Boss👔24

4.4K 77 2
                                    

Kinabukasan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinabukasan

Minulat ko ang aking mga mata at tumingin sa anghel na katabi ko napaka cute talaga ni Hans

Tumayo na ako dahan dahan at lumabas ng kwarto gagawa ako ng breakfast namin
Kaso naalala ko na wala papala kami nabibili na mga foods

Nag ayos muna ako ng sarili ko at kinuha ko yung wallet ko lumabas ako ng unit namin tapos sumakay ng elevator pababa

Lalabas ako ng Hotel bibili ng makakain namin
Naglakad lakad ako sa labas para maghanap ng convenience store at ng may nakita akong ministop pumunta ako doon at bumili ng cup noodles, yung hotmix na pancake ,mineral water then mga junkfoods etc...okay na ata ito

Pumunta ako sa counter at pina punch na

"1,500 po Ma'am" kinuha ko yung wallet ko at nang makita ko ay puro dollar ang loob nun napatingin ako kay ate na nakataas ang kilay na nakatingin saakin

"Pwede ko ba bayaran ng dollar ito Miss kas—" hindi ko na natapos yung sasabihin ko at sumabat na siya saakin

"Naku kung hindi mo kayang bayaran edi sana hindi kana nag pa punch dito saakin tuloy maibabawas ito, mukha kapanamang mayaman kaso baka puro fake yang s—-" naputol ang sasabihin ni ate ng may sumabat na isang lalaki

"I'll pay her bills how much?" Tumingin ako sa lalaking nasa tabi ko matangkad siya siguro mga nasa 5'9 siya or mas mataas pa naka suot siya ng black jacket at naka sumbrero din siya naka jersey short siya at naka tsinelas lang ng gucci

"1,500 po sir" sabe ni ateng nasa counter grabe ang sama niya mag salita saakin kanina
Hindi ko lang nabayaran eh pinagkamalan niya pang fake lahat ng gamit ko
Pero hayaan na nga natin siya

"Here" binigyan niya ng 2k yung babae at kinuha niya yung plastic na puno ng pinamili ko "keep the change" sabe niya sa babae tapos humarap naman siya saakin at binigay yung dalawang plastic

"Naku sir nakakahiya naman po sai—" hindi ko n natapos ang sasabihin ko ng sumabat siya

"No thanks I don't need this" kinuha niya yung kamay ko at binigay ang plastic tsaka umalis sa harap ko kaya naman sumunod ako sakanya

"Excuse me sir wait" sabe ko sakanya kaya naman huminto siya tapos humarap saakin
Nilapag ko muna yung dalawang plastic tapos may kinuha ako na calling card ko tapos binigay sakanya

"Tawagan mo nalang ako para mabayaran kita, Thank you so much" sabe ko sakanya tapos umalis na

Bumalik ako sa Hotel at ayun tulog pa nga si Hans pero si Junie naman ay gising na

"Ate saan ka kumuha pang bili mo diyan may pesos ka ng pera?" Tanong ni Junie habang nasa sofa nanunuod

"Long story, gisingin mo na maya maya si Hans magluluto lang ako"bilin ko sakanya at wala naman na ako narinig na sagot niya kaya nag simula na akong mag luto ng pancake

Dahil sa mabilis lang ang pag gawa nito nakaluto na ako ng dalawa
Nang biglang tumunog ang aking cellphone

"Junie! pakisagot naman yung tumatawag!" Sabe ko sakanya pumunta naman siya dito tapos kinuha sa lamesa yung cellphone ko

"Hello, she's here , okay I'll give it to her"

"Ate si Tita Dianne" mahinang sabe saakin ni Junie kaya kinuha ko iyon at itinapat sa tenga ko

"Hello Tita Dianne?"

'Ija how are you, is everything alright?"tanong niya saakin

"Yes po Tita napaka comfy po dito he likes it" sabe ko sakanya at tinutukoy ko si Hans kase gustong gusto nga dito ni Hans dahil sa view

"Good I want to invite you to eat Lunch with us are you free?" Napatigil naman ako sa pag baliktad ng pancake na niluluto ko ng marinig ko iyon

"Don't worry he is not here" oahabol pa ni Tita kaya napa buntong hininga ako

"Okay Tita see you later nag luluto pa po ako" sabe ko sakanya at tumawa naman siya

"Okay Goodbye"

"Bye" then na putol na ang kumunikasyon namin kaya inilagay ko na sa tabi yung cellphone ko at inilagay sa plato yung pancake na natitira

"What did she say?" Tanong ni Junie nung nilapag ko sa lamesa yung dalawang plato
Na may laman na pancake

"Pumunta daw tayo mamaya sa bahay nila for lunch" sabe ko sakanya at nag 'hm' lang siya "gisingin mo na muna si Hans pa toothbrush mo ah" bilin ko ko sakanya at tumakbo naman siya papuntang kwarto namin

Nag ayos na ako ng mga plato at nag timpla ako ng gatas for Hans and Junie
Masyadong pang bata kay Junie ang gatas pero ewan ko ba mas okay siya sa gatas kaysa sa kape

Nag timpla naman ako ng kape para sasarili ko at kinuha ko sa plastic bag yung chocolate syrup at inilapag sa lamesa

At boila! tapos na

"Where's mommy tito Junie?" Rinig kong wika ni Hans kaya naman napa  ngiti ako

"Preparing our breakfast, brush your teeth na Hans" rinig kong utos sakanya ni Junie kaya naman pumunta ako sa may couch at tinignan ko ang palabas sa T.V

Adventure Time! kaya naman dali dali kong pinatay ang T.V bago pa makalabas si Hans
Paborito niya kase yun baka hindi na siya makakain kapag nakita niya iyon

"Mommy Goodmorning~" napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Hans na medyo magulo pa ang buhok kaya umupo ako at inayos yun kiniss ko naman siya sa cheeks ganun din siya saakin

"Good morning too Hans let's eat na" sabe ko sakanya kaya tumango siya
Inupo ko siya sa tabi ng upuan ko at sumunod naman si Junie na umupo sa harap namin

"Okay before we eat let's pray" sabe ko kaya naman siya na ang nag lead ng prayer
And then pagkatapos nun ay nag si kainan na kami

"Btw Hans later pupunta tayo kay Lola Dianne mo is that okay to you?" Tumango tango naman siya at uminom ng gatas

"Oh i can't wait to see them" excited na sabe niya kaya naman napa ngiti ako

"Junie baka naman maya maya may open nang palitan ng pera para may mga pangbayad tayo" sabe ko sakanya kaya naman tumango siya saakin at kumain pa ng pancake

***

Highschool Crush is my Boss[ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon