Magnanakaw

744 13 11
                                    

Inaantok na talaga ako. Konting-konti nalang at baka sa sahig na 'ko pulutin ng dahil sa antok kong 'to. Ang boring kasi, nakaka-antok, gusto ko nang umuwi.

Pinagmasdan ko ang paligid ko at pinansin ang mga reaksyon ng ibang estudyante. Some were nodding off, may iba na humihilik na nga pero hindi lang gano'n ka lakas, may nagtsi-tsismisan, meron ding nakatulala lang at nakanganga habang may iba ding nagte-take down notes like crazy.

Itinuon ko ang atensyon ko sa speaker sa harap. Effort na effort siya sa pag-discuss niya sa topic niya.

To distract myself from boredom, inalala ko nalang yung aksidente na nangyari kanina sa high way on my way to school. May isang namatay kaya lang ang nakapagtataka ay yung kaluluwa na nakatayo katabi ng corpse at nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa 'kin. Hindi siya yung namatay pero bakit kaya siya ang nandoon.

Matagal na 'kong nakakakita ng mga kaluluwa pero parang 'di pa rin ako sanay.

My drifting thoughts were brought back to the present nang biglang mamatay ang mga ilaw sa airconditioned-room na 'yon. Sabay-sabay na nagsalita ang mga tao sa loob at lumakas pa ang mga boses nila ng biglang nag-drop ang temperatura ng silid.

"Oi! Bakit lumalamig dito, eh di ba walang kuryente?" sigaw ng isang estudyante.

"Lovely, may nararamdaman ka bang kakaiba?" tanong sa 'kin ng isa kong kaibigan since alam nila yung gift ko.

"Hindi ako sigurado," ang sagot ko.

Nang umilaw na ulit doon, ang lahat ay naguguluhang nag-uusap sa isa't-isa. But a scream caught everyone's attention. Isang estudyante na galing sa ibang section ang nahihintakutang itinuro ang nanginginig na kamay sa may harapan ng kwarto.

Nilingon ng lahat ang kanyang itinuro at nag-sigawan nang makita ang babaeng maputlang-maputla na nakatayo sa harapan. Siya yung kaluluwa na nakita ko kanina sa may high way. Nanlilisik pa rin ang kanyang mga mata na nakatuon sa 'kin. I could see the hatred there. Ang sunod kong namalayan ay nasa harapan ko na pala siya.

"Umalis ka sa katawan ko!" ang kanyang matinis na sigaw sabay sakal sa 'kin sa leeg. Hindi ako makahinga sa higpit ng pagkaka-hawak niya.

Naririnig ko ang sigawan ng ibang mga estudyante habang nagsi-takbuhan sila palabas ng kwarto.

"Umalis ka sa katawan ko, you f*cking b*tch!" sigaw ulit ng kaluluwa.

Nang masiguro kong wala nang naiwan sa loob, kinalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim before grabbing her wrist.

"This is a futile effort, Lovely," sabi ko. "Wala ka nang pag-asa na makabalik ka pa sa katawang 'to. Patay ka na, sinigurado ko 'yon. Alam mo kasi, ang mga kaluluwang nahiwalay sa kanilang katawan ay may limang araw na leeway para sila makabalik. Hindi ko 'yon gustong mangyari sa 'kin kaya I forced you out of this body. Pero ikaw.... Ubos na ang oras mo. Unti-unti ka nang naglalaho."

Ibinaling niya ang tingin sa kanyang mga kamay and there she saw the slow deterioration of her soul.

"Hindi!!" sigaw niya.

"Salamat sa katawan, ha?" I smirked, "Mag-eenjoy ako sa buhay na 'to bilang ikaw," at walang sali-salitang tinalikuran ko na siya.

Sumigaw siya ulit but her voice was slowly fading but surely.

-FIN-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magnanakaw (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon