I met you unexpectedly. Hindi ko alam but the first time I met you I'm not really fond of you. Lumipat ka noon sa boarding na inuupahan din namin. I heard everyone talking about you. Someone says 'uy te, may cute tayong boardmate.' Dati for me, you do not really exist. Hanggang sa dumating na yung time kinakausap mo ako. At first naiinis ako sayo kasi I really don't like your existence sa room namin. Maingay ka tapos FC "feeling close" and what really annoys me is that you're always calling me "BABE". Hanggang sa nasanay narin akong tinatawag mo akong "BABE". Naging close tayo. Naalala ko pa nung kinagat ko na yung braso mo noon sa kusina kasi sobrang nakakaasar ka na. I know di mo na yun natatandaan. Nasanay nalang ako sa pagiging makulit mo sakin. Hanggang sa hindi ko namalayang nahuhulog na ako sayo. Nakakahiya mang aminin noon pero oo gusto na kita, hindi lang basta gusto kundi mahal na kita. Mahal na kita dahil sa mga sweet gestures mo. Mahal na kita dahil sa mga pacute mo. I love you 'coz you're making me feel special.
Sympre hindi lang puro masasayang araw yung naranasan ko nung time na kasama pa kita. May time din na gusto ko nalang magpakalayo sayo dahil sa di malamang kadahilanan. Nasasaktan ako tuwing nakikita kitang nakangiti pero alam kong hindi naman ako ang dahilan na iyong pag ngiti. Gustong-gusto ko ng umamin sa lintik na nararamdaman kong ito pero shit nahihiya ako, baka pagtawanan mo lang ako. Naalala mo yung time na nasa kusina tayong dalawa nung time na hinalikan mo ako. Siguro tama na yung pagpapaubaya ko sayong paghalik skin para maipahiwatig kong gusto kita na mahal kita. Pero bakit ganun may mga puntong nasasaktan parin ako. Oo nasasaktan parin ako noon dahil sa katotohanang hindi pwdeng maging tayo. Mayroong IKAW at AKO pero wala yung salitang TAYO dahil meron yung salitang IKAW at SIYA at ang pinakamasaklap ay yung salitang KAYO. Hindi ko alam pero patuloy parin akong umaasa na baka yung salitang TAYO ay mabubuo na kung ipapagpapatuloy kong magkaroon ng IKAW at AKO. Kaso lumipas na ang maraming buwan nanatili paring walang TAYO. Nakakaasar na dahil ramdam ko naman na mahal mo ako pero hindi talaga pwde dahil meron ng SIYA na mas mahal mo. Napapatanong nga ako noon kung nauna ba akong dumating sa kanya mamahalin mo rin ba ako tulad ng pagmamahal mo sakanya? Ang hirap mang tanggapin pero kailangan ko ng tapusin ang kahibangan kong ito bago pa ang lunurin sa sadaling kaligayahan kong nararamdaman ko sa iyong piling.
Naalala mo nung debut ng boardmate natin, alam kong hindi mo yun makakalimutan at lalong hindi ko makakalimutan. That day I decided to let go of everything. I decided to move on my own. Masakit pero kailangan ko ng limutin lahat. Uminom ako hanggang sa malasing pero bakit ganun nararamdaman ko parin yung sakit. Akala ko masakit na yung nagbreak kami ng jowa kong walangya pero mas masakit pala yung tanggapin na walang TAYO at yun ang totoo. Iyak, lungkot ang naramdaman ko that time. Kasama man kita ngayong gabing ito alam kong bukas pagkagising ko magbabago na ang lahat. I won't let my guard down again. Ayaw kong ipagpatuloy pa itong kabaliwan ko coz I know for sure may masasaktan pang iba. And I won't let that happen. Tama na yung ako lang ang nakakaramdam ng sakit. The day after that night lumalayo na ako sayo. Pero dumating yung araw ng birthday mo, naalala ko pa yung time na yun ginising kita with a cake in my hand. Not too expensive pero that's from the bottom of my heart. You hug and passionately kiss me that time. I'm totally drowned sa nararamdaman ko sayo. Masaya ako pero ang sayang nararamdaman ko unti unting napapalitan ng lungkot ng dumating SIYA. Every time I take a glance on the two of you I can see the happiness in your eyes. I know sobrang saya mo tuwing kasama mo siya. I know na sobrang mahal mo siya. And I feel jealous. Oo nagseselos ako tuwing nakangiti ka at SIYA ang dahilan. Alam kong hanggang ganito nalang ako. Hindi pala, alam kong hanggang ganito nalang tayo. Yung special ako sayo pero hindi talaga pwdeng maging TAYO. That night talagang ayaw ko na, aalis na ako dito sa bording na to kung saan nagsimula ang lahat. Lalayo na sainyo dahil hindi ko na kaya pang tiisin yung sakit tuwing makikita ko kayong dalawa na magkasama at wala akong magawa kundi manahimik sa isang sulok at nasasaktan.
2 months to go end na ng semester I'm really thankful at mabilis ang paglipas ng panahon. Right after the final exam inuwi ko na lahat ng gamit ko dahil that time It's final lalayo na ako SAYO. Dahil ayaw ko ng umasang magkakaroon pa ng TAYO.
June 22, 2015 nalaman ng gf mong may nagkaroon tayo ng something. Natatawa lang ako kasi kung kelan ako moving on saka niya nalaman. And that I really pushed me to move on and stay away from you.
2 years passed na wala tayong communication at hindi nagkita. Sa 2 years na yan andaming nangyari and unti-unti ko ng natatanggap ang lahat. Hanggang sa dumating yung time na malapit na akong magtapos and I'm planning to invite you all. I contacted you through chat hanggang nagsimula ulit tayong magkaroon ng communication. And we talked about the past hanggang sa nasabi mong wala ng KAYO. And time flies hanggang sa bumalik ang lahat sa atin.
I fall in love again with you. I know I'm not totally moved on kasi in that 2 years span na wala tayong communication wala akong naging serious relationship. I'm always looking your qualities to someone else pero wala ikaw parin talaga. I tried hard pero I ended up holding on to my feelings kahit alam kong walang kasiguruhan.
I can still remember your promises way back then, that you'll come back in my arms. Days and weeks passed and you said "I will keep you mine no matter what." This flutters my heart. Before graduation I slept over at your place and a great thing a happened. Maybe before we didn't have any chance to express what we truly feel towards each other. Now, destiny is making its own way.
Yung dating IKAW at AKO nagkaroon na ng salitang TAYO. Ang dating walang label ng relasyon nagkaroon na ng isang taong pundasyon. One year na simula nung naging tayo and I really can't imagine how destiny make a way for the two us. One year for a serious relationship and I think ikaw na talaga si "THE ONE". Hindi man ako perfect girlfriend but you're always making me feel as one. I'm so happy kasi going strong parin tayo. And Together were making are dreams come true. The pain & tears back then are worth it. So, thankful I have you in my life. And I'm so happy you're proving that you're serious o nakikita ko yun sayo. You introduce me to your family and what really makes me happy and special is that they welcome to be with you.
Destiny tears us apart back then, but destiny makes a way for us to be together again. I love you babe and I will always love you no matter what.