Prologue

19 2 0
                                    

"Meeting you showed me that love actually exists"

•••

Grey

"Isagani! Seph! Tope!  Una na ako sa inyo!" halos lumabas na ang ugat ko para lang sumigaw sa kanila sa gitna ng lakas ng tugtog sa loob ng bar.


"G*go wag kang mauna!  Umuwi ka lang" sabi ni Tope kaya natawa ang iba naming tropa.


"G*go ka din! Bahala na kayo jan! Magpakalasing kayo! "


Hindi ko na sila hinintay na sumagot dahil paniguradong kalokohan lang naman ang sasabihin nila. Pilit kong nilakad ang labasan ng bar kahit mahirap, dahil sa dami ng tao na nagsasayawan.


Pagewang gewang na patungo sa sasakyan ko na nasa gilid lang ng highway. D*mn! Nasusuka pa ata ako!


Nasa gitna na ako ng daan nang maramdaman ko ang pagbaliktad ng sikmura ko. Hindi na ako nakaabot sa gilid kaya sa daan mismo ako sumuka at napaluhod. Napadami ata ang inom ko. G*go kasi ni Isagani, lahat ng tagay na para sa akin dinadagdagan niya.


"Ewww! Yuck!"


Dahil ata sa kalasingan ko, hindi ko na napansin ang pagsulpot ng isang babae sa tabi ko. Nakakagulat din ang pagsigaw niya. Lumapit pa siya kung magmamaarte lang naman siya.


"Here" sabay abot sa akin ng panyo niya. "Use that to wipe your... mouth"


Wow englishera! Ang arte!


Tiningala ko siya pero nasilaw lang ako sa ilaw sa poste na nasa likod niya. "Alam mo ang panget mo" pagkatapos ay tumawa ako. Yung may kasama pang yakap sa tiyan.


"Aba! Hah!  Ikaw na nga tinutulungan eh!  Hanggang kelan mo ba balak lumuhod jan?!" halata kong naiinis na siya sa tono ng boses niya.


"Hanggang buhay hahaha!" imbes na sumagot siya ay tahimik niya akong nilapitan at hinila sa braso.


"Argh! You are a pig! Ang bigat mo!" nagawa niyang dahan dahan akong akayin papunta sa kotse ko.


"Sino ba kasing may sabing buhatin mo ako? Pero ang lakas mo ah. Isa kang amazona" tumawa na naman ako ng parang wala ng bukas. "Teka!  Chansing ka ah!"


Binuksan ko ang kotse ko at umupo sa driver's seat samantalang siya umupo din sa passenger.


"Ang kapal mo naman. Tinulungan lang naman kita kasi baka masagasaan ka. Kaya kahit diringdiri na ako sayo dinala pa din kita dito"


Sobrang sakit ng ulo ko kaya minabuti kong isandal na lang sa manibela. Para na akong nasa langit na lumulutang.


"Iinom inom ka tapos hindi mo naman pala kaya"


Teka!  May kasama ba ako?  Bakit may naririnig akong nagsasalita?


"Gusto ko din sanang humingi ng tulong. Hindi ko kasi alam kung nasaan ako"


"Nasa earth ka pa din naman eh. Bandang Subic hahaha"


"Ah kung ganon hindi naman pala ako nakalayo. Anong araw na ba ngayon?"


Bakit ba tanong ng tanong toh? Close ba kami?


"June 1, 19XX"


"OH MY GOSH!"

pagkatapos niyang sumigaw ng pagkalakas lakas ay nagkwento na siya ng pagkahabang istorya pero isang salita lang ang naintindihan ko Miracle yun lang wala ng iba.


"Okay, nice to meet you Miracle"


Inabot ko ang kamay niya at iaalog sana pero napahinto ako. Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay pilit ko pa ding tinitigan ang nakasalikop kong kamay sa kaniya. It's warm...

Nakatitig lang ako dun hanggang sa wala na akong natandaan dahil nilamon na ng antok at hilo ang sistema ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon