Conquer 5

22 2 0
                                    

Dalawang linggo na ang lumipas pero palaisipan pa rin sa akin ang paglitaw ng isang supot ng iba't ibang napkin.

Grabe! Lahat na yata ng brand, nandoon na! Naisip ko na kung sakaling multo nga talaga ang nagbigay, dapat ko sigurong kaibiganin siya or kahit pasalamatan man lang dahil sa dami ng napking ibinigay niya.

Kaya naman kahit matagal nang natapos ang catch up session namin ni Xenon, lagi pa rin akong pumupunta ng library after class.

Pumupunta ako roon hindi para magbasa kundi para magbanyo at magbakasakaling makita at mapasalamatan ko ang nagligtas sa akin sa kalunos-lunos na sitwasyon na 'yon.

"Genteel Sovran, sinundo na po ng inyong kaklase si Ms. Amara kailangan niyo na rin pong sumunod sa kanya." Napairap ako sa sinabi ni Cairo. Me? Kailangang sumunod sa babaeng 'yon? So... ugh!

Sumilip ako sa bintana para siguraduhing nakaalis na sila bago ako lumabas. Muntikan na naman akong matawa pagkakitang muli sa kulay sky blue niyang old beetle car.

Like, seriously?! A quick flashback of my reaction upon seeing his car for the first time poked my mind.

But, wow! For the first time! Sumakay si Amara sa kotse nang walang tulong ng kahit na sino!

Tingnan mo nga naman... 'kala mo sinong gentleman sa school sa kakaalalay kay Amara tapos ngayon, ni pagbuksan siya ng pinto, hindi niya ginawa? Tsk, tsk...

As usual, pagkaalis ng beetle niya, sumunod na ang convoy ng mga kunyareng bodyguards ni fake Deiris Gafinia na naging hudyat ng aking paglabas.

Mabilis na huminto sa aking harapan ang trycicle namin. "Magandang umaga, Genteel Sovran." Tiyak ngang gumanda ang umaga ko pagkakita sa bunging ngiti ni mang Berto.

"Magandang umaga rin po, mang Berto." Bati ko pabalik kasabay ng pagsakay ko sa aming trycicle.

"Naku! mukhang iba ngitian natin ngayon ah?" Tugon niya habang sumasakay si Ivan sa likuran.

"Mang Berto naman!" Pabirong reaksyon ko kasunod ng tawanan naming pareho ngunit ang lalaking naupo sa likod ay nanatiling nakasimangot at seryoso.

Nag-umpisa nang magmaneho si Mang Berto para hindi sana mapag-iwanan nila Amara kaya lang... dyusko, daig pa prusisyon ng patay sa bagal ng kanilang takbo!

Humalakhak ako. Oo na, aaminin ko na! Isa 'yang sasakyan na 'yan sa nagpaganda ng umaga ko.

Napangiti si mang Berto habang si Ivan naman ay tinitigan lang ako. What?!

Hindi ko na kaya ang napakaseryoso niyang titig kaya ako na ang naunang nag-iwas ng tingin. 'Yan! 'yang Ivan naman na 'yan ang isa sa mga sumisira sa araw ko bukod sa pagmumukha ni Amara!

Kung bakit naman kasi parehong nag teacher 'yong dalawang secret bodyguards ko! Tuloy ngayon wala akong maisama kundi itong napakaobvoius na Ivan na 'to!

If you're wondering bakit si Ivan ang kasama ko at hindi ang dalawang nagpapanggap na teacher, well... wala kaming choice.

We're going to Piever's house para magplano about sa group task na ipinapagawa ng magaling na si Cairo! Napakaproud niya pa sa idea niya na paggrupuhin kami ni Amara para raw mabantayan ako ng mga bodyguards kung saan man kami pupunta! Like bakit hindi na lang niya naisip na magpaindividual task na lang para hindi na ako aalis ng bahay, diba?

Walang may gustong magpatuloy sa kani-kanilang bahay. Lahat "bawal" daw. Even me and Amara reasoned out the same thing for mama Dela's first rule is never ever let any outsiders enter our home's vicinity.

Kaya eto... pasugod kaming lahat ngayon kila Piever. Thank goodness, hindi sa amin ang napaginteresang isugod bahay ng iba pa naming mga kagrupo.

Nang huminto ang convoy, nagkunwari na rin si mang Berto na ihininto ang trycicle at ibinaba si Ivan sa harap ng katabing bahay nila Piever. D'yaan lang siya. Magbabantay. Magmamanman. Susuriing mabuti lahat ng taong daraan. Lahat ng taong lalapit. Lalapit sa lugar kung nasaan ang pinakainiingat-ingatan nilang 'genteel sovran'.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ConquerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon