Chapter 2

366 4 1
                                    



     Chapter 2: Amanda Stewart

--

     Tatlong beses akong kumatok saka ko pinihit ang Door knob.

       Una kong nakita ang mga estudyanteng halos lahat yata ay naka-tingin sa pinto na tila ina-abangan kung sino ang kumatok at papasok. Hindi ko na mabilang kung naka-ilang hinga ng malalim na ang ginawa ko.

        Nang tuluyan ko ng mabuksan ang pinto, tumingin ako sa harap kung nasaan naka-tayo ang isang hindi pa katandaang babae. Naka-uniporme siyang tulad ng kay Ms. Minchie, naka-tingin siya sa'kin na tila hinihintay akong maka-lapit kung nasaan siya.

Dahan-dahan kong isinara muli ang pinto saka ako nag lakad palapit sa babaeng nasa harap.

       "Good afternoon po." Mahinang saad ko, ngumiti siya sa'kin at tumango. "A-ako po si Hifa Dela Cruz, freshmen—"

       "You may take your seat, Ms. Dela Cruz" Pag putol niya sa sinasabi ko. Kinabahan ako dahil nanatili ang tingin niya sa'kin na para bang kinikilatis ako, kaya wala akong nagawa kundi ang yumuko. "Sa dulo, Ms. Dela Cruz"

      "O-Opo." Naka-yuko akong nag lakad papunta sa likod kung saan ako u-upo. Nang sa wakas ay maka-upo na ako, muli akong tumingin sa babaeng nasa harap, nanatili ang tingin niya sa'kin kaya iniiwas ko nalang ang paningin ko.

         "Magpapa-kilala ulit ako, kasasabi ko lang kanina na ayoko ng paulit-ulit. Pero dahil may bagong dating.." Muli akong napa-tingin sa kanya, naabutan ko ang tingin niya sa'kin na agad niya ding iniwas. "Anyway, I'm Ms. Shanley Marquez, and I will be your Class Adviser for this school year. Meaning, maka-kasama niyo ako starting today 'til school year ends."

Tumango-tango ako habang inililibot ang tingin.

May iilan akong kaklase na tila walang pake-alam sa aming magiging Adviser na nasa harap, meron ding mga nag da-daldalan, at merong tahimik lang tulad ko.

Nag-umpisang mag lakad si Ma'am Shanley sa gitna habang naka-krus ang kanyang braso. Umayos ako sa pagka-kaupo.

        "Kung meron kayong ka-tanungan, pwede kayong mag tanong. Ayoko ng Estudyanteng nag ku-kwentuhan sa klase ko." Aniya at tumigil sa harap ng dalawang babaeng kanina pa nag bu-bulungan. "Any question, Ms. Carreon and Ms. Vuena?"

     Yumuko lang 'yung dalawa kaya nag patuloy muli sa pag la-lakad si Ma'am Shanley. Habang palapit siya ng palapit sa'kin, hindi na ako mapakali sa inuupuan ko. Pakiramdam ko ay hindi niya ako gusto sa klase ng pag tingin niya sa'kin.

     "I want my Students to be clean. Ayoko sa madumi, madungis, at parang hindi nag susuklay. Especially, Girls." Aniya at tumigil sa tabi ko. Nanatili akong naka-yuko, lalo na nung marinig ko ang mu-munting hagikgikan ng mga kaklase ko. "Ms. Dela Cruz, sit properly."

Inangat ko ang tingin ko kay Ma'am Shanley. Hindi ko kasi naintindihan ang ibig niyang sabihin na sit properly gayung naka-upo naman ako ng maayos. Tinaasan ako ng kilay ni Ma'am.

"Sit like a lady. Close your legs, Ms. Dela Cruz."

Agad kong pinag-tabi ang dalawang binti ko, hindi ko alam na bawal pala umupo ng nakabukaka? Hindi naman sobrang buka, kailangan ba maayos talaga?

      "13 years old na kayo pero kung umasta kayo ay para kayong 7 years old. Ms. Ghana! Isa ka pa, umayos ka sa pag-upo."

Nag-lakad pabalik si Ma'am sa unahan. Tinignan niya kami isa-isa tapos ay sumandal sa lamesa na nasa likod niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

De Rio AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon