SCENE 1, 10:30p.m. Napansin ni Brian ang pag-alis ni Junrey ng bahay ng walang papaa-alam.
Brian: Hoy! Maghuhugas ka pa ng plato saan ka pupunta? (hinawakan ang braso)
Junrey: Wala kang paki-alam! Bitawan mo nga ako! may aasikasuhin lang ako!
Brian: May kaaway ka ba? Gusto mo pagtulungan natin? (napansin ang bag na dala)
Junrey: Kaya ko ‘to! Hayaan mo akong tumapos nito! “Bitawan mo nga ang bag ko!”
Brian: Bakit may dala kang bag?
Junrey: Wala ito! Iyan na sila Raul at Ryan.
Natanaw ni Brian ang pagdating ng dalawa niyang bisita, ito ay sina Raul at Ryan, kaya hinayaan niya na lang ang kapatid na umalis.
Raul: Brian, Junrey.
Brian: (binitawan ang kapatid) Oh, bahala ka sa buhay mo! Bumalik ka agad.
Hinayaan na ni Brian ang kapatid, nag-pokus siya sa dalawang bisita nila at pina-tuloy ang mga ito sa loob. Mayroon na naman kasi silang pag-uusapan tungkol sa iligal nilang Gawain at para kunin ang pinatagong baril at ilang shabu.
SCENE 7, 10:40p.m. Makalipas ang ilang sandali, sa kabilang tawiran ng kanilang lugar, nagdatingan naman ang mga operatiba sa kanilang lugar na nakasuot sibilyan para hindi mahalata. Tapos ay mabilis na pinalibutan ang buong compound,
SCENE 1, 11:20p.m. Sa kabilang lugar naman ng barangay na ito ay nagmamasid naman si Junrey sa kanyang dating kasintahan na may kasamang ibang lalaki.
SCENE 2, 11:25p.m. Sa bahay ni Brian. Umakyat ang tatlo sa teris ng bahay para doon naman mag-usap, maya-maya ay natatanaw ni Raul na may mga sasakyan na nakaparada sa di-kalayuan.
Raul: (may natanaw) Tingnan niyo may apat na sasakyan na nakaparada doon!
Ryan: (tiningnan ang tinuturo ni Raul) Oo nga no, imposible namang mga sasakyan ‘yan ng parak! Tumingin-tingin nga kayo sa ibaba! Mas mabuti ng makasiguro muna tayo! Baka mga parak ‘yan.
Brian: Grabe naman pagkatamang hinala mo! Imposible ‘yan! (naka-upo na umi-inom ng alak)
Raul: May mga nakikita akong mga lalaki na naka-sumbrero sa baba. Kilala mo ba ‘yang mga ‘yan, hindi ko kilala ang mga tao rito eh.
Brian: (tumayo) Patingin nga! Saan?
Kasalukuyang namang nagmamadjong sina kuya Kwatog, kuya Rambo, aling Pia at kuya Luben.
Kuya Rambo: Tama na talo na ako!
Kuya Luben: Ako rin, mas malaki pa ata ang talo ko sa ‘yo eh.
Aling Pia: Oh sige bukas naman.
Kuya Kwatog: Kayo bahala. Tara uwian na.
SCENE 3, 10:30p.m. Pagka-uwi sa bahay ni aling Pia, nakita niya sa sala ang anak na anim na buwang buntis. Si Jovel, inutusan niya itong bumili ng balot doon kay aling Maret
SCENE 4, 10:30p.m. Pagka-uwi sa bahay ni kuya Luben ay nadatnan niya ang dalawa niyang anak na sina Lito at Lisa. Dumiretso siya ng lamesa nila para kumain at nang walang nakahain ay nagalit ito at pinagalitan ang dalawang anak.
