kelan naman nagmamadali kami para sa graduation saka naman ako nakulong kasama tong mokong nato.
"wag ka nang maingay jan! wala ka namang maitutulong pag sumigaw ka ng sumigaw at sipasipain yang pinto ee!.."
"bakit ikaw jan? may magagawa ka rin ba pag umupo ka lng jan at maghintay ng matagal?"
"eh kesa naman magalit sa pinto..mabubuksan ba yan pag pinagsisipa mo? tumigil ka nga muna jan.. magisip ka nalang ng paraan.."
"Ugh!."wala nlng siyang nagawa at napaupo nalang sa dulo. imbis na paraan para makalabas, paraan kung paano ko masasabing mahal ko siya ang naisip ko. tamang time kaya to para sabihin ko? pano pag sinabi ko at nasaktan lang ako? tsk! ano bang gagawin ko sayo Allen!! >.<
(next chapter)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
TsweezyStories©AllRightsReserved.2012
BINABASA MO ANG
Untold Feelings (short story) Completed
Romancea story of a girl na hindi alam kung paano sasabihin ang nararamdaman niya. Masabi kaya niya ang untold feelings niya? o maunahan pa siya ng isa? read for you to know ^_^v