ANG SIMULA....

8 0 0
                                    

(Ang pag-ibig kusang dumarating sa hindi inaasahang pagkakataon lalo na kung sinukuan mo na ito)

     Sino ba naman ang ayaw ma-inlove? Lahat naman yata ng tao ay gustong maramdaman ‘yong pagmamahal. ‘Yon bang pakiramdam na may nag-aalaga’t nagmamahal sa ‘yo at siyempre ‘yong ikaw rin mismo ay mayroong minamahal at inaalagaan. Kabilang na riyan si Ainsley Flavier. Isang simpleng  babae, matalino at mayroong magandang kalooban. Masasabing hindi man pambeauty queen ‘yong mukha ngunit kilala at sikat sa eskwelahan dahil sa taglay na talino at kabutihan. Noong nasa hayskul pa lang si Ainsley ay atat na atat siyang magkaroon ng boyfriend. Hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang mayroong nag-aalala at nag-aalaga sa kaniya. Sa kasamaang palad, walang nangahas na manligaw sa kaniya. Hindi niya alam kung  bakit. Naiisip niya nga, bakit ‘yong mga hindi kagandahan ‘yong mukha at tatanga-tanga sa buhay ay nagkakaroon ng boyfriend bakit siya hindi? Anong mayroon sa kanila na wala sa kaniya? Parang ang unfair lang ni kupido. Siya itong gustong-gusto na magka-love life pero hindi naman siya hinahanapan ng magiging boyfriend niya. Samantalang ‘yong mga babaeng aakalain mong hindi makabasag ng pinggan ay magugulat ka na lang at ikakasal na pala.

     Nang pagtuntong ni Ainsley ng kolehiyo ay para bang bigla na lang nawala ‘yong drive niya na magkaroon ng boyfriend. ‘Yong pakiramdam na mas gusto niya ng tumandang mag-isa kaysa magkaroon ng asawa. Walang appeal na sa kaniya ang paghahanap ng boyfriend, hindi niya alam kung bakit. Para kasing bigla na lang nawala ‘yong feeling na ‘yon. Maaaring sumuko na siya o dahil sa mas malaking factor, ‘yong palagi niyang nakikita ‘yong mga kaibigan at kaklase niyang babae na umiiyak dahil niloko ng boyfriend. Idagdag pa na palaging nag-aaway ang mama’t papa niya at hindi rin sila magkasundo ng kapatid niya. Takot siguro ‘yong nagtulak sa kaniya upang mawala na ‘yong pagnanais niya na magmahal at mahalin. Takot siyang madisappoint, masaktan at higit sa lahat ay iwanan. Tinutok na lamang niya ang kaniyang atensiyon sa pag-aaral. Ang dating laman ng club at mga  party ay halos hindi mo na makitang lumalabas ng bahay. Ang lagi niyang kasama ay ang kanyang mga aklat at cellphone. Adik sa pagbabasa ng novel si Ainsley. Kung hindi niya hawak ang kaniyang libro ay cellphone naman ang hawak niya pero wala pa rin namang pinagkaiba sapagkat webnovel pa rin ang kaharap niya sa cellphone. Ang dating palatawa, maingay at makulit na si Ainsley ay napalitan ng tahimik at halos ayaw ng gumala.

     Nagbago ang lahat ng iyon pagtuntong niya ng 4th year college. Pagpasok pa lang niya sa room ay ang ingay-ingay na ng kaniyang mga kaklase. Mayroon silang pinagkakaguluhan na hindi niya alam kung ano sapagkat katulad nong mga nakaraang taon ay late na naman siya. Hindi naman  kasi big deal sa kaniya kung late siya o hindi kasi first day of school pa lang naman. Wala pa masyadong klase at karamihan sa mga guro ay nasa bakasyon pa rin. Dumiretso na lamang si Ainsley sa dati niyang upuan na kung saan nakalagay ‘yong mga bag ng mga kaibigan niya.

     “Ainsley!” ang matinis na boses ni Lenny ang bumungad sa kaniya.

     “Nandito ka na pala hindi ka namin napansin” ang nakangiting sabi naman ni Karen.

   Nginitian muna sila ni Ainsley bago ito sumagot.

     “Pa’no niyo naman ako mapapansin eh mukhang mayroon kayong pinagkakaguluhan.” Kunwaring nagtatampong sabi ni Ainsley.

  “Ito naman, tampo agad?” agad na lumapit sa kaniya si Dina at tinusok-tusok pa ang tagiliran nito ng kaniyang hintuturo.

  Natawa na lang si Ainsley sa ginawa ng kaibigan.

     “Kailan pa ba ako nagtampo sa inyo? Pero teka nga, ano ba ‘yong pinagkakaguluhan niyo ron?” tanong ni Ainsley habang nakaturo ang nguso niya sa likod na bahagi ng room nila na hanggang ngayon ay marami pa ring tao.

   “Omo, omo! Hindi ano kundi sino? Don’t you know na meron tayong bagong kaklase?” hindi makapaniwalang tanong ni Lenny.

   “Hehehe, obvious ba? Transferee? Pero diba parang alanganin naman yata ‘yong pagtransfer niya kasi 4th year na tayo. Malapit na tayong magtapos.” Nakakunot ang noo na sabi ni Ainsley.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Not So Romantic RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon