Prologue

883 34 14
                                    

Ligaya Homes.

Iyon ang nakasulat sa labas ng gate ng kinikilala kong tirahan sa loob ng labinpitong taon. Malayo ito sa syudad pero kahit ganon ay maingay naman ang tahanang ito sa tawanan ng mga batang inaalagaan ng mga nagbabantay dito.

Malaki naman ang bahay ampunan na ito. May playground din sa likuran at malawak na garden naman sa harap. It was a two-storey house with lots of bedrooms. Yung iba, bakante na kasi umalis na ang mga batang tumitira dati don. Pero madami pa din kaming naiwan dito sa bahay.

Wala akong maalala masyado sa kung paano ako napunta dito. The last memory I had when I was younger was the smiling image of my mother. Other than that, wala na. I'd be lying if I said that I never yearned to look for my real mother, my real family. I did.

Halos gabi-gabi akong nananaginip sa nakangiti niyang mukha.

It was torture for me, as if mocking me for being here.

It wasn't my choice. This wasn't our choice to be here.

Masaya naman ako dito pero di yun sapat. Mabait ang mga tapag-alaga samin lalo na si Mama, ang founder ng orphanage na ito. She built this home because she too was once a mother. She lost her baby in a car accident. That's why sobrang maalaga niya samin but not to the point that we feel suffocated.

We felt secure and loved. We were also provided with our basic needs and other necessities like education. May pumupuntang teachers dito na mga kakilala din ni mama which is why we we still have the previlige to learn like normal kids.

"Kanina ka pa jan sa labas Cyka. Pumasok ka na dito oh, sasakit balat mo nyan," napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko. Agad naman akong tumayo at pinagpagan ang suot kong skyblue na bestida. Nakatayo lang sa ilalim ng puno na malapit sa bintana ng bahay si ate Mira, ang pinakamatanda saming mga inaalagaan ni mama.

She turned 20 last month. Pwede na sana siyang umalis nung nag-18 na siya kasi iyon ang isa sa mga regalo ni Mama samin. Ang magkaroon ng kalayaang lumabas o manatili sa bahay ampunan. Pero si ate, she chose to stay here. She wants to help Mama take care of other children.

"Maganda lang naman kasi yung panahon ngayon. It'd be a waste if I stayed inside the house," napanguso ako. Naglakad ako papunta sakanya at inabot ang dala niyang bote ng juice. Natatawa pang kinurot ang ilong ko.

"18th birthday mo na bukas, nakapagdecide ka na ba?," biglang sumeryoso ang tingin niya sakin. Inubos ko muna ang laman ng bote pag tumingin sakanya. Marahan akong tumango. I waited years for this opportunity to come.

Nginitian niya ako.

"Mamimiss kitang bata ka. Wala nang mangungulit sakin na magpasamang umihi sa gabi," pang-aasar niya. Pabiro ko siyang inirapan. I'll miss her too. Pero it doesn't mean naman na di ako babalik dito para bumisita.

"Tara na nga sa loob. Nagluto si Mama ng paborito mo." Napangiti ako nauna pang tumakbo papasok sa loob ng bahay.

Naaamoy ko pa ang lasagna ni Mama kahit nasa dining room pa lang kami. May kasama pa kaming mga maliliit na bata na naghihintay din siguro sa pagkain. Yung iba naman, tulog o naglalaro sa labas.

I heard laughs approaching the room. Pumasok naman ang kambal, Xia and Xiao. They turned fifteen this month pero halos magkasingtangkad na kami ng dalawang to.

"Mama si Xia oh, nangungurot," sumbong ng isa.

Bahagya pa itong nag-aagawan sa pwesto sa kanan ko.

"Ihh tabi kami ni ate Cyka. Lagi ka nalang nang-aagaw," Xiao pouted when his twin sat beside me.

The twins arrived here when they were still babies. Unfortunately, kaya sila binigay kay Mama kasi their real mother could not afford to raise them yet. I don't know the whole story, but what she did was better than just leaving them alone in the streets.

"Oh dito ka nalang sa upuan ko Xia. Wag na kayong mag-away jan." Natatawang turan ni Mira. Lumipat naman siya sa harap ko para tumabi din si Xia sakin.

Ilang sandali ay pumasok na si Mama dala ang nilutong lasagna. Napawow naman ang iba naming mga kasama kaya pareho kaming natawa ni Mira.

"Mga batang to, nag-aaway na naman ba kayo?" Inilapag niya muna ang hawak sa mesa at tinanggal ang suot na apron. Nameywang naman siya sa harap namin habang nakatingin sa kambal.

"Si Xia/Xiao kasi Ma!" sabay na sumbong ng dalawa.

Napailing nalang si mama at sinimulan nang lagyan ang mga plato namin. I offered to help her and she let me.

"Tanda mo na bukas Cy," pabiro niyang tugon. I frowned. Di pa naman matanda yung 18 ah. Pagkatapos naming lagyan ang mga plato ay naupo na din ako sa gitna ng kambal na kumakain na.

"Ikaw nga yung tumatanda na Ma eh. Bakit di mo nalang hayaan ang orphanage kina ate Cindy? You've done a lot for us already," mahinahon kong saad. I took a bite of the lasagna that she cooked and I'll surely miss this.

"Sus! Malakas pa ako oh. Atsaka ito ang gusto kong gawin, ang alagaan kayo. Kaya hayaan niyo na si Mama sa gusto niyang gawin, okay?" ani niya. Napakatigas din kasi ng ulo minsan ni Mama. Pero totoo naman ang sinabi niya. Fifty-four na siya pero para pa ding bente sa lakas niya. Nakakabilib.

"Naayos mo na ba mga gamit mo? Pupunta dito ang susundo sayo mamaya para kunin mga bag mo." Agad akong napalingon sakanya. Ang aga naman ng susundo, ba't di nalang isabay bukas pag-alis ko?

"Sinadya 'yon para di ka mahirapan masyado sa bibitbitin mo," nakangiti niyang tugon. Halata siguro sa mukha ko na nagtataka ako. Napatango nalang ako bago inubos ang pagkain.

Ate Mira offered to wash the dishes. Nagpaalam din akong aakyat muna sa kwarto para ayusin mga gamit ko. Di naman ganon kadami pero sabi kasi mamaya na daw pupunta dito.

Share kami ng kwarto ni Ate Mira. Yung side niya, nasa kanan habang sakin naman ay nasa kabila. Ipinatong ko ang maliit na maleta sa kama ko. Inayos ko muna ang pagkakatupi ng mga dami ko bago ipinasok sa loob. Maayos na yung laman ng backpack ko kaya itong maleta nalang ipapadala ko mamaya.

I have decided to live independently now that I'm turning 18. Mama provided an apartment for me para daw di nako mahirapang maghanap pag-alis ko. I accepted it kasi it'll be convenient for me. This decision is scary and exciting at the same time, but I've already made up my mind.

Tutuloy ako.

Saktong natapos ko na ang pag-aayos ng bag ko nang may narinig akong busina ng sasakyan sa labas ng bahay. Agad akong dumungaw sa bintana ng kwarto namin. Nakaharap ito sa gate kaya natatanaw ko din mula dito ang mga ganap sa baba. Pati yung ibang mga bata na naglalaro sa labas, nagtakbuhan din papunta sa gate.

It was a black Honda Civic. I quite have an interest in cars which is may alam ako konti sa mga sasakyan. Nakita kong lumabas si Mama. Sinaway niya naman ang isa na umakyat sa gate. Natatawa akong napailing. Ankukulit talaga ng mga to.

May lumabas na lalaking naka puting hoodie at itim na pants. Mukhang kaedad lang ni ate Mira. Lumabas si Mama sa gate at niyakap ang lalaki. Nag-usap pa sila saglit ni Mama bago pumasok sa gate. Tuwa namang nakipag-apir ang ilang mga bata sa lalaki

"Mukhang mabait naman. Buti di naiinis sa ingay ng mga bata sa baba,' sabi ko sa sarili ko.

Nang nakatayo na sila sa tapat ng bintana ko ay tumingala si Mama at sinenyasan akong bumaba. Napatingin din ang lalaki sakin at ngumiti.

"Cyka" bahagya akong nagulat nang marinig ko ang boses niya.

I don't know why pero....naiinis ako.

—-------------------------------------------------------------------

Is This Goodbye?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon