Febuary 1, 2018
Taena.. walang magawa ang boring naman. Puro fb lang sa bahay. Palibhasa tong mga tropa kong makukupag tamad gumala aish. Kumuha ako ng pagkain sa ref. Ang init kasi nasabay yung araw sa kahotan ko. Wala namang kachat karamihan boring yung iba naman ang kukulit, napakagwapo ko nga talaga kahit kelan sis ginoo
Corny kasi ni maam kung kelan sinipag na ko tsaka nagkaron ng seminar tatamarin nanaman ako nito haha. Huwaw may nagchat pambihirang kagwapuhan talaga to kahit kelan pang dayo eh.
*Seened chat ni ate gurl*
Di naman sa peymus ako or what. Sadyang ayoko lang ng may nagambala sakin at mangungulit. Nakakairita lang nakakapagod pa magtype haha. Aishh. Wala na ba talaga kong matino kausap. Naisip ko na maglaro nalang muna sa court wala naman akong magawa eh. And speaking of court lilinisin pala ngayon sakto magkakaron nananamn pala ng liga highblood nanaman si coach hahaha ang bilog pa naman ng katawan parang bulalakaw na bumagsak sa lupa kung mag init ang ulo eh hahaha. Pero bago ako pumunta ng court may nakita akong isang girl, Gem Benito... Wowwsiee she seems normal to me pero stalk ko na nga hahaha wala din naman akong gagawin.
Habang nang sstalk ako. Ayos pala to ah haha. Same age lang kami pero mukha syang bata bat ganon 17 sya pero mukha syang bata huwaw naman.
Ayos dinn. Osya iadd na natin hahahaha. Then gogora na ko sa court........
Susmeyo si coach naiistress ang gwapo sakanya eh nakakatakot kasi andaming nagkalat na dumi ng aso sa gitna ng court pa aba nakakabadtrip yon. Aishhh pero okay na yon atleast nakapag banat banat oa ng buto haha. Check ko nga kung inaccept na ko ng Gem na yon. At talaga nga namang walang nasablay sa mga hula ko saktong sakto inaccept na ko. Teka mag hi na ba kagad ako? Teka masyado naman ata cheesy pero bahala na haha
Hehehey nagchat sya jusmiyo ang galing basta talaga charisma ng pogi talab na talab.. ok so lets go na hahaha