Chapter 2-Blue Blood Moon

4 1 0
                                    

TWILIGHT

Ipinaghanda ni Mama ang susuotin ko mamayang gabi kung saan makukuha ko daw ang buong kapangyarihan ko. Nakalong gown ako na ala Galaxy ang kulay, why o why? Bakit ganito pa ang pinasuot sakin ni mama? Oo nerd ako sa school di ako magaling mag make-over ng sarili. Di bale nun eh ayaw ko talaga ng pambabae ng mga damit. No offense readers ha pero kasi ang modern na mga damit ay masyadong flirty. Kaya di ko type ang girly clothes ngayon. And that is also the reason why they call me freak, because I suck at fashion.

"Hija baba ka na rito malapit ng maging Blue Blood ang Buwan" -Mama

At dahil wala akong magawa ay bumaba na ako. Medyo mahirap maglakad Lalo na Kung naka long gown ka at making pasasalamat ko talaga at hindi na kailangan na mag-heels ako dahil kung pinasuot ako nila siguro kanina pa ako napahiya say pagbaba ko ng hagdan.

"Anak tanggalin mo yung eyeglasses mo" saad ni mama kaya no choice ako tinangal ko na.

"Twilight kailangan mo ng tumayo sa gitna ng bilog na yan" Ani ni Maxine

Tumayo ako sa gitna ng bilog na parang magic circle. Tinitingnan ko ang buwan at nagiging asul na eto pero wala pang halong dugo.

"Hija pumikit ka na dahil malapit na ang oras" -Mama

Ginawa ko nalang ang utos ni mama at ilang saglit lang naramdaman ko na parang may spotlight na sakin. Tinangka ko buksan ang aking mata at.

"Anak wag bubuksan ang mata mo at linisin mo ang isipan mo" -Mama

Sinunod ko ang mga saad ni mama lininis ko ang aking isipan.

THIRD PERSON

Walang alam si Twilight kung ano ang nangyayari habang nakapikit ang mata niya. Ang spotlight na sinasabi ni Twilight ay diretsong liwanag mula sa buwan papunta kay Twilight Ang spotlight na sinasabi niya. Nakaramdam ito ng malakas na enerhiya na dumadaloy sa kanyang katawan. Ang tattoo sa biceps niya at umilaw kasabay nun ay ang pag-ilaw ng kanyang buhok at mata. Humaba ang kanyang buhok, habang ang mata niya ay umiilaw lang.

Sina Maxine, Haise at Miss Kelly ay mangha-mangha sa kanila nakikita. Ang tattoo ni Twilight ay nadagdagan Ng butuin at mga planeta? Matapos na ang ritual para makuha Ang buong kapangyarihan ni Twilight ay biglang itong nahimatay mabuti nalang ay sinalo siya ni Haise.

°•∆•°

TWILIGHT

Kakagising ko at tumambad sakin ang liwanag ng araw. Teka araw? Anong nangyari kagabi? Bahala na nga. Pumunta nalang ako sa banyo ko at naligo na. Doon ko lang nahalataan na humaba ang buhok ko, dahil ba to sa nangyari kagabi? Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na at sinuklayan mo na ang aking buhok saglit. Hala? Ang tattoo? Bakit parang dumami ito at lumaki? Tanungin ko na ngalang si mama baka kasi mahimatay ako sa kakaisip 😂.

Bumaba na ako hinanap si Mama na naroon lang pala sa kusina.

"Ma bakit humaba ang buhok ko tas ang tattoo ko lumaki para bang nadagdagan" -Ako

"Anak di mo ba naaalala ang nangyari kagabi?" Sagot ni Mama sa tanong ko.

"Bakit? Ano nga ba ang nangyari kagabi?" Pananabat ko

"Kagabi nangyari ang pagtanggap mo sa buong kapangyarihan mo, siguro dahil dun ay humaba ang buhok tas nadagdagan ang tattoo mo"- Mama

Napa-ahh nalang ako sa nagging sagot ni Mama..

Sabay-sabay kami kumain ng umagahan kasi daw mamaya babalik na kami sa mundo na kung saan ako nararapat, sa mundo kung saan matutunan kung kontrolin ng mabuti ang kapangyarihan ko.


"Tandaan mo Twilight ang kapangyarihan na sasabihin mo lang Stargazer" napatango ako sa habilin ni mama.

Ngayon na kasi ako babalik sa 'lugar kung saan ako nararapat' kasama ko si Ash at Haise sila makakasama ko doon. Kaya andito kami ngayon sa isang kwarto sa loob ng mansion ni mama. Ito daw ang portal na iniwan ng reyna sa sa kanya isang kwintas lang ito kung titingnan pero kapag gagamitan ng mahika ay nagiging portal.

"Tandaan niyo Haise at Ash ipapakilala niyo siya bilang Twilight Moon Blue" pahabol ni mama at tumango ang dalawang bilang sagot.

Nauna na silang dalawa na pumasok sa portal. Ako ang huling pumasok. -Spiral- putek nakakahilo yun ah, napapapikit ako at ng imulat ko ang aking mata ay nakakita ako ng parang paraiso sa ganda.

"Twilight welcome to Mystique Paradise" -Ash

"Wow" Yan lang ang nabangit ko, wala akong masabi ang ganda ng lugar na to sobra.

"Tara puntahan na natin ang titirhan mo" -Haise

~∆~∆~∆~∆~∆~∆~∆~

Nung nakarating kami hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang ang titirhan. Parang mansyon na sa laki.

"Ako lang titira dito?" Takang tanong ko

"Don't be stupid. This is your house but we're living here with you, since hindi tayo pwede tumira sa sa dorm kasi baka malaman nila kung sino ka talaga" -Ash

"Don't worry kasi kung meron mang announcement mula sa academy maririnig naman natin mula dito dahil may speaker tayo na nakaka connect sa academy"-Haise

"So that means malapit lang mula rito ang academy na sinasabi niyo"-Ako

"Oo, just a few steps away at oo nga pala safe tayo rito since this part of the whole academy" -Ash

"How come? Pati ung tore na yun?" Sabi ko sabay turo sa isang tore na medyo malayo-layo

"Yep, nakikita mo ang pader na nakapalibot? Yan ang promopotekta sa atin at hanggang diyan rin ang campus" -Haise

"Ang laki naman pala" Saad ko at napatango naman sila.

"Kumain na tayo at matulog. Maaga pa tayo bukas dahil mageenroll pa tayo sa academy na nasa gitna ng campus" -Ash

Um-oo nalang kami at pumasok na say loob ng bahay. At natulog na pagkatapos naming kumain.

~∆~∆~∆~∆~∆~∆~∆~

Sorry sa typos at grammatical errors.

Black EnchantressWhere stories live. Discover now