Chapter 1

5 0 0
                                    

Alam ko balang araw darating din siya. Na-traffic lang siguro pero grabe naman yung traffic hindi pa rin dumadating si Hubby. Hehe hubby agad? Hmp.

I'll wait for you, my future boyfriend.
Hahahaha anuba!

Ang sarap talaga pagmasdan ang bawat patak ng ulan. Nakakarelax. Yung ang dami mong na-iimagine. Nakakamiss din yung panahon ng kamusmusan. Napakasarap magtampisaw sa ulan kasama ng iyong mga kalaro. Ang sarap bumalik sa pagkabata. Yung tipong tuhod lang yung nasusugatan at madaling mahilom. Hindi gaya ngayon, kapag broken hearted ka pati puso masakit at may sugat na hindi agad agad gagaling. Hindi siya gaya ng sugat sa tuhod na hugasan mo lang at lagyan ng band aid tapos okay na. Pero hindi gaya ng puso kapag nasugatan hindi mo pwedeng lagyan ng band aid. Kailangan mo pa ng move on na sinasabi para mawala lahat ng sakit na nararamdaman mo.

Pero ang tanong kailan kaya uulan ng snow sa Pilipinas? Himala na lang kung uulan ng gano'n feeling nasa ibang bansa.

Hala. Ang drama, sinasabi ko lang naman yung nasa isip ko. Humuhugot lang talaga ako. Ang boring ng araw ko wala man lang ganap sa buhay ko. Joke lang. Tapos bukas may pasok na naman.

Nagulat na lang ako biglang tumunog yung cellphone ko.

"Hoy bruha ang tagal mo sagutin ah. Nakailang missed calls na ko." reklamo ni Charleigh.

"Hehe sorry" sabi ko habang nakatitig pa rin sa bintana.

"Ano nag eemote ka na naman jan?" she asked.

"Hindi Chararat. Hahaha bakit ba kasi napatawag ka?"

"Chararat mo mukha mo! May itatanong lang ako. Nakita mo ba si Eiram kahapon sa school natin? Hehe." Baliw talaga 'to.

"Ayy chararat ka talaga akala ko kung ano na. Magtatanong ka lang pala kung nakita ko si Eiram. Jusko naman. Bakit kasi hindi ka pumasok sa class, ha?"

"Eh kasi ano nagkaproblema lang sa bahay kaya di ako nakapasok." Sabi niya.

"Sus mukha mo. Problema raw wag ako ha." Sabay tingin ko sa pinto ng kwarto ko para kasing biglang bumukas. Di ko na lang pinansin baka sinilip lang ako siguro ni dad. Wala na palang ulan. Makahiga na nga.

" Oo nga diwag ka maniwala. Bruha ka. Papasok ako bukas. Kwento ko sayo bukas kung bakit." Tamo 'to.

"Okay sinira mo yung pageemote ko eh. Matulog ka na maaga pa bukas pasok. Kwento mo sa'kin ah." Sabi ko.

"Oo bruha. Tsaka may ibibigay ako sayo alam kong favorite mo 'to eh. Hihi." Ano kaya yun?

"Nako ano yan? Make sure na magugustuhan ko yan kapag hindi papakain ko talaga yan sayo." Natutuwa kong sabi.

"Pfft. Seryoso nga. Kapag eto nagustuhan mo, I will batok batok you talaga." Pabebe eh.

"Oo na sige. Bukas ah? Goodnight!" Paalam ko

"Sige goodnight, bruha." I ended the call.

Napabuntong hininga ako nang malalim. Ang dami ko na naman iniisip, nag ooverthink na naman ako ng kung anu-ano. Gusto ko na matulog kaso I can't sleep maaga pa naman ako bukas. Tinignan ko na lang yung mga pictures na nasa phone ko.

Nakita lang naman yung nga pictures ng brother ko. It's been a 5years nung nawala siya ang tagal na pala. Sobrang miss na miss ko na siya. Siguro kung nandito sa kuya ngayon kumpleto pa kami. Tigas kasi ng ulo ni kuya eh.

He died because of pneumonia. At the age of 26 siya nawala napaka bata pa para kunin pero wala eh gano'n talaga ang buhay hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundong ibabaw. Dahil ang buhay na mayroon tayo ngayon ay hiram lamang. Hindi natin hawak ang kapalaran natin. Always trust Him no matter what. Dahil lahat ng nangyayari ay may dahilan.

Hindi ko alam umiiyak na pala ko habang tinititigan ko ang mga pictures ni kuya. Naaalala ko yung mga magagandang memories na naiwan niya sa'min.

"How are you na kuya? Maganda ba jan? Okay ka lang ba? Masaya ka ba jan?" Feeling ko nandito lang si kuya sa kwarto. Nararamdaman ko lang. Siguro nakita niyang umiiyak ako. Ayaw niya kasing umiiyak ako eh magagalit yun. Once na malungkot ako he cooked lasagna kasi that's one my favorite kaya sobrang saya ko kapag nandito siya.

Tatlo kami magkakapatid. Bunso ako. I'm 4th year college, taking up Culinary Arts. Simula nung bata ako pangarap ko talaga maging Chef at magkaroon ng sariling restaurant. Gusto ko rin maging doctor. Siguro kapag may sarili na kong pera mag aaral ulit ako para maging doctor. Dalawa talaga gusto ko maging.

I want help my family and I want to pursue my dreams para sarili ko at sa kanila. Buti na lang scholar ako kaya hindi na nahihirapan si mama and papa.

Papa and Mama, I will promise na one day magiging proud din kayo sa'kin. Darating din yung panahon na ako naman ang magbibigay sa inyo ng magandang pamumuhay. For now, pagmamahal at ngiti sa inyong mga labi ang kaya ko munang ibigay.

It's already 1:30 am na pala. Di ko namamalayan. Puro ka kasi drama self. Hays.

Nag pray muna ako before going to sleep.

It Might Be YouWhere stories live. Discover now