Nakatulog na ako kagabi sa kakahantay ng tawag niya.Ako dapat yung magalit pero siya pa yung nagalit dahil lang pinatayan ko siya ng tawag.Ang unfair niya na eh!
Eto nanaman ako maghapon nagmukmok sa malaking bahay na ako lang ang nakatira.Nasanay na naman ako.Hindi naman ako takot mag-isa.
Ringg!.1 message received..
From: Babe <3
Good Morning <3 :*
Text niya sa akin.Nagreply ako.
To: Babe<3
Good Morning.I miss you! :'(
Tapos inisend ko na.Sana tumawag siya.
Pero maghapon ko hinintay ang reply niya at tawag kahit isa wala.Minsan nagsasawa narin ako sa ganitong set-up namin kasi hindi niya naman kayang ibigay ang oras niya sa akin.Pero iniisip ko rin naman siya.Pero sana this time isipin niya rin naman yung nararamdaman ko.Di ko rin maiwasan isipin na baka may iba na siyang pinagkakabusyhan maliban sa trabaho niya.
Nakatulog ako ng may luha pa sa mata.Hanggang sa nagising nalang ako na may mabigat na nakadagan sa bewang ko.Pag mulat ko naaninag ko ang lalake na nakayakap sa bewang ko at nakasandal ang ulo sa bandang tiyan ko.Siya lang naman ang nakakasama ko dito sa bahay.
Nang gumalaw ako.Gumalaw din siya at tumingala sa akin.
"I miss you too,Babe"sabay lapit sa.akin at humalik sa noo ko?.Di naman ako bad breath pero bakit sa noo niya lang ako hinalikan.Baka naman ayaw niya na sa akin.May bago na siyang mahal.
Mabilis akong tumayo at dumeretso sa c.r at nilock ang pinto.
"Did i do something wrong? Babe! Talk to me"sabi niya habang pinipihit ang door knob.
Hindi ako nagsasalita.Umiiyak lang ako ng tahimik.Ano bang alam ko sa pagmamahal na yan?Basta kapag nanjan siya malakas ang tibok ng puso ko at masaya ako alam kong pagmamahal yun.Pero yung pinakita niya sa akin kanina? .He's being cold to me.Hindi na katulad dati ang pagmamahal niya.
Naririnig ko parin ang katok niya pero hindi ko siya pinagbuksan.Hanggang sa nagsalita na siya
"Fine! If you don't want to talk to me.I don't fucking care about you!"sigaw niya pa at nakarinig ako ng yabag ng paa at pagkalabog ng pinto ko sa kwarto.Ibig sabihin lumabas na siya.
Ganun nalang yun?Susuko nalang siya sa akin.Sawa na siguro siya sa kadramahan ko!
Nang matapos na akong magdrama sa c.r naisipan ko ng bumaba muna para uminom ng tubig.Pero nagulat ako dahil nakita ko siya sa Couch na mahimbing na natutulog.My heart skipped a beat.Pagod siguro siya sa trabaho niya kaya hindi niya na akong magawang suyuin.
Nilapitan ko siya at hinawakan ang malambot niyang pisngi.
"Even if you don't have time to me.I still love you.And i will never leave you.Sana ganun kadin."kasabay ng pagsikip ng dibdib ko ay ang pagtulo ng mainit kong luha.